THE FACELESS
••Chapter 23: Good Game, Great Show••❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Halos sabay-sabay nagkamalay ang apat pang magkakaibigan na nasa ibang kwarto. Agad tumambad sa kanila ang sitwasyon nila na nakagapos ang mga paa't kamay.
"Shit! Ano na naman 'to?" galit na bulalas ni Jegs.
Pilit kinakalagan ni Jegs ang sariling mga kamay na nakagapos na ngayo'y nasa likurang bahagi ng kanyang kinauupuan. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niyang magawang kalagan ang sarili.
"Ba't tayo lang ang andito? Asan sila Lexai?" nalilitong tanong ni Pong.
Agad naman nagkatinginan ang apat. Pare-pareho silang walang alam kung asan pa ang iba nilang kasama. At alam nilang nahulog sila sa bitag ng salarin.
"Tangina! Si Kira? Kailangan kong makawala dito at iligtas si Kira." Halos magwala na si Cyrie sa kakagalaw sa upuan niya para lang makawala sa pagkakagapos. Pero sadyang mahigpit ang pagkakagapos sa kanila.
"Tss..." tanging buntong hinanga nalang ang lumabas sa bibig ni Joven dahil alam niyang wala rin silang magagawa.
"Ikaw Pong, ikaw 'tong maraming alam sa ganito. Dito mo ngayon ilabas 'yang mga alam mo." Pabulyaw na saad ni Cyrie habang titig na titig kay Pong.
"Ba't ako? Shit naman. Ano'ng akala mo sa'kin? Kinain na nang buo kong sistema ang mga napapanood kong crime fiction movie? Dude, totoo 'tong nangyayari sa atin." agad na pangatwiran ni Pong.
"Wala ka palang kwenta eh! Ikaw itong puro satsat kanina." galit na galit na tugon ni Cyrie.
"Tumahimik nga kayo!" Maotoridad na saad ni Jegs sa dalawang kasama.
Agad namang tumahimik ang dalawa. Hindi pa rin mawala ang galit na galit na ekspreyon sa mukha ni Cyrie. Ilang segundo ring tumahimik ang apat.
"Pong, may ideya ka ba?" pambabasag tanong ni Joven sa kanya.
"Nag-iisip ako. Sa ngayon wala tayong magagawa dahil nakagapos tayo. Ni hindi rin natin alam kung asan yung iba. Pero sigurado akong may dahilan ang salarin kung bakit tayo pinaghiwalay. At sigurado akong may nakahanda na panganib para sa atin." Mahinahong eksplenason ni Pong.
Agad namang tumango si Joven pero sa utak nito ay may mga sariling teorya na siya kung bakit sila inihiwalay sa ibang kasama. Alam niya sa sarili niya hindi mali ang mga pagdududa niya.
"Hindi ako tanga para hindi ko malaman na si *#$*#$* ang may gawa samin nito..." mga katagang naglalaro sa isip ni Joven.
Kanina pa may hinala si Joven pero hindi niya lang ito sinasabi sa ibang kasama dahil sa oras na ibunyag niya ito ay siguradong masama ang kahihinatnan nilang lahat.
Matapos ang diskusyon ng apat ay agad may pumasok sa loob ng kwarto. Marahas pang binuksan nito ang pinto na nagdulot ng malakas na kalabog.
Agad na napatingin sa dako ng pintuan ang apat at tumambad sa kanila ang isang lalaki. Hindi nila agad naaninag ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito at nakasumbrero. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa harapan nila. Nang itaas na ng lalaki ang mukha niya ay agad nilang nakilala kung sino ito. Sa labis na pagtataka ay hindi sila makapaniwala kung bakit ito ang nasa harapan nila. Hindi sila makapaniwala na taong nakikita nila ay ang isa sa mga gwardya ng resort.
"Tangina, ikaw?" Agad napamura si Cyrie nang tuluyang makilala ang taong nasa harapan nila.
"Gago ka! Ano'ng kasalanan namin sayo?" malakas na bulalas ni Jegs sa taong nasa harapan nila.
"Sa akin wala, pero sa kasama niyo meron." makahulugang tugon ng gwardya.
"Ano'ng pinagsasabi mo?" agad na tanong ni Joven sa gwardya. Pero sa utak nito ay mas lalong nakumpirma niya ang pagduda na isa sa kanila ang tunay na salarin at pakana nitong lahat.
Imbes na sumagot ay tumawa lang ang gwardya habang nakapamulsa pa.
Isa-isang nilapitan ng salarin ang apat na pawa bang kinikilatis ito. Hindi alam ng apat kung anong binabalak ng salarin sa kanila.
Nang ensaktong nakaharap na ang salarin kay Pong ay agad itong tumigil sa paglalakad at nginisan pa ng nakakaloloko ang binata.
"Ano'ng gagawin mo?" Agad naman napatanong si Pong sa salarin na ngayo'y naliligo na sa pawis sa labis na kaba.
"Simulan na natin 'to para matapos na." Tugon ng salarin at agad na may hinugot sa bulsa niya.
Nanlaki ang mga mata ni Pong ng makita ang patalim sa kamay ng salarin. At sa walang pagdadalawang isip ay inundayan niya ng saksak ang binata sa tagiliran nito.
"Gago ka!" Galit na galit na pagkakasigaw ni Jegs ng nasaksihan ang pagsaksak sa kaibigan niyang walang kalaban-laban.
Naikuyom nalang nilang tatlo ang mga kamao nila sa labis na galit habang pinagmamasdan ang salarin. At hindi pa nakuntento ang salarin at ibinaon pa ang kutsilyo kay Pong.
Hindi na makasalita pa si Pong at napatingin nalang sa tagiliran niyang may kutsilyo at pagbulwak ng dugo sa tagiliran niya. Habang habol-habol ang hininga ay unti-unti namang lumalabas sa bibig niya ang sarili niyang dugo. Sinulyapan pa niya ang ibang kasama at pinipilit na magsalita. Pero imbes salita ay dugo ang lumalabas sa bibig niya.
"Tangina! Pong, 'wag kang pipikit. 'Wag kang mamamatay!" patuloy na pagwawala ni Jegs.
"Bwesit kang demonyo ka! Ano bang kasalanan namin sa inyo?" pagtatanong ulit ni Cyrie sa salarin.
Hindi na sumagot pa ang salarin at agad namang nilapitan si Cyrie.
"Kung ikaw kaya ang isunod ko?" ngayo'y galit na galit na tugon ng salarin sa binata.
Kapwa silang dalawa na pinanlilisikan ang isa't-isa. Bakas sa mukha ni Cyrie ang galit gayunpaman ang salarin. At natigilan sila ng marinig ang pag ubo ni Pong.
"Ang tagal mo namang mamatay bata!" Natatawang sambit ng salarin habang tinapunan ng tingin si Pong.
Patuloy ang pag-ubo ni Pong ng dugo at kitang-kita na ang panghihina niya. At ilang minuto pa ay tuluyan ng nakalaylay ang ulo nito at nawalan na ng hininga.
"Buti't natuluyan na rin," agad na bulalas ng salarin ng makitang wala ng buhay pa si Pong.
Walang nagawa sila Jegs, Joven at Cyrie kundi titigan nalang ang walang buhay na kaibigan. Kahit gusto nilang tulungan at isalba pa si Pong ay wala silang magagawa na.
Walang kamalay-malay ang tatlo na ang lahat ng nangyayari sa kanila ay nakikita nila Kira.
DADAP'S POV
Sa isa pang kwarto ay nasasaksihan ko ang lahat ng mga pangyayari. Habang tinitigan ko ang monitor kung saan ko nakikita ang dalawang magkahiwalay na kwarto ay napapangisi ako.
"What a great show." Mahina kong sambit habang nilalaro sa isa kong kamay ang isang baril.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...