THE FACELESS
••Chapter 6: Start of Rage••"Murder is like potato chips, you can't stop with just one.."
--Stephen King❌❌❌
KILLER'S POV
Pahiga-higa lamang ako at patuloy na minamanmanan ang mga kasama ko. Napansin kong may umuungol sa may likuran at may sinasambit siyang mga salita. Nakita kong si Kira ito at binabangungot yata siya.
"Wag...wag...wag..." ang malinaw kong naririnig sa mga salita niya. Napatawa ako dun. Hindi ko pa nga siya napapatay ay tila nagmamakaawa na siya.
Hindi niya alam ang bangungot niya ngayon ay magiging totoo mamaya. Tignan nalang natin kung 'yan lang ba ang mga salitang mailalabas niya habang nagmamakawang 'wag ko siyang patayin. Malaki ang kasalanan niya sa akin. Kaya malaki-laki rin ang sisingilin ko sa kanya.
Alam kong hindi pa siya natutulog ulit, kaya hindi muna ako kumilos.
Hindi niya rin yata napansing wala sila Jhong. Kawawang Jhong, namatay na wala manlang nakakapansin sa kanya.
Nang biglang naka-recieved na naman ako ng mensahe at galing sa number ni Albert. Habang binabasa ko ang mensahe ay gusto kong tumawa ng malakas. Pero ikinubli ko nalang ito at ngumisi nalang. Kung alam lang nila na patay na si Albert.
Ang mga tao nga naman, mga walang pakialam. Kaibigan mo sa harap pero pag nakatalikod kana wala ng pakialam. Alam kong wala din namang magkaka-interes na tawagan manlang si Albert at siguraduhing okay lang siya.
Nang masigurado kong tulog na ulit si Kira ay kumilos na rin ako. Oras na para ipagpatuloy ko ang aking nasimulan. Iisa-iisahan ko silang lahat. Nilapitan ko ang dalawang matalik na magkaibigan na sila Emi at Sej. Wala naman talaga sa plano na papatayin ko sila. Pinagmasdan ko ang nga balingkinitan nilang katawan at maaamong mukha habang tulog na tulog.
Hindi ko rin naman in-expect na sasama sila at bago palang namin sila naging kaibigan. Pero tutal andito na rin sila at wala akong planong may maiwang buhay ay papatayin ko na rin sila. Ayaw kong may matira dahil baka ito pa ang ikakasira ng plano ko. Dahil wala naman silang medyong kasalanan sa'kin ay hindi ko nalang sila papahirapan.
Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha at dahan-dahang sabay itinurok ang lason sa may batok nila. Sinadya kong doon iturok dahil sa pagkakaalam ko mas mabilis ang pagproseso ng lason kung sa leeg na parte. Ilang segundo palang ay nakita kong mabilis ang epekto nito sa kanila. Kaya kumurba na naman ang isang ngiting tagumpay sa mga labi ko dahil sa labis na pagkamangha sa mga lason.
Ni wala man lang isang minuto ang itinagal ng lason. At walang mag-aakalang patay na sila. Buti nalang at iba'r-iba ang mga lason na nakuha ko galing sa isa kong kakilala. Kahit alam kong gagastos ako pero okay lang. Masaya rin naman ang kakalabasan nito.
"Rest in Peace, ladies." pabulong kong sambit na may ngiti.
Wala pa rin kahit isang nagigising sa kanila. At pabor sa akin ang ganito. At kung may baka sakaling magising sa kanila ay may handang mga palusot na rin naman ako. Magaling din naman ako sa ganyan. Kung kaya nila akong utuin ay kaya ko din.
"6 down, 10 left." sa isip-isip ko. Hindi ko inakalang madali lang pala ang kumitil ng buhay. Ni hindi pa ako pinagpawisan at wala pang kahirap-hirap manlang.
"Enie minie mini mo, sinong isusunod ko." palaro kong sabi habang iniisa-isa ko silang tignan.
Sino kaya?
Sinong isusunod ko?
Babae o lalaki naman?
Nakakalito rin palang maging killer pero aminado akong na-e-excite ako. Ang gusto ko lang ay mamatay silang lahat. Para na akong si Jegsaw nito.
Na sa kalagitnaan ako nang pamimili kung sino ang isusunod ko nang biglang tumayo ang isa ko pang kasama at napansing gising ako.
"Pare, jingle tayo." yaya ni Biggy sa'kin.
"Tara!" mabilis kong sagot. Pag siniswerte ka nga naman. Hindi pa nga ako nakakapili sa kanila ay may susunod na.
Bago ako sumama sa kanya ay inilagay ko sa bulsa ko ang mga kakailangan ko para sa pagpatay sa kanya. Sabay kaming pumunta at tig-isang banyo kami.
Agad-agad kong sinuot ang gloves at kinuha ang pamparalisadong turok na dala ko at lumakad ako patungo sa likuran niya. At dahan-dahan kong itinurok sa kanya at siyang saya ko nang mabilisang naparalisado ang buo niyang katawan.
Titig na titig sakin si Biggy habang hindi makapagsalita. At dinala ko siya sa kung saan ko itinago ang katawan ni Jhong at ang nobya niya. At doon ko isinagawa ang pagpatay sa kanya.
Halata ko sa kanyang mga mata ang takot na nararamdaman niya. At ginawa ko na ang pagpatay sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na sinasaksak ko siya at unti-unti siyang nawawalan ng buhay. At ilang minuto pa ay tuluyan na siyang namatay.
"Success," sambit ko nang puno ng saya.
Nagbihis ako kaagad at iniwan ang ngayong wala ng buhay na mga dati kong kaibigan at bumalik na ako kaagad sa iba ko pang mga kasama habang hindi pa sila nakakahalata.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...