THE FACELESS
••Chapter 2: To Where It Started••"Life is the art of dying."
--Atticus❌❌❌
Flashback
April 21, 2014KIRA'S POV
Dumating kami ng boyfriend ko sa Agora Terminal sa ensaktong oras na napagkasunduan naming magbabarkada. Pag-apak ko sa bungad ng terminal ay labis ang aking dismaya, kami palang pala ang andito.
"Sabi ko na nga ba, wala pa sila." inis kong anas habang dinidiskitahan ang cellphone ko. I-che-check ko lang kung asan na ang mga kaibigan ko. Sa malamang, kinain na ng sistema na Filipino Time.
"Itinext mo na ba sila na andito na tayo?" Tanong ni Cyrie na boyfriend ko.
Dalawang taon na kami ni Cyrie at going stable naman ang relasyon namin. Makulit siya overprotective sa'kin. Magkasing-height lang kami at may katamtaman siyang katawan.
"Oo naman. As usual, padating na raw sila. For sure late na naman yung iba." taas-kilay kong sagot. Nakakainis. Kung bakit ba kasi sobrang time conscious ko. Parati talaga akong nauuna sa mga ganitong usapan ng mga kaibigan ko.
"Wala na tayong magagawa. Hintayin nalang natin sila. Gusto mo?" aniya sabay abot sa akin ng Nova na kinakain niya.
"Fine! Akin na nga 'yan." sagot ko at hinablot ko ang Nova sa kanya. Idinaan ko nalang sa kain itong inis ko. Nakaka-stress sa kalyo.
Ilang minuto ang lumipas ay isa-isa nang nagdatingan ang mga kaibigan ko.
"Wow brad, ang ganda ng tattoo ah! Kailan pa 'yan?" bungad na tanong ni Cyrie sa kaibigan naming si Jegs
"Nung huling thursday lang brad." sagot naman ni Jegs at yumuko pa para tignan ang tattoo niya sa binti. Ikaw ba namang parang kapre sa tangkad. Pinaglihi 'ata talaga sa kapre 'tong si Jegs eh.
"Tignan nga natin." sabi naman ng isa pa naming kaibigan na si Junprin o Jp for short. Kung ano'ng kinaikli ng palayaw niya ay siya ring kinaikli ng height niya. Pero 'wag ka small but terrible naman itong si Jp.
Walang ano-ano'y hinampas niya ni Jp nang pagkalakas-lakas ang bagong tattoo ni Jegs, "ARAY! Loko ka ha! Palibhasa wala kang tattoo at hindi mo alam kung gaano kahalaga nito sa akin. Pag ito namaga at nasira. Sisirain ko rin yang mukha mo." inis na sumbat ni Jegs kay Jp.
Pero imbes na matakot ay ngumisi lang si Jp. Nananadya pa talaga ang loko. Pag si Jegs nainis ng tuluyan, para lang isang mumunting kawayan si Jp na papaliparin nito. Sa liit ba naman ni Jp laban sa kapreng height ni Jegs. Si David at Goliath ang kalabasan.
"Huwag na 'wag mong gagawin yan sa tattoo ko kung ayaw mong masipa kita." sinigundahan naman ng isa pa naming kaibigan na si Bjay. Mas lalong patay si Jp dito. Eh tambay sa gym si Bjay at brusko ang katawan niya. Halata sa namunutok na muscles ni Bjay na batak na batak ito sa pag-gi-gym. Baka gawing bowling ball lang si Jp nito.
Pero imbes na may mamuong tensyon, nagtawanan lang kami. Ganito naman talaga kami. Nag-aasaran. Pagkadating ng huli naming kasama ay lumakad na kami patungo sa'ming pupuntahan, sa Mangima Spring Resort.
Napagkasunduan kasi naming magbabarkada na doon mag-outing ngayon. Madalas na naming nakagawiang mag-outing magbabarkada tuwing summer, kaya heto ngayon doon at venue namin para sa summer outing namin.
Isa-isa na kaming pumwesto sa bus at naghintay umandar ito. Umabot pa kami ng kalahating oras sa paghihintay umalis ang bus. At umabot pang kalahating oras nang tuluyang naka-alis kami sa syudad ng Cagayan de Oro City.
Yamot na yamot ako sa bus dahil tila ang tagal ng biyahe at dumidilim na hindi pa kami nakakarating sa destinasyon namin. Bigla namang nagtext ang isa pang kaibigan ko na nauna na sa venue at sinabi ang isang bad news.
"Kir, close na yung resort. Hindi na raw tayo pwedeng pumasok. Wala na kasi ang tagapamahala na mag-aasikaso sa atin." text ni Lexai na nauna na sa venue kasama ang isa pang kabigan namin na si Lorna.
"Ha? Paano 'yan? Baka pwede pang paki-usapan ang guard d'yan." dali-dali akong nagreply kay Lexai.
"Yun nga yung ginagawa namin. Sabi nung isang guard na pakiki-usapan daw niya yung tagapamahala at baka pumayag pa raw." text ulit ni Lexai.
"Okay. Paki-usapan niyo nalang talaga." reply ko ulit sa kanya.
Nag-aalala na ako ng mga sandaling iyon dahil baka hindi na kami makapasok pero nag-isip nalang ako ng positibo. Ayaw ko namang mapunta lang sa wala yung pagbyahe namin ng malayo. Paniguradong mag-a-alburuto yung mga kaibigan ko.
Hidi ko nalang muna pinagtuonan ng pansin yung tinext ni Lexai. Hindi ko na rin sinabihan yung ibang kasama ko dahil ayaw ko namang bigyan sila ng false hope. Baka ako pa ang masisi. Hinintay ko nalang na makarating kami. Malakas din kasi ang kutob ko na makakapasok din kami. Mga isang oras din ang itinagal ng byahe at nakarating na kami sa resort. At sinabi ko na kaagad sa iba ko pang kasama ang sitwasyon namin. Mabuti naman at naintindihan nila ako dahil hindi ko sinabi kaagad at agad-agad naman naming pinaki-usapan ang mga guard.
"Kuya, sige na po. Paki-usapan niyo na po yung tagapamahala," saad ni Dadap na mariing kinakausap sa mata ang guard. At parang nadala naman ito sa kung anong hipnotismo ni Dadap at tumango ang guard habang may nakasilay na ngiti sa kanyang labi.
"Marami naman kami at may darating pang iba." gatong pa ng kaibigan kong si Biggy.
"Okay sige. Didiskartehan ko 'yan dahil sayang din naman yung kikitain." sagot nung guard na kausap kanina ni Dadap. Tuluyan na yatang bumigay sa mga titig ni Dadap.
Pagkatapos ay umalis na yung guard na nagpresenta na didiskarte sa tagapamahala. Umalis ito gamit ang motor. Naiwan kami sa labas ng resort kasama ang isa pang guard na medyo may edad na. Naghintay kami ng ilang minuto. At pagbalik nung guard na umalis ay agad-agad niyang sinabi na pumayag daw yung tagapamahala.
At tila nabunutan ako ng tinik sa magandang balita nung guard. Akala ko talaga mapupurnada ang outing namin. Tuluyan na kaming nakapasok sa resort. Napakaganda at tahimik ng resort. Walang ibang tao maliban sa amin. Para tuloy inarkila namin ang buong resort.
"Solong-solo natin yung resort," sigaw ni Biggy pagkarating namin sa may mga cottages.
"Oo nga pare," pagsang-ayon ng isa pa naming kasama, si Jhong.
Pagkapwesto namin ay agad na kaming kumilos. Lahat kami ay naging busy na sa paghahanda ng pagkain. Gutom na rin kasi kami ng mga oras na 'yun. Yung iba nag-iihaw, yung iba naman naghahanda ng kilawin. Yung iba naman ay diretsong tumungga ng inumin.
Lahat kami ay may ginagawa at nagsasaya habang sumasabay sa saliw ng musika. Enjoy na enjoy kami nung gabing iyon hanggang sa nagsimula na ang lahat.
Ang 'di inaasahang mga pangyayari na tila sa'min ay inihanda. At yun na pala ang huling pagsasaya naming magkakasama.
❌❌❌
Para sa'yo beneathiambeautiful ang chap na ito. Thank you sa supporta and votes.
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...