THE FACELESS
••Chapter 9: The Cabin••"Don't trust what you see, even salt looks sugar.."
--mitten.tumblr.com❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Nagsimulang maglakad ng magkahiwalay ang dalawang grupo ng magkakaibigan.
Palakad-lakad sa gubat ang grupo nila Jegs at sa may malaking daan sila Kira dumaan na hindi nila alam kung saan papunta.
❌❌❌
"Asan na ba sila?" yamot na sabi ni Lorna.
"Baka andiyan lang 'yan." sagot ni Pong.
Patuloy pa rin sa paghahanap ang magkakaibigan sa mga nawawalang kasamahan. Pero halata sa mga mukha ng iba na inis na sila sa paghahanap.
"Ano ba naman 'yan. Kanina pa tayo naghahanap, hindi pa rin natin sila nakikita. Ang dami pang lamok." padabog na sabi ni Lorna habang pinapagpagan ang sarili dahil sa lamok.
"Joven, tawagan mo nga ulit si Biggy kung on na ba ang cellphone niya. At pakitawagan na rin si Jhong baka sagutin na rin niya." Utos ni Kira kay Joven.
"Okay," tipid na sagot ng binata.
Agad namang tinawagan ni Joven si Biggy at hindi pa ri ma-reach ang cellphone nito. Denial kaagad ni Joven ang number ni Jhong at sa puntong ito ay hindi na rin ma-kontak ang cellphone niya.
"Hindi pa rin makontak si Biggy. Hindi na rin makontak si Jhong." sabi ni Joven.
"Ano ba naman 'yan." agad na reklamo ni Lorna.
"Guys, relax lang. Hanapin na lang natin sila. Okay?" suhestyon ni Kira sa mga kasama.
"Tara doon tayo," saad ni Cyrie.
Malayo-layo na rin ang nilakad ng grupo nila Kira at patuloy pa rin sa kakahanap kahit wala namang kasiguraduhan na mahahanap nila ang mga nawawalang mga kasama.
❌❌❌
Sa kabilang banda ng resort kung saan naghahanap ang grupo nila Jegs ay inisa-isa nilang suyurin ang kabuoan ng gubat.
"Ba't pa kasi hinahanap natin sila? Babalik din naman yun eh pag nagsawa na sila sa mga kababalaghan na ginagawa nila." Padabog na sabi ni Dadap sabay hampas sa mga puno na dinadaan gamit ang isang piraso ng sanga.
"Ano ka ba! Kung napano sila, eh hindi natin alam." sagot ni Lexai.
"Manahimik na nga kayo," inis na awat ni Jegs sa dalawang babae.
Mahigit kalahating oras ng paikot-ikot at palakad-lakad ang dalawang grupo sa paghahanap sa mga kasama. Ang iba ay pagod na at inis sa pag-pe-pyesta ng lamok sa kanila.
Sa pagpatuloy na paglalakad ng grupo nila Jegs ay nakahanap sila ng isang lumang kubo.
"Oy may kubo!" sabi ni Jp sabay turo sa lumang kubo.
"Puntahan natin, baka andiyan sila. You know na..." malokong suhestyon ni Dadap.
"Tara!" tipid na sabi ni Jegs.
Pinuntahan ng magkakaibigan ang lumang kubo na kanilang nakita. Agad namang binuksan ni Jegs ang pintuan at pinasok ang lumang kubo. Madilim sa loob ng kubo at kinapakapa ni Jegs ang dingding para hanapin ang switch.
Nang mahanap ni Jegs ang switch ay agad naman niyang binuksan ang ilaw. Tumambad sa kanila ang isang sala ng lumang kubo. Sa kabila ng kalumaan ng kubo sa labas nito ay may malinis at presentabli ang sala sa loob nito.
"Bingo! Hanapin na natin yung kwarto." utas ni Junprin.
"Kwarto agad? Haha," pabirong sabi ni Dadap sabay tawa.
Sinuyod nila ang buong sala at hinanap ang mga kwarto nito. Iisang kwarto lang ang nakita nila. Agad na nilapitan ni Jegs ang pinto ng kwarto. Tumambad sa kanila ang isang hagdan na pababa.
"Guys, we should not go there." sabi ni Lexai.
"And why?" sabi ni Junprin gamit ang manipis na tinig na parang ginagaya ang pagsasalita ni Lexai.
"Shut up!" sabi ni Lexai sabay irap sa binata.
"Ang arte," mahinang bulong ni Jp.
Pababa na sana ang magkakaibigan sa hagdan nang biglang may narinig silang isang kalabog sa sala.
"Ano 'yun?" tanong ni Dadap.
Agad bumalik ang magkakaibigan sa sala para tignan kung ano yung kumalabog.
Nasaksihan ng magkakaibigan ang kalunos-lunos na katawan ng kaibigang si Biggy. Patay na ito at may maraming saksak sa katawan. Puno ng dugo a!ng buong katawan at dilat ang mga mata.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" magkasabay na sigaw ng dalawang dalaga.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...