THE FACELESS
••Chapter 5: Nightmare••"The worst nightmare happened in real life."
--ZK❌❌❌
KIRA'S POV
Kailangan kong tumakbo, kailangan kong magtago at kailangan kong humingi ng tulong.
Ramdam ko na ang pagod sa buo kong katawan at naliligo na ako ng pawis. Pero kailangan kong tumakbo pa hanggang masigurado kong ligtas na ako.
Nanginginig na ang buong katawan ko at nahihilo na rin ako. Hindi ko siya nakikita pero ramdam kong nasa likuran ko lang siya. At kung titigil ako ay siguradong maaabutan niya talaga ako.
Kanina pa ako tumatakbo pero parang pabalik-balik nalang ang tinatakbuhan ko. Hindi ko natatanaw kung saan ang dulo at ang labasan.
Nawawalan na ako ng pag-asa pero naisip ko ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Kaya patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
"Diyos ko, tulungan niyo po ako." Ang mga katagang paulit-ulit kong sinasambit sa gitna ng mga hingal ko.
Nang bigla akong nadapa. Nakaramdam ako ng pagod at pamamamanhid ng buong katawan. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Hindi maganda ito. Pag hindi pa ako nakatayo kaagad ay maaabutan niya ako.
Kahit anong pilit kong tumayo ay hindi ko kaya. Umiiyak na ako at mas lalong lumalakas ang kaba at takot na nararamdaman ko. Natatanaw ko na siya. Natagpuan na niya ako at papalapit na siya.
Nakikita ko ang mga mala-demonyong ngiti sa kanyang labi pero hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Nahihilo na ako, nanghihina at hindi ko na alam kung anong gagawain ko. And'yan na siya, papalapit nang papalapit.
"Maawa ka sa'kin. 'Wag...wag...wag...wag..." pagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Pero tila wala siyang narinig. At bigla niya akong sinugod at akmang sasaksakin ng hawak niyang patalim at...
❌❌❌
Bigla akong nagising. Tulala akong nakatitig sa itaas habang naghahabol ng aking hininga. Nanaginip lang pala ako.
Panaginip lang ang lahat. Akala ko totoo na iyon pero resulta lang pala yun ng aking mga guniguni. Buti nalang panaginip lang iyon, buti nalang...
Nang mahimasmasan ako ay tinignan ko ang mga kasama ko at kitang-kita ko na mahinahon silang natutulog. Ramdam ko rin ang tahimik na paligid.
Siguro pagod lang ako at dala lang ito ng alak. Hindi na ako tumayo at panatag na rin ako. Tinignan ko ang cellphone ko at napansing nagtext ang kaibigan kong si Albert.
"Guys, pacensya na hindi na ako makakabalik dyan. Natagalan kasing ayusin ang motor ko at dumiretso nalang akong umuwi. Maagang-maaga kasi ang shift ko sa trabaho. Sorry talaga guys. Enjoy nalang kayo d'yan," basa ko sa text niya sa isip ko.
Hindi na pala siya babalik. Kunsabagay maaga talaga ang trabaho niya. Nang tignan ko oras, mag-aalas dose pa pala. May oras pa akong matulog ulit. At dapat lang sigurong matulog ako ulit.
At pinikit ko na ang aking mga mata at tuluyang nakatulog na.
❌❌❌
Dedicated ang chapter na ito kay memai_blanca. Salamat sa appreciation at pag-vote sa story ko. 😉
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...