XIII: MESSAGE

167 59 26
                                    

THE FACELESS
••Chapter 13: Message••

"The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies.."
--Pinterest.com

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

Hindi alam ng grupo nila Kira kung ano na ang nagyari sa kasamahang si Lorna. Kahit anong gawin nilang paghahanap sa dalaga ay hindi pa rin nila ito makita.

Hindi nila alam na nabawasan na naman sila ng isa.

❌❌❌

Sa kabilang dako ng gubat kung saan andoon ang grupo nila Jegs ay patuloy pa rin sila sa pagtakbo at paghanap sa daan pabalik ng resort.

"We're lost. Fuck." galit na bulalas ni Jegs.

Iyak nang iyak sila Lexai at Dadap at kitang-kita sa mga mukha nila ang takot at pagod.

"Akala ko ba alam mo yung daan?" tanong ni Jegs kay Jp.

"Malay ko bang mali pala yung naturo ko." paliwanag naman ni Jp sa kaibigan.

"Ba't mo sinabing dito ang daan?" patuloy na panggigisa ni Jegs sa kasama.

"Nagbabakasakali lang naman ah! Tumutulong lang," katwiran naman ni Jp at panay hangos.

Di naiwasan ng magkakaibigan na may mamuong tensyon sa kanila dahil na rin sa sitwasyon nila. Pero kahit pa ganun ay napagpasyahan nila na ipagpatuloy na lang ang paghahanap sa daan pabalik ng resort. Nang biglang napahinto sila sa sinabi ni Dadap.

"Kailangan kong jumingle," pambubulabog ni Dadap.

"Takte naman oh! Umihi kana lang diyan, tatalikod lang kami." sagot ni Jegs. Halata sa mukha ng binata ang pagkainis.

"Please guys, I need to pee. Ihing-ihi na talaga ako." pagmamakaawa pa ni Dadap sa mga kasama.

"Sige, samahan na kita. Pero diyan lang sa tabi ha?" pagprepresenta ni Lexai. Kahit takot man ay hindi rin naman kayang tiisin ni Lexai ang kaibigan.

Agad namang pumunta sa may gilid ang dalawang silang dalawa. Tumalikod na si Lexai para makaihi na si Dadap. Ilang minuto na ang nakalipas ay nagtaka na si Lexai kung bakit hindi pa natatapos si Dadap sa pag-ihi.

"Ano na? Tapos ka na d'yan?" aligagang tanong ni Lexai sa kaibigan. Nagtaka na si Lexai nang hindi sumagot si Dadap. Pag harap niya sa kasama ay wala na ito.

Otomatikong natakot si Lexai dahil alam niyang hindi magandang pati si Dadap ay mawala na rin. Agad na sumigaw si Lexai para tawagin ang ibang kasamahan.

"Guys, nawawala si Dadap." sigaw ni Lexai para makuha ang atensiyon ng ibang kasama.

Agad namang nakuha ni Lexai ang atensyon ng mga kasama niya at dali-dali siyang pinuntahan sa kinarooonan nito.

"Asan na si Dadap?" agad na tanong ni Jegs kay Lexai.

"Andito lang siya kanina. Tumalikod lang ako para makaihi siya, tapos nawala na lang siya bigla." Paliwanag ng dalaga habang namumuo na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Agad nasuntok ni Jegs ang malapit na puno sa kanya dahil sa sobrang galit. Hindi na inis ang nararamdaman ng binata kundi, galit. Galit si Jegs sa sarili niya dahil hinayaan niyang mapabayaan ang mga kasamahan.

Unti-unti ng nababawasan ang magkakaibigan. Hindi nila alam kung sino ang may gawa nito sa kanila at kung sino ang isusunod.

Dahil sa abala sila sa paghahanap ng paraan para mailigtas ang mga sarili ay hindi nila namalayan na nagkaroon na pala ng signal ang kanilang mga cellphone. At isang kahindik-hindik na mensahe ang kanilang natanggap.

1 text message received.

Sabay-sabay na tumunog ang mga cellphone nila Jegs, Jp at Lexai. Halos sabay nilang tinignan ang mensahe at tumambad sa kanila ang isang nakapanlulumong bagay. Nakita nila ang kalunos-lunos na imahe ng kasamahang si Dadap.

Agad napaluhod si Lexai sa nakita. Isang picture ang na-recieved ng tatlo, picture ni Dadap na nakabitin ng patiwarik at may laslas sa leeg.

Nanlumo ang magkakaibigan sa sinapit ng dalaga. Masakit man sa kanila pero wala silang magawa. Ang hindi nila alam na ang iba pa nilang mga kasamahan ay patay na din. Ang ipinagtataka nila, sino ang gumawa nito kay Dadap at gayuman kay Biggy?

Biglang tumunog ulit ang mga cellphone nila bilang pahiwatig na may mensahe ulit silang natanggap.

Isang mensaheng naglalaman ng mga katagang mag-iiwan sa kanila ng isang malaking tanong.

"ANG ITINURING MONG KAIBIGAN, AY SIYANG PAPATAY SA'YO."

Sabay-sabay nilang nabasa ang nilalaman ng pangalawang mensage na kanilang natanggap. Naging malaking palaisipan sa kanila ang mensahe ito.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Lexai na puno ng takot sa kanyang mukha.

"Shit!" ang tanging lumabas sa bibig ni Jegs. Puro mura nalang ang nabibigkas niya dahil sa labis na galit.

"Yung iba...yung iba. Tawagan natin sila," agad namang suhestyon ni Jp.

Agad rumihestro sa utak ni Jegs na pwede na nilang ma-contact ang ibang mga kasamahan. Dali-daling tinawagan ni Jegs si Kira at agad naman itong nasagot ng dalaga.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon