X: HELLO HELL

188 70 51
                                    

THE FACELESS
••Chapter 10: Hello Hell••

"Hell's around the corner.."
--pinterest.com

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Namayani ang sigaw ng dalawang dalaga nang madatnan nila ang walang buhay na katawan ng kaibigan nila na si Biggy.

"Oh my God! Oh my God!" tarantang-taranta na sabi ni Dadap.

"Biggy..." pabalik-balik na sambit ni Lexai sa gitna ng kanyang mga iyak.

Pati ang dalawang kasamahan na mga lalaki ay gulat din sa nakita.

"Sinong may gawa nito?" Galit na sabi ni Jegs sabay tadyak sa malapit na upuan.

Nasapo na lamang ni Jp ang kanyang ulo at napaupo sa sahig. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalawang dalaga at tila nasa state of shock pa.

"Jp, lumabas ka. Tignan mo kung may tao ba sa labas," utos ni Jegs sa kasama.

Agad namang nagmadaling lumabas si Jp at nilibot ang buong paligid sa pag-aakalang may makikitang ibang tao. Nang masiguro ni Junprin na wala talagang tao sa labas ay agad niyang binalikan ang mga kasama.

"Guys, wala talagang tao." hingal na sabi ni Junprin.

"Imposibli 'to! Wala naman tayong narinig na kahit anong yabag ng paa at ni wala tayong napansin na ibang tao." nalilitong sabi ni Jegs.

Hindi alam ng magkakaibigan kung anong gagawin. Bakas sa kanilang mga mukha ang takot at lungkot dahil sa sinapit ng kaibigan.

Biglang naisip ni Lexai ang mga ibang kasama at natakot para sa kaligtasan din nito.

"We need to warn them. Hindi natin alam kung sinong gumawa nito kay Biggy. Let's call them quick!" aligagang sabi ng dalaga.

Agad namang inilabas ng magkakaibigan ang kanilang mga cellphone at nanlumo nang makitang walang signal ang mga cellphone nila.

"Shit!" mahinang sambit ni Jegs.

"Bumalik nalang tayo sa resort. Puntahan natin yung guard at mag report," sugestyon ni Dadap.

"Paano si Biggy?" tanong ni Jp.

"Patay na siya pre. Kailangan nating iligtas ang buhay natin at ang mga kaibigan natin. Alis na tayo," sabi ni Jegs.

Kahit na masakit sa loob ni Jegs na iwan ang katawan ni Biggy ay pinili niyang iwan nila ito sa lumang kubo sa kadahilanang kailangan nilang magmadali.

Hindi lubos maisip ng magkakaibigan na wala na ang isa sa mga kasama nila. Hindi nila alam na ang pinaghahanap na sila Jhong at ang nobya nito ay patay na rin.

Nawala sa isip ng magkakaibigan na hindi pa nila nakikita sila Jhong at ang nobya nito dahil sa pagmamadaling tumakas para balaan ang mga ibang kasamahan.

Mabilis na tinahak ng grupo nila Jegs ang pabalik sa resort. Halos tumakbo na sila sa pagmamadali. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa sila nakakabalik sa resort at tila nawawala na sila sa malawak na kagubatan.

"Nawawala na yata tayo," takot na takot na sabi ni Lexai.

"I'm tired," sabi ni Dadap sabay upo sa damuhan.

"Kailangan nating bilisan!" asik ni Jegs.

"Dito 'ata yung daan." saad naman ni Jp sabay turo sa isang bahagi ng gubat.

Patuloy sa paglakad at takbo ang magkakaibigan pero hindi pa rin nila natutunton ang pabalik sa resort. Nawawala na nga sila at bakas sa kanilang mukha ang pagod at takot.

Gustuhin man nilang balaan ang ibang mga kasama ay hindi nila magawa dahil walang mga signal ang cellphone nila.

Takot.

Kaba.

Hinagpis.

Hindi na alam ng magkakaibigan kung anong gagawin, ang alam lang nila ay dapat nilang iligtas ang kanilang mga sarili at ang mga kasamahan.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon