THE FACELESS
••Chapter 12: Know Your Friends••"Make sure everybody in your boat is rowing and not drilling holes when you're not looking. Know your circle.."
--pinterest.com❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Narinig ng magkakaibigan ang sigaw at paghingi ng tulong ni Lorna. Balisa silang nagkatinginan sa isa't-isa at hindi alam anong gagawin.
"Si Lorna, si Lorna. Kailangan natin siyang tulungan," iyak na sambit ni Kira.
Nagtatakbo silang apat at sinundan kung saan nanggagaling ang sigaw ni Lorna. Pero hindi nila matunton kung nasaan na ang dalaga.
Unti-unting nawawala ang mga sigaw ni Lorna. At mas lalong nagdulot ito ng kaba sa kanila. Alam nilang kapag hindi nila nakita ang dalaga ay may maaaring mangyaring masama dito.
"Anong gagawin natin?" litong-lito na tanong ni Joven.
"Kailangan natin mahanap si Lorna. At kailangan nating makabalik sa resort para mabalaan ang iba." sagot ni Cyrie.
Sinuyod pa rin ng magkakaibigan ang lugar at paikot-ikot na hinanap si Lorna. Pero bigo pa rin sila, katulad ng pagkabigo nilang mahanap ang mga nawawalang kasamahan.
Nakita man nila sila Jhong at ang nobya nito ay bigo pa rin sila, dahil sa bangkay nalang ang mga ito.
Buo ang kanilang mga loob na mahanap si Lorna at mailigtas. Pero sa oras na ito ay hindi nila alam ang lagim na kahihinatnan ng dalaga.
❌❌❌
"Ahhhhhh! Tulong! Tulong! Tulong!" pagpupumiglas ni Lorna sa lalaking naggapos sa kanya.
Hindi umiimik ang salarin at walang mukhang naaaninag si Lorna dito dahil ito ay naka-maskara.
Sinuktok ng salarin ang dalaga at nawalan ito ng malay. Kinaladkad ng salarin ang dalaga at dinala sa lugar na siya lamang ang nakakaalam. Pagkadala ng salarin kay Lorna sa isang lugar ay siya namang unti-unting pagkagising ng dalaga.
"Sino ka!" Buong lakas na sigaw ni Lorna sa salarin.
Kahit nakamaskara ang salarin ay makikita mo ang mga mala-demonyong ngiti sa kanyang mga labi. Ngiti ng kasiyahan at paghihiganti.
"Tulong! Tulong! Tulong! Tulong!" paulit-ulit na sigaw ni Lorna. Nagbabakasakaling may makarinig sa kanya.
"Kahit anong sigaw mo ay walang makakarinig sa iyo." mapanuksong sambit ng salarin.
"Sino ka ba? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Anong kasalanan namin sa iyo?" Pagtatanong ng dalaga sa gitna ng kanyang mga iyak.
"Sa akin wala, pero sa kasama niyo meron." sagot ng salarin.
"Sinong kasama? Anong pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ng dalaga.
"Kilala mo ba talaga ang mga kaibigan mo? Gaano mo sila kakilala? O kaibigan mo ba talaga sila?" mapaglarong tanong ng salarin sa dalaga.
"Kaibigan ko sila at kilalang-kilala ko sila. Manahimik kang punyeta ka!" sigaw ni Lorna.
"Aba aba! Matapang ka ha!" galit na galit na sambit ng salarin.
Kinaladkad ng salarin ang dalaga gamit ang mga buhok nito. Sigaw nang sigaw si Lorna sa sakit at pilit na nagpupumiglas. Bigo si Lona na makawala sa taling nakagapos sa kanyang mga kamay at paa. Nananakit na ang buong katawan ng dalaga at hindi matigil sa pag-iyak.
"Diyos ko! Tulungan niyo ako!" mahinang sambit ni Lorna habang naminilipit na sa sakit.
Pagkatapos kaladkarin ng salarin ang dalaga ay agad niya itong pina-upo sa isang lumang upuan. At nilabas ang isang baril na nasa bulsa niya.
Itinutok ng salarin sa dalaga ang baril at handa ng kalabitin ang gatilyo nito.
"Huwag! Maawa ka sakin. Please! Please!" pagmamakaawa ng dalaga.
At walang pagdadalawang-isip na kinalabit ng salarin ang baril na nakasentro sa ulo ng dalaga. Bumulagta si Lorna at agad na nalagutan ng hininga.
Nilapitan ng salarin ang ngayo'y patay na katawan ni Lorna at yumuko dito.
"Know your friends bitch." Makahulugang sambit ng salarin sa bangkay ni Lorna.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...