IV: THE REAL ME

296 95 174
                                    

THE FACELESS
••Chapter 4: The Real Me••

"Oh please, don't pretend like you actually care."
--Pinterest.com

❌❌❌

KILLER'S POV

Kitang-kita kong masaya ang mga taong tinuturing kong kaibigan. Pero kaibigan ko ba talaga sila? Siguro sa mga mata ng ibang nakakakita ay kaibigan ko sila pero sa sarili ko alam kong hindi.

Ang sayang pagmasdan ng mga tawa nila, yung pakiramdam na alam kong iyon na ang mga huling masasayang sandali nila. Akala siguro nila ay lasing na ako. Nagkakamali sila.

Buti nalang ay palihim kong tinatapon ang binibigay nilang alak sa akin simula pa kanina. Hindi rin naman nila napapansin dahil mga lasing na sila. Lubos-lubusin na nila ang kasiyahan na tinatamasa nila ngayon dahil ito na ang huli.

Isa-isa na silang nagpahinga at kunwari nagpahinga na rin ako. Hinintay kong tuluyang makatulog sila. Iniisip kong maigi ang mga plano ko at kumurba ang ngiti saking labi dahil sa pananabik. Napaisip ako bigla kung sino ang uunahin ko sa kanila. Pero bigla kong naalala na may nauna na pala akong biktima. Ang inaakala nilang tulog na tulog na si Bjay ay patay na.

Ni walang kahirap-hirap palang patayin ang isang iyon. Ni hindi nila namalayang nilagyan ko ng lason ang huling alak na ininom niya. Mabuti nalang na ang lason na 'yun ay hindi eepekto kaagad. Nang sa gayun ay aakalain nilang natutulog lamang siya.

Ang galing ko, diba? Pero simula palang 'yan. Wala pa ako sa kalingkingan ng mga plano ko. Nilapitan ko ang katawan ni Bjay at kusang lumabas ang nakakalokong ngisi sa'king labi.

"Rest in Peace Bjay. Tutulog-tulog ka kasi, ikaw tuloy nauna." sambit ko ng may ngisi sa labi.

Humiga ako ulit at minanmanan ang bawat isa sa kanila. Nang napansin kong biglang bumangon si Jhong at ang nobya niya. Narinig kong papunta sila ng banyo at 'yun na rin ang hudyat ng pagsisimula ko sa mga plano ko.

Maingat kong sinundan sila patungong banyo nang hindi nila namamalayan. Dumiretso ako sa likuran para magtago. Nang masigurado kong nasa loob na sila ay sinimulan ko na ang plano ko.

Kinuha ko ang kable ng kuryente na sinadya kong putulin at dahan-dahang pinasok sa loob ng banyo, idinaan ko sa may butas na sinadya kong gawin. Sa sandaling lumapat ang kable ng kuryente sa lapag ng banyo na may tubig ay agad kong naramdaman pagkabagsak nila at mabilis na nakuryente sila Jhong at ang nobya niya.

Minamasdan ko sila ng palihim habang nakasilip sa butas at nakikitang unti-unti silang nakukuryenteng dalawa. Para silang mga taong may epelepsi na tila sumasayaw sa papag. Ang saya nilang tignan. Habang tinitignan ko sila ay mas naramdaman ko pang mas gusto kong patayin na silang lahat agad-agad. Masiyado tuloy akong na-e-excite.

Nang masigurado kong patay na sila ay maingat kong hinablot pabalik ang kable ng kuryente at kinabit ito uli gamit ang electric tape. Buti nalang talaga at may soot akong gloves na hindi raw nakaka-kuryente, salamat sa nagpagkuhanan ko rito. Agad kong tinungo ang loob ng banyo at inabot ang katawan nila gamit at isang kalawit para umiwas sa tubig dahil baka may after-shock pa sa kuryente, mabuti na yung maingat. Nang makuha ko na ang katawan nila at agad ko itong kinaladkad patungo sa sekretong taguan ko. Tangina, ang bigat nilang dalawa!

Nang matapos kong itago ang mga katawan nila ay bumalik ako kaagad sa iba kong mga kasama at buti nalang ni wala manlang isang nagising sa kanila.

Pagkaupo na pagkaupo ko ay biglang nagvibrate ang cellphone ko at binasa ko kaagad ang text.

"Okay na, patay na siya." ang laman ng text na aking natanggap. At sumilay na naman ang isang ngisi sa aking labi.

Kaysarap basahin at malamang patay na rin ang isa pa sa mga tinuturing kong kaibigan. Mabait naman siya pero isa pa rin siya sa mga dapat mamatay. Hindi narin naman nila aakalain na patay na si Albert.

Maganda itong mga nangyayari. Umaayon ang lahat sa mga plano ko. At lumabas ulit ang mga ngiti sa mukha ko. Ngiti ng paghihiganti at saya.

Tinignan ko sila isa-isa at inisip kung sino ang isusunod ko. Sigurado akong magiging masayang gabi ito.

Gabi na hindi nila malilimutan.

❌❌❌

Hello eunuu_! Salamat sa follow at chika natin sa twitter. Patuloy mo lang yung mga stories mo, support kita. 😁

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon