III: LAST BREATH

335 96 212
                                    

THE FACELESS
••Chapter 3: Last Breath••

"No one is sent by accident to anyone."
--A Curse In Miracles

❌❌❌

THIRD PERSON'S POV

Ang mga iba pang mga kaibigan na susunod ay dumating na rin. Kumpleto na ang magbabarkada at ready na silang simulan ang kasiyahan.

Matapos nilang ihanda ang mga pagkain ay agad nilang nilantakan ito. Nang makapaghinga sila ay isa-isa na silang naligo sa swimming pool.

"Ang tahimik ng lugar at ang ganda ng view, maganda sanang magpa-picture." suhestyon ni Dadap habang nakakababad sa swimming pool.

"Oo nga," segunda ni Lorna na nakaupo sa may gilid ng pool habang nakatampisaw ang dalawang paa sa tubig.

"Tawagin natin si Joven para makapagpa-picture tayo. May dala yung DSLR camera eh." sabi naman ni Kira na nakaupo sa may hagdan ng pool at nakalubog ang kalahating katawan sa tubig.

Agad na tinawag ng mga babae ang kaibigan na si Joven. Sa mga sandaling iyon ay halatang-halata sa mga mukha ng magbabarkada ang saya habang kumukuha ng mga pictures. Ni walang nakaisip sa kanila na may mangyayaring masama. Sa bandang cottage ay andoon naman nakapwesto ang iba.

"Bbbr. Bbrr. Griig grigg. Beep." biglang nagtaka si Albert ng marinig na tila umaandar ang motor niya na naka-park sa bandang taas ng resort.

"Parang umaandar 'ata motor ko ah," saad ni Albert na may halong pagtataka.

"Oo nga pre, baka may gumalaw?" sagot ni Pong na napansin din pala ang pagtunog ng motor ni Albert.

"Wala namang ibang tao dito ah, maliban sa atin at sa mga guard. Teka pre, i-che-check ko muna." takang-taka na paliwanag ni Albert.

At dahil doon ay agad na umakyat si Albert sa taas ng resort para i-check ang motor niya. Nadatnan nga ni Albert na umaandar talaga ang makina ng motor niya at nakabukas pa ang headlight nito.

"Sa pagkakatanda ko, pinatay ko naman ito ah." sabi ni Albert habang nagkakamot ng ulo. Chineck ni Albert ang motor at nakitang flat ito.

"Tangina naman oh! Bakit flat 'to?" galit na bulalas niya.

Agad namang tinext ni Albert ang kaibigang si Pong para sabihing hahanap daw muna siya ng vulcanizing shop sa labas ng resort at ipapaayos yung motor niya.

❌❌❌

Sa baba ng resort ay patuloy pa rin ang pagsasaya ng lahat. Sinabi ni Pong sa iba na umalis muna si Albert para ipaayos ang motor niya.

Lahat sila ay patuloy sa pagsasaya at paglalasing. Nilunod sa alak ang mga sarili sa ilalim ng masarap na gabi. Hindi na napansin ng iba na hindi pa nakakabalik si Albert at tila wala naman talagang pakialam kung nakabalik na ba ito o hindi.

Hindi na nila namalayan na malalim na ang gabi at lasing na pala sila. May kanya-kanya na silang kausap at pinagkakaabalahan.

"Guys, doon muna ako sa cottage. Baka kasi hindi ko mapigilang lumusong diyan sa tubig. Para yatang nilalagnat ako eh," paalam ni Bjay sa mga kaibigan niya. Tinanguan naman siya ng mga kaibigan niya.

Mag-isang bumalik si Bjay sa cottage at nahiga sa duyan na dala ni Lorna. Nang biglang sumunod si Joven para iabot sa kanya ang isang basong alak.

"Pre shot ka muna. Pampawala lagnat," saad ni Joven sabay abot ng alak kay Bjay.

"Cge bah! Matutulog muna ako pagkatapos niyan pre." sagot ni Bjay.

Ngumisi lang si Joven pagkainom ni Bjay sa alak at kinuha muli ang baso at bumalik na sa may swimming pool kung saan nagtatagayan ang ibang mga kaibigan. Habang sa cottage ay tuluyan nang nakatulog si Bjay habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta.

Patuloy ang lahat sa pagsasaya. Tumatawa na para bang wala ng bukas. Pero napansin ni Pong na hindi pa nakakabalik si Albert. Kaya itinext niya ito para makibalita.

"Pre, sa'n kana?" tinype ni Pong at agad na sinend kay Albert.

"Dito pa sa talyer. Wala pa kasing mekaniko, hinihintay ko pa. Baka matagalan pa akong bumalik dyan." reply naman ni Albert.

"Si Albert 'yun?" tanong ni Jegs kay Pong ng mapansing busy ito sa kanyang cellphone.

"Oo, andu'n sa talyer. Na-flat daw kasi 'yung motor niya. Matatagalan pa raw siya," sagot ni Pong sa kaibigan.

"Babalik din 'yon," sabi ni Jegs sabay tapik sa balikat ni Pong.

❌❌❌

Sa isang bandang bahagi ng resort naman ay busy sa pagkukuha ng picture sila Emi at Sej, nang biglang may napansin sila.

"Parang may tao 'ata sa taas. Pansin mo?" pagtatanong ni Sej sa kasama.

"Baka yung guard lang nag-roronda, diba?" suhestyon ni Emi.

"Kunsabagay. Balik na nga lang tayo du'n sa kanila." Hinatak nalang ni Sej si Emi pabalik sa ibang mga kasama.

Habang pabalik sila Emi at Sej sa mga kasama ay umandar na naman sa pagpapatawa ang isa nilang kaibigan. Ang clown ng magbabarkada, si Jhong.

"Guys, dapat tayong mag-enjoy. Yah know! Life is too short. Kaya let's blow this night. Let's get wasted. Party! Party!" saad ni Jhong habang winawasiwas ang isang bote ng alak sa ere at bigla siyang itinulak ni Jegs sa pool.

Lahat sila ay nag tawanan ng malakas. Para sa kanila wala lang 'yun. Sanay na sila sa mga ganun. Yun mga biruan na humahantong lamang sa katatawanan. Ilang oras din pabalik-balik ang mga pangyayari. Inuman, maligo sa pool at tawanan na parang mga baliw.

Sa mga oras na 'yun ay may naramdaman si Kira na 'di maipaliwanag. Tila ba may kung anong bumabagabag sa kanya at bigla na lamang itong kinabahan.

Bigla itong nanlamig at tinignan ang buong paligid dahil pakiramdam niya may nakamasid sa kanila.

"Okay ka lang?" tanong ng boyfriend ni Kira sa kanya.

"Ha?" ang tanging naisagot ni Kira kay Cyrie dahil sa pagkabigla.

"Sabi ko, okay ka lang ba?" pagtatanong ulit ni Cyrie kay Kira.

"Okay lang ako," pagmaang-maangan ng dalaga. Pero sa kaloob-looban ni Kira ay di ito komportabli. Sa mga oras na iyon ay hindi niya masasabing okay siya dahil sa pag-aalalang baka may 'di magandang mangyayari.

Mag-aalas onse na ng gabi nang halos silang lahat ay lasing na. Kanya-kanya na sila'ng naghanap ng mapaghihingahan.

"Gusto ko ng magpahinga," saad ni Kira sa boyfriend niya.

"Sige, magpapahinga na tayo." agad namang sinang-ayunan ito ng boyfriend ng dalaga.

Nadatnan nilang tulog na tulog si Bjay sa duyan na dala ni Lorna. Isa-isa na ring nagpahinga ang mga magkakaibigan.

Ipinikit na rin ni Kira ang kanyang mga mata at kinumbinsi ang sariling maging panatag. Ilang minuto ang nakalipas ay tuluyan na niyang nilisan ang ulirat at nakatulog na.

❌❌❌

Hi Lunajiminies dedic sa'yo ang chap na ito. Salamat sa mga chika natin at palitan ng advices. Sana maabot mo mga plans mo sa buhay girlganda. 😘

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon