THE FACELESS
••Chapter 22: It's Me Bitch••❌❌❌
KIRA'S POV
Ang sakit ng buo kong katawan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pilit kong binubuka ang mga mata ko pero wala pa rin akong lakas para gawin ito.
Dahan-dahan kong kinurap-kurap ang mga mata ko pero wala akong maaninag. Malabong puting di ko mawari kung ano ang tangi kong nakikita kaya makailang beses kong kinurap pa ang aking mata.
Tuluyang naging malinaw ang paningin ko at bumungad sa'kin ang liwanag na dulot ng ilaw sa uluhan ko at bahagyang napapikit pa ako. Agad kong nilibot ang paningin ko at inalam kong nasaan ako.
Nakita ko ang mga kaibigan kong nakagapos sa upuan at tsaka ko lang napagtanto na nakagapos din pala ako. Parehong paa't kamay namin ang nakagapos. Sinubukan kong makawala sa pagkakagapos pero hindi ko magawa.
"Yung sunog. Teargas." mahinang sambit ko ng maalala kung ano'ng nangyari kanina. Sa pagkakatanda ko nasusunog yung itaas na bahagi ng kubo at nasa basement kami ng mga panahong nangyayari 'yun. Hindi kami makaalis sa basement dahil hindi namin mabuksan ang pinto. Nang biglang may teargas na siyang naging dahilan para mawalan kami ng malay.
Nilibot ko ulit ang mga mata ko at nagtaka ako na kami lang palang tatlo ni Lexai at ng kapatid kong si Junprin ang nasa loob ng kwartong kinaroroonan namin.
"Guys, gising!" agad kong silang ginising. Halos magsisigaw nako para lang magising sila.
"Anong nangyari?" takang-taka na saad ni Lexai ng magkamalay ito. Pareho ng reaksyon ko kanina ay nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakagapos siya.
Ilang minuto lang ay nagkamalay na rin si Jp at agad napatingin sa amin.
"Ate, Lexai. Asan yung iba?" tanong ni Jp.
"Hindi ko alam. Nang magising ako ay tayong tatlo lang ang nandito. Kaya ginising ko kayo agad," mabilis kong sagot.
Tuluyan ng naiyak si Lexai at halata ang kanyang panginginig.
"Lexai, please calm down." suhestyon ko sa kanya.
"How? I can't. Paano ako kakalma kong ganito ang nangyayari. I had seen the dead body of Biggy, run in that damn woods, almost died on fire at sa putanginang teargas na yun. At ngayon nakagapos tayo tapos nawawala pa ang ibang kasama. Now tell me, how can I calm down?" mabilis ang salita ni Lexai sa kabila ng kanyang pag-iyak.
"Tahan na," pagpapakalma ni Jp kay Lexai.
Wala akong magawa. Wala akong magawa para ipanatag ang loob ni Lexai. Kahit ako ay natatakot at kinakabahan. Pilit nalang naming pinapatahan si Lexai.
Nang biglang bumukas ang pinto. Agad kaming napalingon doon. Nagdulot ito ng kaunting siwang at nakita namin ang isang anino sa labas ng pinto. Ilang segundo pa ay tuluyang bumukas ito at agad bumungad ang taong nasa likod ng pinto.
"Wow! Ang da-drama ninyo." bulalas ng tao habang pumapalakpak pa ito.
"IKAW?" galit kong sambit ng makilala ko kung sino ito. Hindi ako makapaniwala. Siya ang may gawa sa'min nito?
"Yes! Ako nga. Do you have any problem with that?" sarkastikong sagot niya sakin.
"Dadap?" litong-lito na sambit ni Lexai. Hindi siya makapaniwala. Kahit ako hindi rin makapaniwa na si Dadap ang may gawa ng lahat ng ito. Pero bakit? Anong kasalanan namin sa kanya?
"Ba't mo 'to ginagawa sa'min? Ano'ng kasalanan namin sa'yo? How could you?" litong-lito pa rin ako. Wala akong ideya kung bakit niya nagawa sa amin ito.
"Simpli lang. Kasi mga bobo kayo! At ang sarap niyo kasing paglaruan. Haha," namayani ang malakas na halakhak ni Dadap.
"Jp, kanina mo pa ba alam? Ha?" agad kong sinamaan ng tingin ang kapatid ko.
"Hindi ate. Hindi si Dadap ang kumuha sa'kin kanina. Hindi siya," mautal-utal na tugon ng kapatid ko.
Binaling ko ang tingin kay Dadap. Nanlilisik ang titig ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Nginitian lang niya ako. Ngiting nakakaloko.
"Thinking again bitch? Yes, you're brother is right. And so with that, may ipapakita ako at ang kasama ko sa inyo. Sit back and relax." Sarkastikong pagkakasaad ni Dadap habang nakakibit-balikat pa.
"Walanghiya ka! Hayop ka! Sino pa ang kasama mo?" galit na galit kong pagbulyaw kay Dadap.
"Calm down, sissy. You will know later." tugon ni Dadap.
"Pero yung picture. Patay ka na at ibinitay pa." giit ni Lexai.
"Ito nga't buhay ako diba? Tanga. Palibhasa sa inyo ang dali-dali niyong lokohin. A bunch of useless idiots. Hindi manlang kayo nagtaka? Lalong-lalo kana. Nawala lang ako bigla ng sabihin kong iihi ako at in just a couple of minutes you will already received a picture of me being hanged and dead? Wow ha. Ano 'yun, namatay ako instant? At ikaw naman pinairal mo naman ang katangahan mo kaya nahawa na sayo sila Jegs kanina." Sarkastikong bulalas ni Dadap.
"You're such a bitch!" matinis na sigaw ni Lexai kay Dadap.
"I know, and I'm the bitch that will kill you. So, just shut up! Rinding-rindi na'ko sa'yo. D'yan sa mga kaartehan mo. Putulin ko kaya yang dila mo?" Pinanlisikan ni Dadap si Lexai kaya't napatigil ito sa pagsigaw at humagulgol nalang.
"Subukan mong gawin 'yan sa kaibigan ko at ako ang papatay sa'yo." nanggagaliiti kong saad.
"Really? Takot na'ko. Pero wait. Bago mo gawin 'yan sakin, I have a surprise for you guys." Tugon ni Dadap at dahan-dahang humakbang sa isang malapad na bagay na nakatakip.
Hinablot bigla ni Dadap ang telang nakatakip sa malapad na bagay at tumambad sa'min ang isang malaking flatscreen na tv. Agad naman may dinukot si Dadap sa bulsa niya at ito pala ay isang maliit na remote control.
Agad pinindot ni Dadap ang remote at unti-unting umandar ang tv sa harapan namin. Nabalot kami ng takot nang makita namin kung ano ang nasa monitor. Nakikita namin ngayon ang iba naming mga kasamahan na nakagapos din. Nakahilira ang mga upuan nila at nakaharap sila sa amin.
"Hahayaan ko muna kayong magrelax at manood. So, I'll just leave here for a while and enjoy!" makahulugang saad ni Dadap.
Alam ko kung anong ibig sabihin niya. May mangyayaring masama sa mga iba ko pang kasama. Hindi ko kayang makita na may mangyari sa kanila ng wala akong nagagawang tulong manlang. It makes me feel useless, walang silbing kaibigan.
"Hayop ka! Hayop ka!" Bulyaw ko kay Dadap pero hindi na siya tumugon at iniwan nalang kami.
Tuluyan nang nakaalis si Dadap at naiwan kaming nakapako ang mga mata sa monitor na nasa harapan namin. Inihahanda ang mga sarili sa posibling masaksihan. Namayani ang katahimikan habang pinagmamasdan ang ibang mga kasama. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko pero alam kong kahit anong oras ay handa ng kumawala ang mga luha ko.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...