XXIV: TO BE KILLED

124 51 0
                                    

THE FACELESS
••Chapter 24: To Be Killed••

❌❌❌

KIRA'S POV

Hindi ko na maintindihan ang nararamdamam ko, naghalo-halo na lahat. Takot, kaba, galit, poot, pagkasuklam, hinagpis, panglulumo, awa at pagod. Iniisa-isa na nila kami. Masakit sa akin na nasasaksihan ko ang pagdanak ng dugo at pagkitil ng buhay sa isa ko pang kaibigan, at wala manlang akong magawa para tulungan siya.

Lahat ng nangyayari sa loob ng kwartong kinaroroonan nila Jegs ay nakikita namin. Nasaksihan ng mga mata namin ang kaawa-awang sinapit ni Pong.

"No, no. Please, no." mahinang sumamo ni Lexai ng unti-unti ng nawawalan ng lakas si Pong.

"Pong! 'Wag kang bibitiw," sigaw ng kapatid kong si Jp. Halos mamaos na ang boses ng kapatid ko kahit alam naman niyang hinding-hindi maririnig ni Pong ang mga sinasabi niya.

Kusang tumikom ang bibig ko. Walang mga salita na lumalabas at tuluyan ng rumagasa ang mga luha kong kanina pa pilit kumawala. Bakit? Bakit nangyayari ito? Ano'ng ginawa namin sa kanila para gawin nila ito.

Nanlaki ang mga mata namin ng tuluyan ng nalagutan ng hininga si Pong. Sa isa pang beses, nabawasan na naman kami.

"Pong..." paulit-ulit na mga sambit ni Lexai habang humahagulgol.

"Ate, anong gagawin natin?" mahinang tanong ni Jp. Bakas sa boses niya ang hinagpis at awa sa sinapit ng isa naming kaibigan.

"I don't know, Jp. I really don't know," walang lakas kong tugon sa kanya.

Hindi ko na talaga alam kong anong gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano kami makakawala sa pagkakagapos at makatakas dito. Hindi ko alam kung paano ko matutulungan ang iba ko pang mga kasama.

Biglang namayani ang katahimikan at ramdam na ramdam ko ang bigat ng paghinga naming tatlo. At hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tuluyan na akong nagwala.

"Why are you doing this to us? Ano bang kasalanan namin sayo at nakuha mong gawin ito sa'min. How could you betrayed us?" Malakas kong bulalas habang nakakuyom ang mga kamao ko.

"I know you're watching us. Ano? Masaya ka na? Masaya ka bang nakikita kaming nasasaktan. Wala kayong awa! Mga hayop kayo! Mga demonyo kayo!" patuloy kong pagwawala sa labis na galit ko.

"Ate, tama na!" Pilit akong pinapahinahon ng kapatid ko pero hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko.

"You're doing this for what? Just for your own bullshit reasons? Damn you, Dadap! Lumabas ka diyan at harapin mo kami. Sabihin mo sa'min ang lahat. Duwag ka pala eh! Magtatago ka lang at sa iba mo ipapautos ang pagpatay sa amin? Mahina ka pala, hindi mo pala kami kayang patayin ng harap-harapan." marahas kong nilabas ang sama ng loob ko.

"Ate, sabing tama na!" malakas na pagkakasigaw ni Jp.

Natigil ako sa pagsasalita nang dahil sa sigaw ng kapatid ko.

"Wala na tayong magagawa! Tumigil ka na! Walang magagawa 'yang pagwawala mo. Walang magagawa 'yan para magbago ang isip ni Dadap para patayin tayo." galit na suhestyon ni Jp.

"And then what? Hahayaan nalang natin silang patayin tayo isa-isa?" agad kong tugon sa kanya.

"Ate, hindi sa lahat ng panahon ay 'yang gusto mo ang masusunod. Lahat ng tao may araw din, araw ng paghihiganti. Hindi mo masisisi kung nagawa man niya sa atin ito. Hindi mo alam kung anong rason niya at pinaghuhugutan niya ng galit. Hindi mo alam ang kayang gawin ng taong nasaktan." makahulugan sagot sa'kin ni Jp.

Nag-iwan ng malaking tanong sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Jp. Bakit parang may pinapahiwatig siya? Bakit parang ako ang pinapatamaan niya?

"Ba't parang kinakampihan mo pa siya ngayon?" naguguluhan kong tanong sa kapatid ko.

Imbes na sumagot ay bumuntong hininga nalang si Jp.

"Guys, si Cyrie." aligagang sambit ni Lexai.

Sa sobrang pagwawala ko at pakikipagtalo sa kapatid ko ay naiwala ko na pala ang atensyon ko sa monitor. Hindi ko na pala nakita anong nangyayari sa mga iba ko pang kaibigan.

Titig na titig ako ngayon sa monitor habang nakikitang nakikipagtalo ang nobyo ko sa kasamahan ni Dadap. Hindi namin makita kung sino ito dahil nakatalikod ito sa amin.

"Wag! Wag!" pagmamakaawa ko.

Hindi ko na makita pa ang mukha ng nobyo ko dahil nakaharang na ang katawan ng salarin sa kanya. Kinakabahan na ako. At nagulat ako ng biglang inundayan niya ng suntok ang ang nobyo ko.

Isang suntok, dalawang suntok at sunod-sunod pang suntok ang pinamalas ng salarin sa nobyo ko. Nakikita ko rin ang labis na galit nila Jegs at Joven sa pinaggagagawa ng salarin sa nobyo ko.

Biglang tumigil ang salarin sa pagsuntok sa nobyo ko at lumapit sa walang buhay na katawan ni Pong. Agad nitong hinugot ng marahas ang kutsilyong nakatarak sa tagiliran ni Pong at nagdulot pa ito ng pagbulwak ng dugo sa katawan ni Pong.

Nang makuha ng salarin ang kutsilyo ay dahan-dahan itong humakbang pabalik sa nobyo ko. Binalot ang buo kong katawan ng takot ng humarap ulit ang salarin sa nobyo ko. Hindi maaari ito...

"Parang awa mo na. Wag!" malakas kong sigaw habang titig na titig ako sa monitor at nakaabang sa maaaring magyari.

At nanghina ako sa nasaksihan ko. Pinagsasasak ng salarin ang nobyo ko. At hindi pa ito nakuntento at tinadyakan pa niya ang upuan ng nobyo ko na naging dahilan para matumba siya.

Tuluyan ng hindi ko makita ang mukha at katawan ng nobyo ko. Tanging mga paa nalang niya ang nakikita ko. Pero isa lang ang alam ko, wala na rin ito. Hindi ko mawari ang sakit na nararamdaman ko. Labis akong nasasaktan.

"Please...tigilan muna 'to." hinang-hina kong sambit sa gitna ng mga luha ko.

Agad namang bumukas ang pinto. Andito siya ulit, ang taong nagpapahirap sa amin. Si Dadap.

"So, how was it guys? Did you enjoy the show?" sarkastikong saad ni Dadap habang unti-unting lumalapit sa amin.

"Hayop ka Dadap! Wala kang awa. Ba't mo nagawang ipapatay sila?" galit na galit na bulalas ni Lexai.

Hindi sumagot si Dadap at tumayo ito sa harapan ko.

"How does it feel, Kira? How does it feel losing someone you love?" walang emosyong sabi ni Dadap sa akin.

"Bat ayaw mong sumagot? Napipi ka na? Ang lakas pa ng loob mong magwala kanina tapos ngayon tatahimik ka!" kung kanina ay walang ka emosyon ang mga tanong niya. Ngayon ay puno na ng galit ang bawat pagbitaw niya ng mga salita.

"You said I was weak? Now watch this bitch." makahulugang sambit ni Dadap.

Agad itinutok ni Dadap ang baril sa ulo ni Lexai at sa walang pagdadalawang isip ay kinalabit ang gatilyo nito. Umalingawngaw ang putok ng baril at napapikit pa ako dahil dito.

Nang imulat ko ang mata ko ay agad kong tinignan si Lexai at wala na rin siyang buhay. Tila namanhid ang buo kong katawan habang nakikita ang walang buhay na katawan ni Lexai. Patawad Lexai, wala akong nagawa.

"You better watch your mouth, bitch. Don't you dare me. Kayang-kaya kitang patayin ngayon," maotoridad na pagkakasabi ni Dadap.

Wala akong magawa. Napayuko nalang ako at nag-iiyak. Hindi ko pa matanggap ang sunod-sunod na pagkawala ng mga kaibigan ko. Nilunod ko ang sarili ko sa mga luha ko.

❌❌❌

SALAMAT NG MARAMI! 😁😉

ATENG ZK

The Faceless: FS#1 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon