THE FACELESS
••Chapter 30: Pending Doom••"You're allowed to scream, you're allowed to cry, but you're never allowed to give up."
--wachabuy.com❌❌❌
KIRA'S POV
Kailangan kong tumakbo, kailangan kong magtago, kailangan kong humingi ng tulong. Ito ang mga katagang naglalaro sa isip ko habang walang humpay ako sa pagtakbo. Ramdam ko na ang pagod sa buo kong katawan at naliligo na ako ng pawis. Pero kailangan kong tumakbo pa hanggang masigurado kong ligtas na ako.
Nanginginig na ang buong katawan ko at nahihilo na rin ako. Hindi ko siya nakikita pero ramdam kong nasa likuran ko lang siya. At kung titigil ako ay siguradong maaabutan niya talaga ako.
Kanina pa ako tumatakbo pero parang pabalik-balik nalang ang tinatakbuhan ko. Hindi ko natatanaw kung saan ang dulo at ang labasan. Nawawalan na ako ng pag-asa pero naisip ko ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan kong nagsakripisyo. Mawawalan ng saysay ang mga ginawa nila sa akin kung titigil ako sa pagtakbo. Kaya patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Ngayon, napagtanto ko na kung anong ibig sabihin ng bangungot ko kanina. Kung bakit ako tumatakbo at tumatakas. Alam ko na kung bakit pilit kong tinatakasan ang taong humahabol sa akin. At mas lalong alam ko na kung sino ang tinatakbohan ko, ang kapatid ko. Hindi ko lubos maisip na darating ang panahon na tatakbohan ko siya, at ang pinakamasakit ay dahil gusto niya akong patayin.
"Diyos ko, tulungan niyo po ako." ang mga katagang paulit-ulit kong sinasambit sa gitna ng mga hingal ko.
Nang bigla akong nadapa at napasandal sa isang puno. Nakaramdam ako ng pagod at pamamamanhid ng buong katawan. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Hindi maganda ito.
Pag hindi pa ako nakatayo kaagad ay maaabutan na niya ako. Pero kahit anong pilit kong tumayo ay hindi ko kaya. Umiiyak na ako at mas lalong lumalakas ang kaba at takot na nararamdaman ko. Kusa ng sumusuko ang katawan ko.
Natatanaw ko na siya. Natagpuan na niya ako at papalapit na siya. Nakikita ko ang mga mala-demonyong ngiti sa kanyang labi at taliwas sa bangungot ko ay naaaninag ko na ang kanyang mukha. Ang mukha ng kapatid kong bakas ang poot at galit na ano mang oras ay pwedeng wakasan ang buhay ko.
Nahihilo na ako, nanghihina at hindi ko na alam kung anong gagawin. And'yan na siya, papalapit nang papalapit. Gusto kong magmakaawa sa kanya katulad ng pagmamakaawa ko sa kanya sa bangungot ko. Pero hindi ko magawa dahil ako naman ang puno't dulo nitong lahat. Ilang dipa nalang ang layo niya sa akin. Abot kamay na niya ako at kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa baril.
"Jp, I'm sorry..." hinang-hina kong sambit. Hindi ko alam kong narinig ba niya ang sinabi ko at kahit narinig pa niya ay alam kong hindi rin niya matatanggap ito.
Gusto ko pa sanang magbakasakali na mapapatawad pa niya ako. Gusto kong lumuhod sa harapan niya pero sobra ang panginginig ko at hindi ko magawang kontrolin ang katawan ko. Gusto kong magsalita pa pero kusang naging tikom ang bibig ko. Gusto kong labanan ang sarili kong katawan sa pinapakita nitong kahinaan pero naging bigo ako. Kahit anong gawin ko ay katawan ko na mismo ang sumusuko sa kapatid ko. Siguro dapat ko ng tanggapin na ito na ang katapusan ko.
Humakbang si Jp papalapit sa akin at itinutok ang baril sa binti ko. Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti na niyang kinakalabit ang gatilyo. Wala ni isang salita ang lumalabas sa aking bibig kundi hingal. Kusa ng tumatakas ang mga luha ko habang hinihintay ang gagawin ni Jp. Kasabay nang pag-alingawngaw ng putok ng baril ay ang nakabibingi kong palahaw.
"Ahhhhhh!" malakas kong sigaw ng tinamaan ako sa binti.
Hindi ko maintindihan ang sakit na dulot ng bala sa binti ko. Parang nilulusaw ang binti ko sa init na dala nito at unti-unting narurupok ang buo kong paa sa labis na sakit. Namimilipit na ako sa sakit at patuloy ako sa pagdaing. At sa gitna ng mga palahaw ko ay isang putok na naman ang pinakawalan ni Jp. At sa isang binti ko na naman tumama.
Pakiramdam ko'y unti-unting nasusunog ang dalawa kong binti sa init na dala ng mga bala. Tuluyan ng hindi ko maigalaw ang mga paa ko. At tuluyang ng humakbang papalapit sa'bkin si Jp.
"Ano'ng feeling, Ate? Ano'ng feeling ng unti-unting namamatay?" sarkastikong tanong ni Jp sa'kin habang nginingisihan ako.
Lumipat pa ito ng todo hanggang sa magkaharap na kami. Inangat ko ang mukha ko para makita siya. At dahan-dahan siyang bumaba para magkalebel ang mukha namin.
"Kulang pa 'yan sa lahat ng atrasong nagawa mo sa'kin at sa nanay ko. Unti-unti kong ipaparamdam sa'yo ang lahat ng sakit na dinulot mo. Unti-unti kong ipapalasap sa'yo ang kamatayan mo," aniya. Walang ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya kundi galit at paghihiganti. It's true, I have turned my brother into a monster. A monster who is devil inside and about to send me to hell.
Bigla itong tumayo at tumalikod sa akin. Mabagal itong humakbang papalayo sa akin. Mga ilang hakbang na ang nagawa niya ay humarap ulit siya. At itinutok na naman niya ang kanyang baril sa direksyon ko. Wala na talaga akong magagawa kundi tanggapin na hanggang dito nalang ang buhay ko.
Hindi ko namalayan na kinalabit na pala niya ang gatilyo at tumama sa tagiliran ko. Agad akong napadaing sa sakit. Hindi ko na nagawang sumigaw dahil hinang-hina na ako.
Handa na akong tanggapin ang mga susunod pang balang tatama sa katawan ko. Hinihintay ko nalang na bumitaw ang sarili ko at mamatay. Isa pang putok at sa kanang kamay ko tumama. Napapikit nalang ako sa labis na sakit. Halos hindi ko na maramdaman ang buo kong katawan dahil sa manhid.
Sinulyapan ko ulit ang kapatid ko at kitang-kita ko ang mga ngisi niya at sa halip na samaan siya ng tingin ay binigyan ko nalang siya ng isang ngiti.
"Do it, brother. I love you," mahina kong bulong. Kahit halos hindi ko mailabas ang mga katagang iyon ay pinilit ko pa rin.
At tuluyan ko ng isinara ang mga mata ko, naghihintay sa huling bala na papatay sa akin. Ilang segundo pa ay umalingawngaw na naman ang isang putok. Alam kong huli na iyon dahil alam kong hindi na kakayanin ng katawan ko. Hindi ko na maramdaman kong saan ako tinamaan dahil na siguro sa pamamanhid. Hindi ko na rin sinubukang imulat ang mga mata ko ulit dahil alam kong ilang segundo lang ay malalagutan na ako ng hininga.
Pero may narinig akong kakaiba. Parang may bumagsak at alam kong hindi ako ang bumagsak. Kahit namamanhid ang buo kong katawan, sigurado akong nakasandal pa rin ako sa puno.
At bakit parang hindi pa ako nalalagutan? May narinig din akong mga yabag na papalapit sa akin. At parang may tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko mawari kong sino.
"Kira, kira, gising. 'Wag kang susuko. Please, wake up!" patuloy pa rin ang pagtawag sa'kin ng isang tao.
At biglang may naramdaman akong kamay na dumampi sa pisngi ko. Kahit wala na akong lakas ay may kung anong pwersa na siyang nagmulat ng mga mata ko. Kahit nanlalabo ako dahil sa mga luha ay kilala ko kung sino ang nasa harapan ko. Si Joven...
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...