XVI: RUNNING IN WILD

158 54 17
                                    

THE FACELESS
••Chapter 16: Running In Wild••

❌❌❌

Hi @myjeilapad SALAMAT sa pagtyaga po sa mga stories ko. Sana umabot ka po hanggang dito :D

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

"Fuck." galit na bulalas ni Jegs nang biglang na-lowbat ang cellphone niya.

Hindi na niya alam kung anong nangyayari sa kanila at kung bakit nangyayari ito sa kanila.

Otomatiko niyang tinignan ang mga kasama na may halong pagdududa. Di niya mawari kung totoo ba ang mensaheng natanggap nila at kung totoo man ay sino sa kanila.

"Ano na? Nahanap ba nila yung iba?" aligagang tanong ni Lexai kay Jegs.

Mas pinili ni Jegs na maging tikom ang bibig at patuloy na pinagmasdan ang mga kasama. Tila napako siya sa kanyang kinatatayuan at bakas pa rin sa mukha niya ang pagduda.

"Ano ba Jegs! Sumagot ka nga!" pasigaw na sabi ulit ni Lexai.

Biglang napukaw si Jegs at winakli na muna ang pagdududa sa kanyang isipan.

"Patay na sila Jhong at ang nobya niya. Si Lorna nawawala na rin," malumanay niyang sagot kay Lexai.

Napaluhod nalang si Lexai sa narinig niya. Tila kinain ang buong sistema niya ng takot at paghihinagpis sa nasapit ng mga kasamahan.

Namayani sandali ang katahimikan. Tanging pagaspas ng mga dahon at hangin lang ang naririnig nila.

"Jegs, kailangan na nating makaalis dito. Kailangan na nating makabalik sa resort." biglang sambit ni Jp.

Tumango naman kaagad si Jegs at pinatayo si Lexai. Nanghihina man dala ng takot ay pilit na tumayo si Lexai. Agad namang inakay ni Jp si Lexai para makalakad ito ng maayos.

"Huwag kang mag-alala, magiging okay din tayo." pagpapanatag ni Jp sa dalaga at lumakad na sila.

Sa oras na ito ay mas pinili nilang maglakad na lamang at pinaigi ang pagmamasid sa daang tinatahak para masigurado ang kaligtasan nila. Palinga-linga silang tatlo sa paligid para makita ang posibling nakaambang panganib.

Hindi pa rin nila alam kung tamang daan ba ang tinatahak nila dahil ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin nila matanaw ang resort.

Nanginginig pa rin si Lexai at tila wala sa sariling isip. Akay-akay pa rin ni Jp ang dalaga para maigiya ito sa paglalakad.

Ilang minuto pa ang nakakalipas pero bigo pa rin silang makabalik sa resort. Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Jegs na makakabalik sila.

"Makakabalik tayo!" may tapang na sabi ni Jegs sa mga kasama.

Patuloy pa rin sila sa paglalakad. Maya't-maya'y tinitignan ni Jp ang cellphone niya nagbabasakaling may mensaheng natanggap pero wala na namang signal ito.

Ramdam na nila ang pagod sa paglalakad dahil sa malubak-lubak at bato na naaapakan nila ay mas lalo pa itong nagdulot ng sakit sa mga paa nila. Pero hindi pa rin tumigil ang tatlo sa paglalakad. Biglang may nahagip ang mga mata ni Jegs sa may di kalayuan. Inaaninag niya ito gamit ang liwanag dulot ng buwan. Sigurado siya sa nakikita niya. Sigurado siya dahil sa pigura nito, alam niyang isang tao ito.

Bago paman makapagsalita si Jegs ay nawala na ito sa paningin niya. Hinanap niya ito pero hindi na niya makita.

"Ano'ng problema Jegs?" Nagtatakang tanong ni Jp nang biglang napako sa kinatatayuan si Jegs at palinga-linga ito sa paligid.

"May tao. Nakita ko. Andito siya sa paligid. Hindi ko na siya makita ulit." mauutal-utal na sambit ni Jegs.

Agad namang nag-iiyak si Lexai ng marinig ang mga sinabi ni Jegs. Mas lalong nangilabot ang dalaga.

"Wag kang umiyak Lexai," maotoridad na utos ni Jegs sa dalaga.

Nang biglang may kumaluskos sa bandang likuran nila at agad napasigaw si Jegs ng, "TAKBO!"

Pilit nilang dinadalian ang pagtakbo sa abot ng kanilang makakaya. Hawak na ngayon ni Jegs ang kamay ni lexai habang nakasunod naman si Jp sa kanilang likuran. Walang tigil sila sa pagtakbo kahit hindi nila alam kung saan na sila napupunta. Ang nasa isip lang nila ay tumakbo at makatakas.

Wala ni isa sa kanila ang nagsalita at walang preno sila sa pagtakbo. Habol-habol nila ang kanilang mga hininga pero walang humpay pa rin ang pagtakbo nila. Alam ni Jegs na may sumusunod pa rin sa kanila. Nariring niya ang mga yabag nito sa di kalayuan. Kaya mas binilisan pa ni Jegs ang pagtakbo habang hawak si Lexai na patuloy sa pag-iyak.

Nang biglang narinig nila na sumigaw si Jp na nasa hulihan nila.

"Ahhhhhhhh!" sigaw ni Jp.

Napatigil bigla si Jegs at hinanap si Jp. Pero hindi na niya ito nakikita pa. Wala na rin siyang marinig na mga yabag. Pero hindi pa rin siya kampati na wala na ang salarin at baka nasa paligid lang siya.

"Nalintikan na!" galit na bulalas ni Jegs.

"Lexai, kahit anong mangyari, tumakbo ka lang. 'Wag kang mapagod. Dapat makalayo tayo dito." mabilis na saad ni Jegs sa dalaga.

Agad namang tumango si Lexai at pilit hinahawi ang mga buhok na nakakaharang sa mukha niya.

Hindi sigurado si Jegs kung andiyan pa rin ang humahabol sa kanila, basta ang alam niya hindi pa rin sila ligtas. Hindi na inatubili ni Jegs na hanapin pa si Jp at bumalik na ito sa pagtakbo. Tila wala sa isip ng dalawa ang pagod at sakit na iniinda sa paa. Patuloy pa rin sila sa pagtakbo.

At biglang nabuhayan si Jegs ng may matanaw na siyang liwanag. Liwanag na nanggagaling sa mga bombilya. Bombilya ng mga cottage sa resort. Natatanaw na nila ang resort. Nabigyan ng pag-asa silang dalawa nang matanaw ang mga kasamahan sa cottage at mas binilisan pa ang takbo para marating ang pansamantalang kaligtasan.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon