THE FACELESS
••Chapter 19: Dilemma••❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Nabigla man sa natuklasan ay naging okay lang naman sa magkakaibigan ang tungkol sa lihim ni Kira. Hindi naman ganun kalaking sekreto ang ibinunyag niya, walang kaso lang sa kanila.
Nag-isip sila ng plano kung paano makakabalik sa kubo na napuntahan nila Jegs kanina nang walang nangyayari sa kanilang masama. 'Yun lang ang naisip nilang lugar na pwedeng pagtaguan ng salarin.
Habang nag-pa-plano sila ay bigla m-biglang tumunog ang mga speaker sa resort. Nagdulot ito ng malakas na tunog na parang kalabog. Lahat sila ay nagulat at napapiglat sa kinauupuan.
"123 mic test, mic test," malumanay na sambit ng boses na nanggagaling sa mga speaker.
Lahat silang anim ay palinga-linga sa paligid. Gulat at kaba ang rumihestro sa buong sistema nila.
"Shit!" galit na bulalas ni Jegs.
"Magandag gabi sa inyo aking mga panauhin. Ay teka! Madaling araw na pala. Kamusta na? Nagustuhan niyo ba ang inihanda kong surpresa sa inyo? Hahahahaha" mapanuksong sambit ng boses na nanggagaling sa speaker.
Nakakuyom ang mga kamay ni Jegs at ang iba pang lalaking kasama. Bakas sa kanilang mukha ang galit. Galit na tila handang sumugod sa taong may gawa nito sa kanila.
"Hindi ko man kayo naririnig, nakikita ko naman kayo! Sapat na sa'kin na masaksihan ang mga mukha niyo. Mukha ng mga talunan. Haha," namayani ulit ang malakas na halakhak sa speaker. Halos sinakop nito ang buong resort na napapaligiran pala ng mga speaker.
Wala pa ring ibang magawa ang magkakaibigan kundi mapako na lamang. Wala silang magawa kundi makinig sa malademonyong boses na nananadyang galitin sila.
"Alam niyo, wala na kayong magagawa. Hindi kayo makakalabas. Oras na tangkain niyong lumabas, game over na kaagad. Pangit diba? Dito lang tayo sa resort, magtaguan at maghabulan. Masaya 'yun. Bilang gantimpala ko sa inyo, ako ang magiging taya. Pero, sa oras na magkita tayo...Huli ka, patay ka!" Patuloy pa rin sa pagsasalita ang kung sino man ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Nga pala, may naghahanap sa inyo," makahulugang sambit ng salarin.
Nagtaka ang lahat at nagkatinginan. Pero biglang nagimbal sila ng marinig ang isa pang boses. Boses na tila nahihirapan sa labas na sakit.
"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako! Ate Kira, tulungan mo ako. Maawa ka sa'kin. Maawa ka samin. Hayop ka!" pagwawala ng isa pang boses.
Lahat ay alam kung sino yun, si Jp. Labis ang pagkadurog ng puso ni Kira habang naririnig ang kapatid na nasasaktan. Kung kanina ay takot ang nararamdaman niya ngayon ay poot at galit na. Poot at galit sa taong nagpapahirap sa kapatid niya.
"Tsk tsk. Akalain mo, kapatid mo pala ito Kira? Akala mo hindi ko alam ang sekreto mo, ang mga sekreto niyo? Mga makasarili kayong lahat. Ikaw Kira, kaya mo bang ibuwis ang buhay mo para mailigtas ang kapatid mo? Ay hindi pala noh, hindi mo rin naman siya tinuturing na kapatid. Malamang, dahil anak siya sa pagkakasala ng ama mo." mapanuksong bulalas ng unang boses.
"Hayop ka! Hayop ka! Magpakita ka sa akin. Papatayin kitang hayop ka!" Hindi na napigilan ni Kira ang magwala at agad naman siyang pinapakalma ni Cyrie.
"Ops! Galit ka na? Sayang hindi ko marinig 'yang mga pinagsasabi mo pero nakakatawa 'yang itsura mo. Hahahaha. Bye!" Pinutol nalang bigla-bigla ng unang boses ang kanyang pagsasalita. At wala na silang narinig na kasunod na mga salita pa.
Tila namanhid ang buong katawan ng anim at namayani ang katahimikan sa buong resort.
"Guys, kilala niyo ba ang boses na 'yun?" pambabasag ni Joven sa katahimikan.
"Hindi. Hindi pamilyar yung boses." sagot ni Cyrie.
"Baka gumamit ng voice modulator?" diretsang saad ni Lexai.
"Hindi 'yun gumamit ng voice modulator. Sa linis ng boses niya, totoong boses yung narinig natin kanina." sambit naman ni Pong.
"Eh sino 'yun? Sino bang may galit sa atin?" naguguluhang tanong ni Joven.
"Kahit sino pa siya, hahanapin at papatayin ko siya!" Galit na bulalas ni Kira habang nakakuyom ang mga kamao.
"Kung ayaw niyong pumunta doon sa kagubatan. Ako nalang mag-isa ang babalik doon. Hahanapin ko ang kapatid ko," dagdag pa ni Kira.
"Alam mong delikado yun!" Pagpipigil ni Cyrie kay Kira habang marahas na hawak ang mga braso ng dalaga.
Winakli lang ni Kira ang kamay ni Cyrie at buo na ang kanyang desisyon na puntahan ang kapatid.
"Napahamak na ang iba nating kasama na wala tayong nagagawa. Ayaw kong pati kapatid ko pa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag nangyari yun. Simula't sapol ako naman ang may kasalanan nitong lahat. Ako ang nagdala sa inyo sa kapahamakan dahil ako ang nag suggest at nagplano ng outing na 'to. Kung hindi ko pinilit na dito tayo pumunta hindi sana mangyayari ito. At kung hindi ko sana pinagpilitan na pumasok tayo dito, wala sana tayo sa sitwasyon natin ngayon. Ang tanga-tanga ko!" Saad ni Kira habang may kirot sa mga puso niya. Iniisip niyang kasalanan niya ang lahat ng nangyayari sa kanila.
"Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan," agad na tugon ni Joven.
"Sasamahan kita," saad ni Cyrie kay Kira. Sa huli ay hindi rin natiis ng binata ang nobya niya.
"Sasama ako. Ayaw kong may mapahamak pa sa atin," segunda pa ni Joven.
"Ako rin. Marami akong maititulong," sabi naman ni Pong.
Nagkatinginan sila Joven at Jegs. Hinihintay ni Joven ang sagot ni Jegs. Sa kanilang anim si Jegs lang ang ayaw bumalik sa gubat. Alam niyang delikado dahil na rin sa sinapit nila ni Lexai kanina.
Pero walang magawa si Jegs. Hindi pwedeng magpaiwan sila sa resort ni Lexai dahil mas magiging delikado ito sa kanila kung sila lang dalawa.
Labag man sa kalooban ni Jegs ay tumango nalang ito kay Joven bilang pagsang-ayon. Malapit ng mag alas tres ng madaling araw. Malapit ng sumikat ang araw.
Pero ang hindi sigurado ay kung aabot pa ba sila at masasaksihan ang pagsikat ng araw.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...