XXXII: STATEMENT

127 57 2
                                    

THE FACELESS
••Chapter 32: Statement••

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang nakatayo si Joven sa tabi ng kama ni Kira. Tahimik na tinititigan lang niya ito at nakikita ang mapayapang natutulog na kaibigan. Hindi pa rin nagigising si Kira pero stable na daw ang lagay ng dalaga.

4 days na ang nakakalipas matapos ang malagim na pangyayari sa kanila at hanggang ngayon wala pa ring malay si Kira. Habang si Joven ay na discharged na kahapon. Dinalaw lang ni Joven ang kanyang kaibigan para malaman kung nagising na ba ito o hindi.

"Masyado bang maganda ang panaginip mo at ayaw mo pang gumising? Haha," mahinang bulong ni Joven sa kaibigan at bahagya pang tumawa.

Titig na titig pa rin ang binata sa kanyang kaibigan.

"Wake up now, please..." dagdag na sambit ng binata.

Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala sa kanyang kaibigan. Nag-aalala siya dahil hindi pa rin ito nagigising. Nangangamba siyang baka hindi na ito nagising.

Pero imbes na mag-isip ng masama ay umiling ito at pilit winawaksi ang negatibong naiisip niya. Mas lumapit pa ang binata sa kama ng kanyang kaibigan hanggang sa lumapat na ang mga katawan nito sa bed frame at marahang hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Alam kong magigising ka. Hihintayin kita." Huling katagang binitawan ng binata tsaka kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga.

Tumalikod na si Joven at iniwan na muna ang kanyang kaibigan. Iniwan niya itong panatag at buo ang pag-asang magigising ang kanyang kaibigan.

Bumalot ang katahimikan sa loob ng kwarto ng kinaroroonan ni Kira. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng monitor ng aparatong nakakabit sa dalaga.

❌❌❌

JOVEN'S POV

Andito na naman ako ngayon sa hospital para dalawin si Kira. Simula noong madischarged ako ay araw-araw ko siyang dinadalaw para malaman ang kondisyon niya. Pero yun na yun pa rin ang nadadatnan ko, tulog pa rin siya. Halos isang linggo na siyang tulog. Pero positibo parin ako na magigising siya.

Kasalukuyan akong nakaupo sa labas ng kwarto ni Kira dahil andoon ang mga magulang niya sa loob. Ayaw kong makaistorbo sa kanila. Alam kong gusto nilang masarili ang anak nila. Dahil na rin sa pagkabagot ay hindi ko namalayang napapikit na pala ako.

Nasa gitna na ako ng aking pakakatulog ay may bigla akong narinig na sigaw at napabalikwas ako. Mabilis rumihestro sa utak ko ang nag mamay-ari ng boses na iyon, si Kira. Kaya tarantang tumayo ako at akto na sanang papasok sa loob ng kwarto niya. Pero natigilan ako nang makitang umiiyak siya at nakayakap sa kanyang Ina na nakikita ko sa kunting siwang ng pinto. Imbes na pumasok ay tinitigan ko nalang sila.

Kitang-kita ko sa mukha ni Kira ang takot habang yakap-yakap siya ng kanyang Ina. Ayaw ko munang dagdagan ang pighating nararamdaman niya kaya napagpasyahan kong 'wag na munang pumasok sa loob. Bumalik nalang ako sa pagkakaupo ko at hinintay na kumalma si Kira.

Habang naghihintay ako ay hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Kira ang ng kanyang Ina. Mahina man pero malinaw pa rin ang pagkakadinig ko sa usapan nila. Parang bumabalik ulit ang mga nangyari sa amin sa tuwing sinasambit ni Kira ang katagang Pinatay. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan din si Kira. Alam kong labis na sakit ang idinulot nito sa kanya. Tuluyan na akong napasinghap sa mga naririnig ko.

Maya-maya ay tumahimik na sa loob. Alam kong nahimasmasan na si Kira pero hindi muna ako pumasok. Narinig ko ring binanggit ng Ina niya ang mga pulis. Kaya napagdesisyunan kong puntahan na muna ang mga pulis para ipagbigay alam na nagising na ang kaibigan ko. Kaya umalis na muna ako.

❌❌❌

KIRA'S POV

April 28, 2014

Matapos akong magising kanina at magwala ay heto ako ngayon nakahiga habang hinihintay dumating ang mga pulis. Pagkaraan ng ilang mga oras ay dumating na nga sila. Takot akong harapin sila. Takot akong isalaysay ang mga nangyari dahil ayaw ko ng maalala pa ang lahat ng iyon. Pero wala ako magawa kun'di sabihin ang lahat.

Tumambad sa'kin ang tatlong pulis na nakatayo sa pinto. Agad namang humakbang papalapit sa'kin ang isa sa kanila habang naiwang nakatayo pa rin ang dalawa sa pinto.

"Kira?" tawag pansin sa'kin ng isang pulis. Mataman lang akong nakatitig sa mukha ng pulis na tila sinusuri ang buong mukha niya. Nang pasadaan ko ng tingin ang bandang dibdib niya ay nakita ko ang kanyang nameplate, SPO3 Reyes.

"Okay ka na ba? Magtatanong lang kami ng ilang mga detalye sa mga nangyari. Okay lang ba sa iyo yun?" aniya at tinanguan ko siya bilang pag sang-ayon.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang pulis na nasa harapan ko at tinatong na ako ng mga ilang detalye tungkol sa nangyari. Kinuha niya muna ang mga detalye sa mga kasamahan ko. Kung ilan kami, kung saan kami nagpunta at kung anong mga kakaibang napansin namin pagdating sa destinasyon.

Makaraan ang ilang mga tanong ay dumating na kami sa punto na kinakatakutan ko, ang isalaysay ang karumaldumal na nagyari sa amin. Sa abot ng natatandaan ko ay isinalaysay ko ang naalala ko. Wala akong magawa kun'di sabihin lahat ang nasaksihan ko. At kahit labag man sa kalooban ko ay kailangan kong isiwalat ang puno't dulo ng lahat maging ang taong nagplano ng lahat.

"Salamat sa salaysay mo Kira, babalik nalang kami para sa mga bagay-bagay para sa imbestigasyon. At nga pala Hija, hindi lang ikaw ang nakaligtas, dalawa kayo." putol ng pulis sa usapan namin.

Naguluhan ako. Hindi agad tumatak sa isip ko kung sinong ibig sabihin ng pulis na ibang nakaligtas. Biglang sinenyasan ng kaharap kong pulis ang dalawa pa niyang kasama at agad namang binuksan ang pinto. At doon pumasok ang taong ibig sabihin ni SPO3 Reyes. Agad namang lumisan ang mga pulis at naiwang nakapako sa pintuan ang taong tinititigan ko.

Kumaway sa'kin ang taong kakapasok lang sa kwarto ko at hindi ko mawari ang saya na nararamdaman ko. Buhay siya, pero paano? At saka lang bumalik sa alala ko na nakita ko siya bago ako nawalan ng malay sa kakahuyan. Kung buhay siya, isa lang ang ibig sabihin nito. Patay na si Jp. Patay na ang kapatid ko.

"Kamusta? Ang tagal mong nagising ah." biro nito sabay ngisi.

"How long I am unconscious?" kunot noo kong tanong.

"Exactly 1 week. Welcome back, Kira." saad niya at mas lumapad pa ang ngiti niya.

"Thank you, Joven. Thank you." Agad kong tugon at niyakap ko siya kaagad kahit na andito pa sila ang mga magulang ko.

At tuluyan na akong humikbi. Mga halong hikbi dahil sa saya at lungkot. Masaya ako dahil buhay si Joven, pero malungkot din dahil wala na ang iba ko pang mga kaibigan pati na ang kapatid ko.

"It's okay. Everthing is fine now," aniya habang hinahangod ang likod ko.

Nagpaalam naman ang mga magulang ko na lalabas muna para makapag-usap kami ni Joven. Gusto ko rin malamang kung paano kami nakaligtas. At naiwan nalang kami ni Joven sa loob ng kwarto.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon