XXXIV: FINALE

147 54 12
                                    

THE FACELESS
••Chapter 34: Finale••

❌❌❌

KIRA'S POV

Days, weeks and months passed. Bumuti na rin ang lagay ko at tuluyan ng gumaling ang mga sugat ko galing sa mga tama ng bala. Pero isang sugat nalang ang hindi pa humuhupa, ang sugat sa puso ko.

I've been through therapy and regular counseling. Para raw hindi ko pagdaanan ang depression dahil sa trauma. And it help me a lot. Unti-unti na ring natatanggap ko ang pagkawala ng mga kaibigan ko. Gabi-gabi na ring tama ang aking tulog. Dahil nung mga time na sariwa pa ang nangyari ay halos gabi-gabi akong binabangungot at madalas tulala lang ako.

Dumaan din si Joven sa counseling at minsan nagkakasabay kami. Pero mas madalas yung schedule ko dahil mas malalim daw ang pinagdaanan ko. Pero kahit sa dinami-dami ng pinagdaanan ko, ay nagpapasalamat parin ako. Dahil hindi pa rin ako iniwan ng mga taong mahahalaga sa akin. I have my family, handang gabayan at alalayan ako. I still have my other friends lalo na si Joven. I have the people in the counseling na tinutulungan akong pagaanin ang loob ko. And lastly and important, I am very thankful to God. Dahil binigyan pa rin niya ako ng isa pang buhay. Isang pang buhay at pagkakataon para itama ang mga mali ko.

❌❌❌

11 months later

KIRA'S POV

"Where are you guys? Andito na ako." Matapos kong itype ay sinend ko ito kay Joven at sa dalawa pa naming ibang kasama.

Mahigit 20 minutes na akong naghihintay sa kanila dito sa loob ng isang coffee shop sa Mall. Magkikita kasi kami para pag-usapan ang darating na 1st death anniversary ng mga kaibigan namin at para magpaalam sa kanila. Yes, magpapapalam ako sa kanila dahil aalis ako.

Nahagip ng mata ako ang taong kakapasok lang ng coffee shop, si Joven. Nakangiti itong papunta sa direksyon ko at umupo sa tapat ko.

"Kanina ka pa? Sensya, traffic kasi e," paghingi niya ng paumanhin sabay kamot sa batok niya.

"It's okay," tipid kong sagot at nginitian siya.

Halos magkasunod lang ay dumating na rin ang dalawa pa naming kaibigan. Maliban sa mga nasawi naming kaibigan ay may natira pa. Yung dalawang hindi nakasama sa outing namin. Heto kami ngayong apat at parang mga pipi na hindi nagsasalita.

"What's with this silence?" basag na tanong ng isa naming kaibigan. At saka kami natauhan lahat.

"May dumaan sigurong anghel," dagdag ng isa pa naming kasama.

"Right. Our angel friends," suhestyon ko. Sabay sabay pa silang tumango sa sinabi ko.

"Anyway, alam naman ninyo kung bakit tayo andito. Malapit na ang 1st death anniversary nila, and we need to prepare for that." panimula kong saad.

"Oo. Mag pamisa nalang tayo kasama ang mga pamilya nila." suhestyon ni Joven.

"Yan din ang iinisip ko," segunda ko.

Nagplano na kami sa gagawing preperasyon. At napagdesisyunan namin ang gagawin. Halos dalawang oras din kaming nagdiskusyon. At matapos naming pag-usapan ang tungkol sa death anniversary ay kumuha na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanila ang isa pang pakay ko.

"Hmmm, guys. May isa pa pala akong sasabihin sa inyo." alangan kong sabi.

Napatingin din naman silang tatlo sa akin na tila hinihintay ang sasabihin ko. Napalunok pa ako bago nagsimulang magsalita ulit.

"I'm leaving," halos maubusan ako ng hangin para lang banggitin ang mga katagang iyon.

"For good?" diretsong tanong ng isa naming kasama.

"Nope. Maybe years lang, pero hindi pa ako sigurado kung ilang years." pagtatama ko sa kanya.

"Mabuti na rin yan, Kira." sabi ni Joven.

"Kailan ang alis mo?" tanong ng isa pang kasama namin.

"A week after ng 1st death anniversary nila. Susunod ako kay Kuya sa states. Doon na muna ako sa kanya for the meantime. Pero don't worry guys, I'll still keep in touch with you. Uso naman ang chat. Haha," saad ko.

"Yeah. Group video chat tayo lagi. Tapos pakilala mo ako sa mga chikababes doon, Kira. Haha," biro ng kaibigan ko.

"Loko-loko," sabi ko sabay bato sa kany ng tissue.

"Pero, I'll miss you guys." pag-aamin ko sa kanila.

Habang tinitigan ang mga reaksyon nila sa huling sinabi ko ay parang maiiyak na ako. Ang mga mukha nila ay napalitan ng pag-aalala. Parang tuloy ayaw ko ng umalis at iwan ang mga kaibigan ko. Pero, I need to do this. Not just for me, pero para na rin sa kanila. I need to distance with them for a while to totally heal my pain. Para naman sa panahon na haharap na ako sa kanila muli ay buo na ako ulit. For now, I need to fix myself first.

"Haha. Mamimiss ka rin namin, syempre. Pasalubong ha pag bumalik ka na," giit ng kaibigan ko.

Tumango nalang ako. Parang naubusan na yata ako ng salitang isasabi. Basta tama na nakapagpaalam na ako sa kanila. Matapos kaming mag-usap apat ay umuwi na din kami.

❌❌❌

12 months later

THIRD PERSON'S POV

Sinimulan na ng pari ang mesa para sa 1st death anniversary ng mga magkakaibigan na nasawi sa isang trahedya. Napuno ang simbahan na siyang pinagdausan ng mesa. Na sa mesa rin ang mga pamilya ng mga kabataang nasawi. Naging matiwasay ang dalawang oras na mesa.

Matapos ang mesa ay nagsama si Kira at ang ibang kaibigan niya. Sabay silang apat na pumunta sa sementeryo para dalawin ang puntod ng mga kaibigan nila. Mas pinili na muna nilang magpahuli para magkaroon ng oras ang mga pamilya ng mga kaibigan nila.

At nang magkaroon na sila ng pagkakataon ay sila na rin ang lumapit sa mga puntod ang naglagay ng bulaklak. Tahimik lang ang apat sa harap ng mga puntod. At makaraan ang ilang minuto ay nagpaalam na ang dalawang kaibigan nila Kira na mauuna na at naiwan nalang si Kira at Joven sa sementeryo.

❌❌❌
Author's Note:
Last chapter na po ito, tapos epilogue na. This is it pansit. Natapos na rin ito sa hinabahaba ng panahon. Maraming salamat a lahat ng bumasa nito. Sanay nabigyan ko kayo ng kahit kaunting kasihayan.

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon