XXXIII: GOODBYE

149 58 9
                                    

THE FACELESS
••Chapter 33: Goodbye••

❌❌❌

KIRA'S POV

Makalipas ang mahigit dalawang linggo na pananatili ko sa hospital ay na discharged na rin ako. I just need to continue my medicines and some medical routines para lalo pa akong gumaling. Medyo madamidami rin kasi ang tinamo kong mga tama ng bala. But luckily, I survived. I am still alive.

Kasalukuyan kaming andito ng pamilya ko ngayon sa sementeryo. Andito rin si Joven at ang pamilya niya, gayunman ang pamilya ng mga kaibigan ko. We are offering a mass for the souls of my friends before we let them be at peace, totally. Nasa harap namin ngayon ang nakahilerang mga kabaong ng mga kaibigan ko. Tila dinudumog ang puso ko habang nakikita silang walang buhay at tanging nakahiga sa kabaong.

I can't contain the sadness I am feeling right now. Seeing them again being together for the last time but in the most hurtful way. Mas lalo pang nagpapadagdag sa sakit na nararamdaman ko ang mga titig ng mga pamilya ng mga kaibigan ko. I know, deep inside them...Ako ang sinisisi nila. I know my sorry will never be enough to ease their pains.

"Okay ka lang?" biglang tanong ni Joven sakin sa gitna ng mesa.

Magkatabi kami ni Joven ngayon, kasama ang dalawa pa naming ibang kaibigan. Habang nasa likuran namin ang mga pamilya namin. Hindi ko magawang lingunin man lang si Joven. At kahit nag-aalangan man, ay sumagot ako ng pilit.

"I'm fine," pilit kong pagkukunwari. Pero sa kalooblooban ko ay hindi.

"Okay," mahinang sagot niya.

Nagsisimula na namang gumilid ang mga luha ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng pari dahil nakatuon lang ang isip at tingin ko sa mga kabaong ng mga kaibigan ko. Tila sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari. Tila isang bangungot lang. How I wish it was just really a nightmare. Pero hindi. Nangyari na at madaming buhay ang nawala. At dahil lang sa pagiging makasarili ko. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil all this time ako naman talaga ang dahilan ng lahat.

Natapos nalang ang mesa pero wala pa rin ako sa sarili ko. Nag isa-isa ng alayan ng panalangin ng pari ng malapitan ang mga kaibigan ko at binabasbasan ito ng holy water. At sa huling sandali, isa-isa ng lumapit ang mga pamilya ng mga kaibigan ko para makita ang mga mahal nila sa huling pagkakataon.

Namayani ang naghalo-halong mga iyak at hinagpis ng mga pamilya ng mga kaibigan ko. At dito na nagsimulang magpatakan ang mga luha ko. Tuluyan ko ng hindi mapigilan ang sarili kong kontrolin ang panghihina ko. I just can't help it. This scene, these people in front of me, these coffins with my friends on it, this whole scenario I am witnessing...is a total chaos in my heart.

Ng unti-unting humupa ang mga tao sa harapan ay lumapit na kami ni Joven. May kung anong pumipigil sa'kin para tignan ang mga kaibigan ko. Pero my heart wants to see them. Kaya kahit nagtatalo na ang buong sistema ko ay mas ginusto kong lumapit.

Nang nasa harap na kami ay isa-isa kong nilapitan ang mga kaibigan ko. Isa-isa akong humingi ng tawad and for the last time, I bid goodbye. Huli kong pinuntahan ang kabaong ng kapatid ko. Inako ng pamilya ko ang pagpapalibing sa kanya.

"I'm sorry, Jp." bulong ko habang pinagmamasdan siyang nakahimlay.

Payapa na ang mukha niya. Taliwas sa mukha niya na puno ng galit at paghihiganti. Sana, kung saan man siya ngayon ay nagawa na niya akong patawin sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. Sana kahit sa kabilang buhay manlang ay Ate pa rin ang turing niya sa akin.

"Tara," saad ni Joven at bumalik na kami sa kinatatayuan namin kanina.

Nagsisimula na ngayong ayusin ang mga kabaong para ibaba na sa hukay. The most saddest part. Isa-isa ng binaba ang mga kabaong kasabay ng mga bulaklak na hinahagis ng mga tao dito. Hindi ko na nagawang maghagis ng bulaklak dahil hindi ko na kaya. Mas pinili ko nalang ilabas nalang ang lahat ng sakit na nararamdam ko. Walang humpay ang pag-iiyak ko kahit halos lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha.

Natapos ang mesa at libing ng payapa at matiwasay. Nagsialisan na rin ang mga pamilya ng mga kaibigan ko at kami nalang ang naiwan.

"Anak, sa kotse ka nalang namin hihintayin." Pagpaalam ni Mama bago nila tinungo ni Papa at Kuya ang kotse namin.

Tumango lang ako. At naiwan nalang kami ngayon ni Joven sa harap ng mga puntod ng mga kaibigan namin. Ilang minuto din kaming dalawang hindi nagkikibuan.

"I know it's hard to accept everthing. Kung kailangan mo ng karamay, andito lang ako." pambabasag ni Joven sa katahimikan.

"Hindi ko alam kung papaano ko susuklian ang lahat ng ginawa mo. Kung hindi dahil sayo, wala na ako dito. You save me. You save my life, Joven. And I thank you for that," tugon ko sa kanya.

"Walang tunay na kaibigan ang mang-iiwan. I just did what the right thing to do," aniya.

Patuloy pa rin kaming nakatitig sa mga puntod. Maya-maya ay umalis na rin kaming dalawa. Masyadong mahaba na ang araw at masyado ng maraming nangyari.

"Tita, Tito, Kyro, una na po ako." paalam ni Joven nang mahatid na niya ako sa kotse namin.

"Maraming salamat, hijo. Utang na loob namin ang lahat sa iyo." tugon ni Mama sa kanya.

"Walang anuman po Tita. Salamat din po. Alis na po ako," dagdag ni Joven. Agad namang tumango ang pamilya ko sa kanya.

"Alis na ako. Mag-ingat kayo," paalam ni Joven sa akin.

"We will. You take care, also." sagot ko sa kanya habang tumango.

At tumalikod na siya sa akin at pumunta sa sasakyan nila. Agad pinaandar ni papa ang sasakyan. Sinandal ko ang likod ko sa backseat at tinignan ang labas ng sasakyan. Sa unti-unti naming paglayo ay siyang pagliit ng mga puntod na tinatanaw ko. But leaving them in this way cause a deep scar in my heart. A scar that will never be healed.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon