XXVI: LET IT BE

143 54 0
                                    

THE FACELESS
••Chapter 26: Let It Be••

"I was quite, but I was not blind."
--Jane Austen

❌❌❌

JOVEN'S POV

Hindi na maganda ang mga nangyayari. Madami ng namatay sa mga kaibigan ko at hindi ako papayag na mabawasan na naman ulit kami.

Kitang-kita ko sa dalawa kong mga mata ang pagtapos ng salarin sa mga kaibigan kong si Pong at Cyrie at wala akong nagawa doon. Wala akong nagawa dahil nakatuon ang isip ko sa pagkalag sa pagkakagapos ko.

Oo, kanina ko pa sinusubukang kalagan ang sarili ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng salarin o naging tanga lang siya kanina at hindi niya namalayan ang nakatagong kutsilyo sa likod ko.

Habang abala sa pakikipagtalo ang salarin sa mga kaibigan ko kanina ay siya namang pagkilos ko. Kahit nahihirapan man ako at iniinda ang sakit sa kamay ko dahil hindi ko lubos mahawakan ng maayos ang kutsilyo ay tiniis ko. Tiniis ko para makawala ako. Hindi ako nagpahalata sa binabalak ko. Unti-unti kong pinuputol ang taling nakagapos sa akin. Hindi ko magawa ng mabilis dahil nahihirapan ako. Pero pinipilit kong bilisan sa abot ng makakaya ko. Dapat akong makawala dito para iligtas ang sarili ko. Hindi lang ang sarili ko, pati na si Jegs at sila Kira. Dapat kong mailigtas ang mga kaibigan ko.

Natagalan man ako sa pagkalag sa sarili ko ay tuluyan ko namang nagawa. Hindi muna ako nagpahalata at patuloy ko paring tinago ang mga kamay ko sa likod ng inuupuan ko. Ang kamay kong ngayoy mahigpit na nakahawak sa kutsilyo. Hahanap ako tyempo para makabwelo.

"Sino ba sa inyo ang isusunod ko?" mapanuksong tanong ng salarin habang palipat-lipat ng tingin sa'min ni Jegs.

"Putangina mong hayop ka!" malutong na pagkakasigaw ni Jegs.

"Aba! Aba! Matapang ka bata." Agad namang tugon ng salarin at akma na sanang lalapitan si Jegs.

"AKO!" agad akong nagsalita para makuha ko ang atensyon ng salarin. Dapat ko ng maisagawa ang plano ko. Ito na ang tamang panahon.

"Aba! Ang tatapang niyo ha? Ikaw bata, gusto mo ng mamatay? Sige pagbibigyan kita. Haha," sarkastikong tugon ng salarin habang nakatitig sakin.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. Huminga ako ng malalim at inipon ang lakas ko. Dapat magawa ko ito ng tama kung hindi mamamatay ako.

Dahan-dahang humakbang ang salarin patungo sa'kin na may napakalapad na ngiti habang hawak-hawak ang kutsilyong ginamit niya kanina kina Pong at Cyrie. Tuluyan na kaming nagkaharap at pinanlisikan pa niya ako.

"Papatayin mo na ako kaagad? Wala ka pala eh! Bakit di mo muna ako bugbugin?" walang pagdadalawang isip kong hamon sa kanya.

"Gusto mo talagang magdusa ha?" nanggagalaiti niyang sagot.

Agad ko siyang nginisihan para mas lalo pa siyang magalit at hamunin. At tuluyan ko na siyang napasunod sa gusto ko. Pinaulanan niya ako ng suntok. Sa bawat suntok niya ay tiniis ko para makabwelo ako. Nang makita kong hinihingal na siya ay siya namang hudyat ko para isagawa ang plano.

Agad kong tinabig ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo at naging dahilan para tumalsik ito malayo sa amin. Buong pwersa kong sinaksak ang kanang mata niya at marahas na tinulak. Agad siyang napaatras at bumulagta sa sahig. Otomatiko kong pinutol ang tali sa paa ko at nagtagumpay akong kalagan ito.

Nakita ko ang salarin na namimilipit sa sakit habang hawak-hawak ang kanan niyang mata na puno ng dugo. Agad ko siyang nilapitan at walang habas na pinagsasasaksak ang katawan niya. Hindi ko gustong pumatay pero wala akong magagawa. Agad namang nangisay ang katawan ng salarin at dali-dali kong kinalagan si Jegs.

Matapos kong kalagan si Jegs ay bahagya siyang napaatras sa akin na may halong pagdududa.

"Paano ka nakawala? Saan galing 'yang kutsilyo?" tanong niya sakin. Bakas sa mukha niya na pinagdududahan niya ako.

"Hindi ito ang panahon para pagduduhan mo ako Jegs. Sana pagtiwalaan mo ako." agad kong tugon sa kanya.

Agad namang tumango si Jegs. Alam kong hindi ko pa lubos nakuha ang tiwala niya. Hindi ko siya masisisi dahil ang pagkakaalam namin ay isa sa amin ang tunay na may pakana nito. At alam ko kung sino.

Dali-dali naming binuksan ang pinto ng kwartong kinaroroonan namin at tumambad samin ang tahimik na pasilyo. Hindi ko alam kung asan kami at kung anong lugar ito. Ang nasisigurado ko lang ay hindi kami ligtas dito. Kailangan na naming mahanap sila Kira.

Nag-aalangan man at hindi sigurado sa gagawin namin ay agad kong tinungo at kaliwang bahagi ng pasilyo. Bahala na. Mahahanap at mahahanap ko ang iba ko pang kasama. At mahahanap ko rin siya. Mabilis ang mga hakbang namin ni Jegs. Bago paman namin tuluyang matunton ang dulo ng pasilyo ay bumungad samin ang isang tao.

At tama ako. Siya nga. Agad rumihestro sa mukha niya ang isang demonyong ngisi habang hawak ang isang baril. Unti-unti siyang lumapit sa amin at mas lalong naaaninag namin ang mukha niya. Ang mukha ng tunay na salarin.

"Ikaw!?" nagulangtang na tanong ni Jegs. Alam kong hindi siya makapaniwala pero ako alam kong siya ang may gawa nitong lahat.

"Oo, ako nga Jegs." agad na tugon ni Jp.

Bakas sa mukha ni Jegs ang labis na galit. At kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakuyom niya ng kanyang mga kamao. Imbes ilabas ang lahat ng galit ko ay minabuti kong huminahon muna.

"Alam kong ikaw ang may pakana nitong lahat," kampati kong saad.

"Talaga? Paano mo naman nalaman, aber?" mapanuksong sagot ni Jp sa akin.

"Nakita kita kanina. Bago mo iabot sakin ang huling alak na ininom ni Bjay ay may nilagay ka. Nung una ay akala ko lang droga or ano para pagtripan si Bjay. Pero nung nadatnan namin si Bjay sa resort na patay na ay agad kong naalala yung ginawa mo. Mas lalo pang tumibay ang hinila ko ng sabihin ni Pong na mahigit 7hours ng patay si Bjay. At sa mga oras na yun, ako lang ang huling lumapit kay Bjay para iabot ang alak. At walang dugong lumabas sa katawan ni Bjay at ni walang sugat siyang natamo. Kaya alam kong hindi pisikal ang pagkakamatay niya, kundi lason." tahasa kong pagpapaliwanag.

"Magaling! Naging sobrang kampante ako kanina, nakita mo tuloy ako. Pero tanga ka pa rin dahil wala kang ginawa. Nauto pa rin kita gago! At malay ko bang ganun mag-isip si Pong. Akalain mo, isa pala siyang henyo sa mga ganitong sitwasyon. Pero bobo at tanga pa rin siya dahil hindi niya natakasan ang kamatayan niya. Haha." namayani ang malakas na halakhak ni Jp sa buong pasilyo.

Hindi makapagsalita ni Jegs sa lahat ng natuklasan niya. Alam kong hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya. Gustuhin man naming tumakbo ay hindi namin magawa. Napako kami sa kinatatayuan namin dahil ano mang maling galaw namin ay maaari kaming barilin ni Jp.

Ilang dipa nalang ang layo ni Jp sa amin ni Jegs at nakatutok pa rin sa amin ang baril na hawak-hawak niya. Kailangan kong mag-isip ulit ng paraan. Dalawa kami laban sa isa. Pero dehado pa rin kami dahil may baril siya. Bahala na.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon