XXVII: AIN'T BULLETPROOF

126 55 0
                                    

THE FACELESS
••Chapter 27: Ain't Bulletproof••

"You stabbed me a thousand times and then acted as if you were the one that was bleeding."
--hplyrikz.com

❌❌❌

KIRA'S POV

Naiwan kaming dalawa ni Dadap sa loob ng kwarto. Hindi mapakali si Dadap at palakad-lakad ito. Gusto kong makatakas habang balisa siya pero hindi ko naman magawang makawala sa pagkakagapos. At sa tuwing lumilingon ako sa tabi ko ay nakikita ko ang walang buhay na katawan ni Lexai. Wala manlang akong nagawa para mailigtas siya.

Sa lahat ng mga nangyayari ngayon, may isang bagay pa rin ang bumabagabag sa akin. Kung bakit sa dinami-dami ng tao ay si Dadap ang naging kasabwat ng kapatid ko. Ano'ng meron sa kanilang dalawa? Kahit nag-aalangan man, ay buo ang pasya kong alamin ang katotohanan. Baka kung malaman ko ang saloobin ni Dadap ay mahikayat ko siya na hindi pa huli ang lahat.

"Ba't ka nakipagsabwatan sa kapatid ko? How did you end up doing this hellish crime?" nag-aalangan kong tanong kay Dadap.

Agad ko namang nakuha ang atensyon niya at humarap siya sa akin. Taliwas sa nakita kong galit sa mata niya kanina, ngayon ay parang nasasaktan siya. Parang may kirot sa puso niya habang tinitigan ako.

"Because, I love him." malamig niyang tugon habang nakatitig sakin.

"What?" naguguluhan kong tugon ko sa kanya.

Naguguluhan pa rin ako. Nang masali saming grupo si Jp ay iisang babae lang ang naging girlfriend niya, si Lexai. At ni minsan di ko nakitaan ng higit sa kaibigan na pagtingin si Jp kay Dadap, gayunman si Dadap kay Jp. Napapamangha ako sa kanila. How could they hide all this time ang tunay na relasyon nila?

"Kayo ba ni Jp?" dagdag kong tanong sa kanya.

"Nope. And I don't think he loves me too," aniya at umiwas siya ng tingin. Agad niyang kinuha ang isang monoblock malapit sa pintuan at umupo dito. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa baril kaya minabuti ko paring huminahon muna at kausapin siya.

"Kung hindi ka niya mahal, bakit ka pumayag na gawin ang plano niyo?" tanong ko.

"Dahil nakita ko ang pagdurusa niya. At nandoon ako sa mga panahong unti-unti siyang nalulugmok. No ones there for him, only me." agad niyang tugon sa akin.

Hindi ko pa rin makuha kung anong ibig niyang sabihin. I can't still understand everything. Kunot-noo akong nag-isip at tila nahalata ito ni Dadap. Napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Jp was my childhood bestfriend. Kapitbahay nila ang lolo't lola ko sa probinsya. Sa tuwing nagbabakasyon ako doon, ay nakikita ko siya. Kalaunan ay naging magkaibigan kami. Nung mga bata pa kami he always says na nasa syudad ang papa niya at nag-ta-trabaho. Lumaki siyang yun ang paniniwala niya," saad ni Dadap.

Nasaktan ako sa narinig ko. Naawa ako sa dinanas ni Jp nung kabataan niya. Naawa ako sa ipinagkait sa kanya ng papa ko, ang magkaroon ng isang Ama.

"Nang magkaisip na kami ni Jp at alam na niya ang totoo na may ibang pamilya ang Ama niya, buo ang loob niyang hanapin ito. At ako ang tumulong sa kanya para hanapin kayo. Ang pagiging kaibigan natin ay planado. Ako ang unang humanap ng paraan para makasali sa inyo. Humanap din ako ng paraan kung paano ko maipapasali si Jp. Kaya sinabihan ko si Jp na mag-apply sa trabahong pinapasukan ni Jhong at kaibiganin siya. At hindi kami nabigo, nakasali nga si Jp sa atin. Pero ang tanging hangarin lang niya noon ay makilala ka at matanggap siya. Nagbabasakaling matanggap mo siya bilang kapatid at ikaw ang maging tulay para matanggap siya ng Ama niya." dagdag na saad ni Dadap.

Sa bawat pagbitaw ni Dadap ng mga salita niya, ay labis na sakit ang dulot nito sa akin. Para akong unti-unting sinasaksak ng katotohanan. Parang mga bala ng baril ang mga salitang tumatagos sa puso ko. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Dadap at ang unti-unting pagpatak ng luha niya. He really loves my brother. Na dapat sana ako ang nagbigay.

"Kung alam mo lang kung gaano kasaya si Jp ng makilala ka. Ginawa niya ang lahat para lang pansinin mo siya. Sa bawat pag-iwas mo sa kanya ay unti-unti mong sinisira ang buhay niya. At sa bawat pagtanggi mo sa kanya at pagkaila, ay unti-unti mo siyang hinahatak sa kasamaan. You're the reason why he became the demon he is now. Ikaw ang dahilan nitong lahat Kira, IKAW!" Unti-unting rumahas ang mga pagkakasabi ni Dadap sa kanyang mga salita. Alam kong pati siya, labis ang galit sa akin.

Hindi ko na rin namalayan na kanina pa rumaragasa ang mga luha ko. Parang pinipiga ang puso at dibdib ko at kinakapos na ako sa paghinga sa labis na pagluha. Bakit hindi matapos-tapos ang lahat ng natutuklasan ko. Mga bagay na dahil sa pagiging makasarili ko ang dahilan. I have cause too much. I even put my brother into hell. Bakit ko nagawa itong lahat? Kung pwede ko lang ibalik ang lahat. Kung pwede ko lang ibalik ang panahong una ko siyang nakita. At kung may pagkakataon pa sana akong mapatawad ni Jp, gagawin ko ang lahat.

"Hindi pa huli ang lahat, Dap. I can still fix this, him. Hindi solusyon ang isang pang mali para itama ang isang mali. If you really love my brother, you'll help him to stand up again." sensiro kong suhestyon.

"It's too late Kira. The damaged has done. You cannot undo what is already done," aniya habang tinititigan ako.

Iniangat ko ang ulo ko at humarap kay Dadap. Nagtama ang mga mata namin at bakas dito ang paninindigan niya sa binitawang salita. Wala na talaga akong magagawa para mabago ang takbo ng pangyayari ngayon. Maybe, I should accept the fact na ito na ang katapusan ko.

Marahas na bumukas ang pinto at otomatiko kaming napatingin dito ni Dadap. At nakita naming pumasok dito sila Joven at Jegs at nasa likuran nila si Jp habang itinututok ang baril sa ulo ng mga kaibigan ko.

"Kira...Lexaiii?" mahinang bulong ni Joven nang makita niya ako at ang bangkay ni Lexai.

❌❌❌
AUTHOR'S NOTE:
I don't know kung may umabot pa dito? Nagbabasakali lang. Hihi. Sinong tama ang hula kung sino ang tunay na salarin? And sino ang naghinala kay Dadap? This story is almost on its end. Mga ilang chapters nalang siguro, at sanay patuloy niyo pa rin basahin hanggang sa huli. Comment kayo and votes are much appreciated. Thanks!

SALAMAT NG MARAMI! 😁😄

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon