XXXI: GAME OVER

136 59 5
                                    

THE FACELESS
••Chapter 31: Game Over••

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

"Joven," mahinang bulong ni Kira nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan nito. Bago paman ito makapagsalita ulit ay tuluyan nang nawalan ng malay ang dalaga.

"I'll promise, you'll not gonna die." seryosong saad ni Joven.

Agad binuhat ni Joven ang dalaga. Kahit iniinda pa rin niya ang tama sa kanyang tagiliran ay tiniis ito ng binata. Tiwala siya na maiiligtas pa niya si Kira sa bingit ng kamatayan.

Ibinuhos ng binata ang natitira niyang lakas at dahan-dahang humakbang. Alam niyang patay na si Jp dahil nasapol niya ito sa sentido. Bago paman tuluyang malampasan ang ngayo'y walang buhay na katawan ni Jp ay tinitigan niya ito sa huling pagkakataon.

"Game over." Huling katagang sambit ng binata at tuluyang umalis karga-karga ang kaibigan.

Kasabay ng paglalakad ni Joven ay siyang unti-unting pagliwanag ng kalangitan. Nagbabadya na ang pagsikat ng araw. Malaki ang pasasalamat ni Joven kanina na nilampasan lang siya ni Jp ng tuluyang bumagsak siya matapos matamaan ng baril. Ang akala siguro ni Jp ay nalagutan na ito ng hininga.

Patuloy pa rin sa paglalakad si Joven at abot tanaw na niya ang resort. Parang naging madali nalang sa binata ang pagtunton ng resort, tila tinutulungan na siya ng kapalaran. Nang marating niya ang resort ay hindi na siya nagdalawang isip at tinungo agad ang entrance ng resort. Dirediretso lang ang mga hakbang ni Joven at nakikita na niya ang highway kung saan naririnig na niya ang iilang nagdadaanang mga sasakyan.

Saktong narating ni Joven ang highway ay siyang pabagsak niya kasama ang karga-kargang si Kira. Bago tuluyang mawalan ng malay si Joven ay sumilaw sa kanya ang tuluyang paglabas ng araw.

"Ligtas na tayo, Kira." saad nito at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Agad namang namataan ng isang napadaan na sasakyan ang dalawang walang malay na magkaibigan at dali-dali silang sinaklolohan.

"Mahabagin na Diyos, ano'ng nangyari sa mga batang ito?" Naguguluhang tanong ng ginang nang makita ang kalunos-lunos na itsura nila Joven at Kira.

Agad pinulsuhan ng kanyang asawa ang dalawa at nalamang buhay pa ito. Dali-dali nila itong isinakay sa sasakyan at mabilis na pinaharurot papunta sa pinakamalapit na hospital.

❌❌❌

KIRA'S POV

"Her heart is responding."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at iginala ito. Hindi ko makilala kong sinong mga nasa harapan ko. Hindi ko mabilang kong ilan sila lahat dahil masyadong malabo sila sa paningin ko, pero sigurado akong marami sila. Puro sila nakasuot ng berdeng damit at may mga puting mask sa bibig nila. Marami akong nakikitang mga aparato at tila nakakabit sa akin.

Naguguluhan ako kung anong nangyayari. Siguro dahil wala pa ako sa huwisyo kaya parang wala akong maintindihan. Pinipipilit ko pang igala ang mga mata ko pero nagkukusa na itong sumara. Bago pa ako nakapikit ay may narinig ako.

"She's stable now. Good job guys!"

❌❌❌

JOVEN'S POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko sa hospital. Naghihintay pa rin kung ano ng balita kay Kira. Masyadong madami siyang tama at lubhang kritikal ang kondisyon niya ngayon. Pero alam kong makakaligtas siya. Malalagpasan niya ang lahat ng ito.

Mabuti nalang talaga nakayanan ko pang buhatin siya at lumakad ng ganun kalayo kahit patuloy pa rin sa pagpatak ang mga dugo ko. 'Yun nga lang, sinalinan ako ng dugo kanina dahil sobrang dami ng nawala sa'kin. Buti nalang isang tama lang ang natamo ko at walang naapektohan ni isa sa mga organs ko.

Laking pasasalamat ko sa mag-asawang tumulong sa'min kaninang umaga at agad kaming naisugod sa hospital. Kung nagkataon na walang nakakita sa amin, malamang malamig na bangkay na rin kami. Sadyang panig pa rin sa amin ang kapalaraan. At hindi ko pa talaga oras mamatay.

May mga pulis na ring pumunta dito kanina para hingin ang salaysay ko. Statement nalang ni Kira ang hinihintay nila para mas mapagtibay ang mga ebidensya. Ayun din sa mga pulis ay agad nilang sinimulan ang imbestigasyon at nakuha na nila ang mga bangkay ng mga kaibigan ko at kasalukuyang na sa morgue na. Isa-isa na ring naipalam sa mga kaanak ng mga kaibigan kong nasawi ang mga sinapit nila.

Kahit ganoon ang sinapit ng mga kaibigan ko at ito ang kinahinatnan ko ay hindi ko pa rin magawang sisihin si Kira. Alam kong hindi niya sinsadyang magkamali at masira ang buhay ni Jp. Hindi ko rin masisisi si Jp kung ganoon nalang ang galit niya kay Kira. Dahil lahat naman ng bagay ay may sukdulan, at umabot na talaga sa puntong hindi na nakaya pa ni Jp ang mga hinanakit niya. Pero kahit sobrang karumaldumal ang nangyari sa amin, ang mahalaga nakaligtas kami.

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nakapasok na pala ng kwarto ko ang isang nurse. Bago paman ito humakbang papunta sa akin ay binungad na niya ako ng napakatamis na ngiti at alam ko na kung anong ibig sabihin nito.

"Kamusta? Wala bang masakit sayo?" panimulang saad ng nurse.

"Wala naman po," agad kong sagot.

"May good news nga pala ako. Stable na ang kondisyon ng kaibigan mo at nailipat na rin siya sa isang private room." aniya.

"Pwede ko ba siyang puntahan?" agad kong tanong.

"Yes po. Hintayin niyo po muna ang kamag-anak niyo para may kasama kayong pumunta doon. Pag may kasama na po kayo, pakitawag nalang po ako sa nurse station para masamahan ko kayo sa room ng kaibigan mo." paliwanag ng nurse.

Imbes na sumagot ay ngiti at tango ang naging tugon ko sa nurse. At agad namang nagpaalam ang nurse.

"Alam kong makakaligtas ka," mahina kong sambit nang makaalis na ang nurse.

Inaasahan ko ng makakaligtas si Kira. Kahit papaano ay hindi nasayang ang mga plano namin ni Jegs, ang mailigtas si Kira. Pero labis pa rin akong nanghihinayang dahil nawala si Jegs. Kung saan man ang mga kaibigan ko ngayon, sana payapa na sila.

❌❌❌
Author's Note:

4 more chaps, kasama na doon ang epilogue. Sana nawa'y pagtyagaan niyo pa rin hanggang sa huli itong obra ko. Konti nalang at matatapos na. Kapit lungs mga bruh! Hihi 😁

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon