THE FACELESS
••Chapter 21: Trap••❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Bago paman tuluyang makalabas ang lalaki ay agad bumungad sa kanyang harapan ang isa pang kasamahan.
"Magpapakita na ba ako?" tanong ng kakarating na kasamahan.
"Hindi pa sa ngayon. Hintayin mo ang hudyat ko." malumanay na sagot ng salarin.
"Whatever you say. You know I'll do everything what you command." agarang sagot ng kasamahan.
Agad rumihestro ang ngiti sa mukha ng salarin. At tuluyan ng umalis ang lalaki at ang kasamahan nito.
Naiwan si Jp sa basement na mag-isa at hinihintay nalang na may sumaklolo sa kanya. Hindi na siya nag-atubiling kalagan ang sarili dahil alam niyang wala siyag magagawa dahil sa higpit ng pagkakatali niya.
"Ate, hihintayin kita." mahinang sambit ng binata.
❌❌❌
KIRA'S POV
Nasa bungad na kami ng pinto ng kubo. Handa na akong lusubin ang kung sino mang may gawa sa amin nito.
"I'll find you and I'm going kill you," mga katagang pilit tumatatak sa aking isip.
Bago paman namin tuluyang buksan ang pinto ay siniguro ko muna na handa na ang aking mga kasama. Kargo ko silang lahat. Kung hindi dahil sa'kin ay wala sila dito. Kung hindi dahil sa'kin ay hindi nasa panganib ang mga buhay nila.
"Guys, are you ready?" iniisa-isa ko silang tignan at agad naman silang tumango bilang tugon.
"Kung makakapasok man tayo, hindi naman siguro ganun lang kadali na makaharap natin ang salarin. Sigurado akong handa siya," suhestiyon ni Pong.
"There might be a trap." dagdag na sambit ni Jegs.
"Mag-ingat tayo. At 'wag na 'wag tayong lalayo sa isa't-isa." dagdag na paalala ni Cyrie.
Matapos ang diskusyon naming anim ay dahan-dahang tinulak ni Jegs ang pinto ng kubo. Nagdulot pa ito ng bahagyang tunog na namayani dahil sa katahimikan.
Pinangunahan ni Jegs ang pagpasok sa kubo habang mahigpit na hawak ang tubong nakuha nila Pong at Joven kanina sa resort. Pinagmasdan niya ang kabuoan ng kubo at hinanap ang nag-iisang pinto na nakita nila kanina.
Nang masiguro ni Jegs na walang kung ano mang kadudaduda sa loob ng kubo ay agad niya kaming seninyasan na maaari na kaming sumunod sa kanya. Agad namang nakuha ng iba ang ibig pahiwatig ni Jegs at agad na pumanhik sa kubo.
Nang makapasok kami ay agad hinanap ni Lexai ang katawan ni Biggy na nakahandusay kanina sa lapag ng kubo. Ngunit taliwas sa nakita nila kanina ay wala na dito ang katawan ng Biggy at ni walang bakas ng dugo.
"Asan si Biggy? Andito lang kanina ang katawan niya." nalilitong tanong ni Lexai.
Hindi na sumagot pa ang ibang mga kasama namin dahil pilit nilang itinuon ang mga sarili sa pagmamasid sa loob ng kubo.
"Walang ibang mapupuntahan dito maliban sa pintong 'yan." suhestiyon ni Jegs habang tinuturo ang nag-iisang kwarto.
"May hagdan pababa diyan. Hindi namin natuloy ang pagpunta diyan kanina dahil sa narinig naming malakas na kalabog at saka namin nakita ang bangkay ni Biggy." dagdag pa ni Jegs.
"Baka patungo ng basement 'yan o lagusan kung saan man." sagot ni Joven.
Dahan-dahan ang paglakad naming anim para puntahan ang nasabing pinto. At tulad ng iniisip ko ay agad nabuksan ang pinto. Nakakasiguro akong gusto ng salarin na pasunurin kami sa balak nito.
Hindi na kami nag-alinlangan pa at agad na hinakbang pababa ang mga hagdan patungo sa lugar ni hindi pa namin alam. Gamit ang nga ilaw na nanggagaling sa mga cellphone namin ay naigiya kami nito pababa.
Medyo mahaba-haba ang hagdan. Tanya ko ay may sa dalawamput mahigit ang baitang nito. Nang matanaw ko na ang huling baitang ay agad akong nakiramdaman sa paligid. Sinisiguro ulit na walang panganib.
Otomatikong pumunta ako sa may harapan. Dala ng galit at poot ay gigil na gigil akong pumasok. Hindi na ako nagawang pigilan ng mga kasama ko ng tuluyan ko na silang lampasan.
Pagkapasok ko ay agad kong inikot ang mga mata ko. Hindi ganoon kalaki ang lugar at sa pagkikilatis ko ay sigurado akong basement ito. May mga iilang kagamitang luma at maalikabok ang paligid. Pero ang higit nakatawag pansin sa akin ay ang isang taong nakatalikod sa direksyon ko at nakagapos ang mga kamay't paa sa upuan nito. At sigurado akong kung sino ito, ang kapatid ko.
"Jp!" malakas na tawag ko sa kanya.
Agad namang napalingon sa direksyon ng kinatatayuan ko si Jp at ngumiti ito bahagya.
"Guys, he's here." agad na pagpapa-alam ko sa mga kasama ko.
Agad kong tinungo si Jp at pilit na kinakalagan ito sa pagkakatali. Tinulungan naman ako ng iba pang mga kasama ko para mabilis ang pagkakalag namin sa kanya.
Nang makalagan namin si Jp ay agad ko siyang hinagkan. At kusang umagos ang mga luha ko.
"I'm sorry...I'm sorry," paulit-ulit na sambit ko. Hinagkan din ako ni Jp ang at hinimas ang likod ko.
"Okay lang ako, Ate." pagpapatahan niya sa akin.
"Guys, kailangan na nating umalis." mautal-utal na saad ni Lexai.
"May mali eh!" biglang singit ni Pong. Agad naman akong nagtaka sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mali ang tinutukoy niya.
"Ano?" kunot-noong tanong ni Joven.
"Ganun-ganun nalang? Nakapunta tayo dito ng walang nangyayari sa atin. Maililigtas natin si Jp ng ganun kadali?" paliwanag ni Pong.
"Kung balak tayong patayin ng salarin. Hindi siya papayag na ganun-ganun lang tayo makakatakas. May mali talaga eh!" dagdag pa ni Pong.
Ngayon alam na namin kung anong ibig sabihin ni Pong. Sigurado akong may ibang plano pa ang salarin kung bakit ganun-ganun lang namin nailigtas si Jp. Kung nakita man namin si Jp ay hindi pa ito ang hudyat na tapos na ang lahat.
Habang namayani ang katahimikan ay biglang may kung anong kakaibang naaamoy kami. Usok. Sunog.
"Bwesit! Nasusunog ang kubo." galit na bulalas ni Jegs.
Otomatikong napatakbo kaming lahat patungo sa hagdan at dali-daling inakyat ito. Mabilis ang pag-akyat namin. Alam naming sinadya talagang sunugin ang itaas na bahagi ng kubo. Ito pala ang plano ng salarin, ang patayin kaming lahat sa sunog.
Nang marating ni Jegs ang pintuan sa dulo ng hagdan ay hindi na niya mabuksan ito. Naka-lock na at kahit anong kalampag niya ay hindi mabuksan. Pinagpapalo ni Jegs ang pinto gamit ang tubo at pilit binabanda ang sariling katawan para mabuksan lang ang pinto pero bigo pa rin siya.
Kahit maliit lang ang espasyo ng hagdan ay tumulong na rin si Cyrie at Joven sa pagkalampag ng pinto pero hindi pa rin mabuksan. May kung anong nakalagay sa likurang bahagi ng pinto na nagdudulot ng dahilan kung bakit hindi ito mabuksan.
"Ano 'yun?" Bigla kong saad ng may malanghap na naman akong kung anong masakit sa ulo.
"Tear gas!" malakas na bulalas ni Pong.
Bago paman kami makapagsalita ay agad kaming napaubo lahat. Nagsimula ng sumakit ang ulo ko at bumigat nalang bigla ang pakiramdam ko. Isa-isa na silang bumagsak at nawala sa ulirat at tuluyang naipikit ang mga mata. Bago ko paman naipikit ang mga mata ko ay nakapagsambit pa ako ng mga salita, "katapusan na ba namin?"
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...