EPILOGUE

173 57 13
                                    

THE FACELESS
••Epilogue••

❌❌❌

KIRA'S POV

April 21, 2015

One year ago, I had experienced the most tragic moment in my life. Akala ko noon ay bangungot lang 'yun lahat at kapag gumising ako ay maibabalik ko ang mga buhay na nawala. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng 'yun. And, I was the one to put in blame. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang mga kaibigan ko at ako ang dahilan kung bakit nilamon ng kasamaan ang kapatid ko. Sana kung saan man sila ngayon, I can still have their forgiveness.

Exactly one year ago, many lives had lost. This is the first death anniversary of my friends and including my dear brother. Andito ako ngayon sa sementeryo habang pinagmamasdan ang puntod ng kapatid ko.

"I'm sorry, Jp." mahina kong bulong habang hinahawakan ang puntod niya.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at kusa na itong dahan dahang pumatak. Wala akong ibang magawa kundi umiyak at humingi ng tawad.

"Sana napatawad mo na ako. I love you brother," dagdag kong sambit sa gitna ng mga luha ko.

Napatigil ako sa pagsasalita ng may isang kamay na humawak sa balikat ko. Agad namang umupo sa tabi ko ang taong ito.

"Alam kong napatawad ka na ng kapatid mo. Sana patawarin mo na rin ang sarili mo," sensirong suhestyon ng kasama ko.

Agad kong inihilig ang mukha ko sa kinauupuan ng kasama ko at nakita ang bahagya niyang pagngiti. Sa kabila ng nangyari ay masaya ako dahil kahit papaano ay may naiwan pa rin sa akin. Nagpapasalamat ako na maliban sa'kin ay nakaligtas din ang isa ko pang kaibigan, si Joven. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at kay Jegs. Kung hindi dahil sa kanilang dalawa ay maaaring isang malamig na bangkay na rin ako.

"Sana..." mahina kong tugon ko sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at iniangat ang ulo niya para pagmasdan ang langit. Alam kong labis din siyang nasaktan sa pagkawala ng mga kaibigan namin.

"Kailangan na nating umalis. Dumidilim na," aniya.

"Okay," tipid kong sagot.

Agad kaming tumayo at pinagpagan ang mga sarili namin. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ulit ang puntod ng kapatid ko bahagyang ngumiti. Tuluyan na kaming umalis ni Joven sa sementeryo.

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

"Maghihiganti ako..." Mahinang bulong ng isang taong nakatitig sa direksyon nila Joven at Kira.

Sa kabila ng bulong niya ay bakas sa kanyang mukha ang labis na galit at poot. Marahas ang pagkakuyom niya ng kanyang kamao at hindi niya alintana ang sakit ng pagbakas ng kanyang mga kuko sa kanyang palad.

Nakasentro lamang ang kanyang atensyon sa dalawang magkakaibigan. Hindi na niya nagawang ikubli ang kanyang luha na kusang tumakas sa mata niya. At marahas niya itong pinunasan gamit ang kamaong nakakuyom pa din.

Tuluyan ng umalis sila Joven at Kira pero napako parin sa kinatatayuan ang taong nakamasid sa kanila. Parang ano mang oras ay handang sumugod sa kanila. Pero mas pinili niyang walang gawin kundi pagmasdan ang unti unting pag alis ng dalawa. At naiwan siyang mag isa nalang sa sementeryo.

"Hindi pa tapos ang lahat. And this time, I'll make sure you'll gonna taste what real hell is." saad niya. Sa bawat pagbigkas niya ng kanyang mga salita ay bakas ang labis na galit. Sa pag alis niya ay siyang paglamon ng kadiliman sa buong sementeryo.

❌❌❌
Author's Note:
Bakit ganito ang epilogue? Kasi may Book II pa. Uh-uh, the game is not yet over. If napansin niyo na late date ang mga nakasulat dito, kasi naman nasimulan ko 'to nung 2014 eh. Tapos natinggang at nilomot. Ngayon ko lang nabalikan ulit. Kaya sa Book II, present time na. Hihi.

I know sobrang lame kong magsulat pero marami pa kasing naglalarong mga scenes sa utak ko. Sadyang makapal lang siguro ang mukha ko at nag aala-writer wanna be na naman ako. Gusto ko pa kasing pumatay, este gumawa ng fictional death acts. Hihi.

Anw, sa lahat ng umabot hanggang dito ay SUPER THANK YOU! You don't know how much you made me chelsea grin. Kahit papaano'y nabigyan ko kayo ng kakarampot na thrill sa kwento ko. At sana, patuloy pa rin niyong pagtyagaan ang darating na Book II.

See you all in Book II.

BOOK II: THE NAMELESS
GENRE: MYSTERY / THRILLER
SUB-GENRE: ROMANCE & COMEDY

SALAMAT NG MARAMI! 😁😄

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon