THE FACELESS
••Chapter 11: Goodbye Buddy••❌❌❌
KIRA'S POV
Patuloy pa rin kami sa paghahanap sa mga kasamahan naming nawawala pero ni isa sa kanila ay wala pa kaming nakikita. Kanina pa kami palakad-lakad sa daan at 'di alam kung saan patungo.
Bigla nalang umihip ang hangin at nagdulot ito ng ginaw dahil sa dala nitong lamig. Nang tignan ko ang relo ko ay halos isang oras na pala kaming naglalakad. Bigla nalang akong kinabahan at napatingin sa paligid. Bakit ganito. May kung anong mali.
"Guys, I think we should go back." suhestyon ko sa mga kasama ko.
"Hindi pa natin sila nakikita," katwiran ni Pong.
"Hindi na maganda 'tong nararamdaman ko. And to tell you frankly, this place really creeps me out. Kanina pa ako hindi mapakali eh!" pagdadahilan ko sa kanila.
"Bumalik na kaya tayo? Kanina pa ako kamot nang kamot dito, napuno na ako ng kagat ng lamok!" reklamo naman ni Lorna.
"Tawagan mo sila Jegs, Joven." agad na utos ni Cyrie kay Joven.
Tumango si Joven bilang pag sang-ayon kay Cyrie at denial ang numero ni Jegs. Nang hindi ma-contact ni Joven ang numero ni Jegs ay agad niyang denial ang ibang number ng kaibigan. Ganun din ang mga numero ng ibang kaibigan na kasama ni Jegs, hindi rin ito ma-contact. Mas lalong lumakas ang kutob ko na may mali talaga.
"Walang ma-contact sa kanila, kahit isa manlang. Patay lahat ang cp nila," paliwanag ni Joven matapos subukang tawagan ang mga ibang kasamahan namin.
"Ano ba naman 'yan. Nawawala na nga yung iba, pati ba naman sila hindi na rin ma-contact." saad ni Pong na tila ba inis na rin.
Napagpasyahan namin na bumalik nalang sa resort at baka andoon na din ang mga kasamahan namin. Iba na kasi din yung kutob ko. Hindi na maganda ang mga nangyayari.
Mabilis naming nilakad pabalik ang daang tinahak namin kanina. Nang biglang may bumulaga sa aming harapan.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" halos sabay na sigaw naming lahat dahil sa gulat.
Na sa harapan namin ngayon ang bangkay ni Jhong at ang nobya niya. Nakatali ang kanilang mga paa at binitin ito sa puno.
Nakaharap silang dalawa sa aming at sentrong nakatutok ang kanilang dilat na mga mata sa aming lima. Gulat at takot ang agad naming naramdaman.
Hindi maari ito. Patay na ang kaibigan naming si Jhong at ang nobya niya. Sinong may gawa nito? Ito ang mga katagang tumatakbo sa aking isipan.
"Pare! Sinong may gawa nito sa'yo?" iyak na tanong ni Cyrie.
Alam kong masakit para kay Cyrie na masaksihang patay na ang kaibigan namin. Isa si Jhong sa mga matalik niyang kaibigan kaya sa aming lima siya ang mas nalugmok at nasaktan.
Hindi kami mapakali ni Lorna at napayakap nalang kami sa isa't-isa. Panay ang pag-agos ng aming mga luha sabay sa pag-agos ng dugo sa dalawang bangkay.
Hindi namin alam kung anong gagawin. Sa mga oras na iyon ay tulala at paghihinagpis lang ang nagawa namin. Wala na kaming magawa para maibalik pa ang ngayong malamig na bangkay ng aming mga kasama.
Hahanap na sana ang mga kasamahan naming lalaki ng paraan para maibaba ang mga bangkay nila Jhong. Pero masyadong mataas ang puno kung saan sila nakabitin. Nang biglang may nadinig kaming kaluskos sa bandang likuran namin. At dahil sa takot, ay tarantang tumakbo si Lorna.
"Loooooooooooornnnnnnnnaaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ni Joven para pigilan ang siya.
Wala na kaming magawa para pigilan si Lorna. At dahil doon ay otomatikong sinundan namin ang aming kaibigan at iniwan na lamang ang nakalambitin na mga mga bangkay nila Jhong at nobya niya.
Hindi na maganda ang mga nangyayari. Dapat naming iligtas ang aming mga sarili. Takbo kami ng takbo at natatanaw pa namin si Lorna.
Biglang nahinto si Cyrie at hinawakan ang mga kamay ko.
"Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan." mahina niyang sambit.
Iyak at tango lang ang nasagot ko. Wala na akong masambit na mga salita dahil sa takot at kaba. At patuloy kami sa pagtakbo at hindi na namin ngayon matanaw si Lorna.
"Asan na siya?" aligagang tanong ni Pong.
Napatigil kaming apat sa pagtakbo at hingal na hingal. Hindi na namin makita si Lorna, nang biglang...
"WAG! TULONG! TULONG!" si Lorna 'yon. Sumisigaw at humihingi ng tulong.
Nagkatinginan kaming apat at alam naming si Lorna yung sumisigaw. Dapat naming iligtas si Lorna. Dapat naming iligtas ang isa't-isa.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...