XXV: WORST NIGHTMARE

128 47 0
                                    

THE FACELESS
••Chapter 25: Worst Nightmare••

"If I could show you how awful you made me feel, you would never be able to look me in the eye again."
--Pinterest.com

❌❌❌

KIRA'S POV

Hindi ko makuhang tignan sa mukha si Dadap. Hindi ko kayang makita muli ang mukha ng taong nagbigay sa'kin ng labis na pighati. Ayaw kong ipamukha niya sa'kin na nagtagumpay siya. Oo, I admit. She definitely won on ruining my life and putting me on chaos.

Hinihintay ko nalang marinig ang mga halakhak niya, halakhak ng tagumpay. Pero imbes boses niya ang maririnig ko, ay ibang boses ang nagsalita.

"Ba't mo siya pinatay? Hindi pa siya ang dapat isunod!" marahas na pagkakabikas ng nagsasalita.

Tila namatay ako bigla ng marinig ang taong nagsasalita. Pilit kong winawaksi na hindi siya ang narinig kong magsalita. Pero kahit anong tanggi ko ay pilit rumirehistro sa utak ko ang mukha ng nagmamay-ari ng boses, ang kapatid ko.

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at inihilig sa direksyon ng kinauupoan ng kapatid ko. At labis akong nagimbal ng makitang nakatayo na pala siya sa kinauupuan niya. Tuluyan na akong namanhid at nanghina habang nakatitig sa kapatid ko.

"Ba...kit? Baaaa...kiiit?" putol-putol kong sambit. Bakas sa boses ko ang labis na panglulumo ng mapagtanto ko ang katotohanan.

"Why? Papatayin din naman natin siya sa huli." galit na galit na tugon ni Dadap.

"Hindi ka nakinig," agad na sagot ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung ano ang mga plano nila. At mas lalong hindi ko alam kung bakit nagawa ito ng kapatid ko sa akin, sa amin.

"BAKIT!" malakas kong sigaw sa kanilang dalawa.

Tuluyan ko ng naagaw ang kanilang atensyon at agad dumako ang mga mata nila sa akin. Naestatwa ako ng magtama ang mga mata namin ni Jp. Bakas sa mata niya ang labis na galit. Pero para kanino? Para ba sakin?

Humakbang si Jp papalapit sa akin at bahagyang yumuko para lumebel ang mukha niya sa akin. Para akong tinabunan ng lupa ng unti-unting lumabas sa mukha niya ang isang sarkastikong ngiti.

"Nagulat ka ba, ate?" Malamig na tanong niya sa'kin at patuloy na nakipagtitigigan sa akin.

"Bakit Jp? How could you do this to us?" pilit kong sagot sa kabila ng aking mga luha.

"Dahil sinira mo ang buhay ko. At sisirain ko din ang buhay mo." malumanay niyang tugon sa akin.

Para akong sinaksak ng isang daang beses habang naririnig ang mga sinasabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita at naririnig ko sa kanya. Akala ko mahal ako ng kapatid ko? Pero nagkamali pala ako.

"Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserabli ang buhay ko. Nakita kita noong panahong nagmamakaawa ang mama ko sa ama mo. Kitang-kita ng dalawa mong mata ang pagtulak ng ama mo sa mama ko at wala kang ginawa. Alam kong alam mo ang totoo simula noon pero hindi mo sinabi sa Ina mo at tinakpan mo pa ang kahayupan ng ama mo. Simula ng panahong 'yon, naging miserabli ang buhay ng mama ko. Labis siyang nasaktan dahil sa pagkabulag at pagpakatanga sa Ama mo. Kung sinabi mo lang ang totoo sa mama mo, hindi sana mawawala ang Ina ko. Hindi sana siya namatay! Ikaw at ng pamilya mo ang dahilan ng lahat ng nangyari sa'min ng Ina ko. Kayo ang tunay na mga hayop! Kayo ang tunay na walang awa!" galit na galit na giit ni Jp.

Labis ang panginginig ko habang naririnig ang mga sinabi ni Jp. Gustuhin ko mang magbingibingihan ay nanaig parin ang labis na galit ni Jp na pilit pumapasok sa kalooblooban ko. Hindi ko matanggap na ako ang sinisisi niya sa lahat-lahat ng nangyari sa kanya.

Hindi ko magawang magalit sa kanya kahit sa kabila ng katotohanang siya ang may plano nitong lahat. Imbes galit ay awang-awa ako sa kapatid ko. Nang dahil sa pagiging makasarili ko noon ay sinira ko ang buhay niya. Sa bawat kasiyahan na tinamasa ng pamilya ko at siyang kabaliktaran ng buhay ng kapatid ko. Nang dahil sa'kin, may sinira akong buhay na pilit humahanap ng pag-asa.

"I'm sorry..." mahina kong sambit kasabay ng pag iwas ko ng tingin sa kanya. Hindi ko magawang tignan siya ng diretso.

"Sorry? Sorry? 'Yan lang ang masasabi mo? Ha? Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ng Ina ko? May maigagawa ba ang sorry mo para mabago ang buhay ko?" marahas na pagkakabigkas ni Jp sa harapan ko.

"Pero bakit mo dinamay pa ang mga kaibigan ko? Wala silang kasalanan sa'yo. Please, ako nalang. 'Wag munang idamay pa sila Joven at Jegs. Maawa ka," pagmamakaawa ko at tuluyan ng rumagasa ang mga luha ko.

"Dahil sila ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang tanggapin bilang kapatid hanggang ngayon," agad na saad ni Jp.

"No! Mali ka. Tanggap kita bilang kapatid. Jp, mahal kita bilang isang kapatid." giit ko sa kanya.

"Sinungaling! Hindi mo pa rin ako tinanggap, hindi mo pa rin ako itinuring na kapatid. Ikinaila mo pa rin ako sa mga kaibigan mo. Mas importante pa sa'yo ang mga kaibigan mo. Pinilit ko ang sarili kong paniwalain na matatanggap mo ako, pero hindi!" patuloy na giit ni Jp.

"I did accepted you. I was just...Naghihintay lang ako ng tyempo. Nasabi ko na nga sa kanila kanina ang tungkol sa atin kaya nga binalikan ka namin sa kubo." mautal-utal kong katwiran sa kanya.

"Huli na, ATE!" tipid niyang sagot at diniinan pa niya ang huling salita na binitawan niya.

"Jp...Jp...Tignan mo ang monitor!" Nagmamadaling saad ni Dadap habang nakaturo sa monitor kung saan nakikita namin ang iba ko pang kaibigan.

"Anak ng! Ba't nawala? Ano'ng nangyari?" galit na galit na tanong ni Jp kay Dadap.

"Manong Jose was just in front of Joven. Nagtatalo sila at nakita kong sinuktok ni Manong si Joven. Pero biglang natumba si Manong papunta malapit sa camera at nawala bigla yung access natin sa monitor." agarang sagot ni Dadap.

"Hindi pwedeng mabulilyaso tayo. Dito ka lang at aalamin ko kung anong nangyayari doon." suhestyon ni Jp kay Dadap.

Naiwan akong nakaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan umalis ang kapatid ko. Hindi maaari ito, hindi magiging maganda ang mangyayari kung mapag-abot pa sila ng iba naming kasama. Ayaw kong ang kapatid ko pa ang makapatay sa mga kaibigan ko.

I was left with lot of words running on my head. Dapat na akong makahanap ng paraan para makawala dito. Pero wala akong maisip na paraan dahil may hawak na baril si Dadap. Dapat kong iligtas ang mga natitira ko pang kaibigan. At kailangan ko ring iligtas ang kapatid ko bago pa siya tuluyang lamunin ng kasamaan.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon