THE FACELESS
••Chapter 18: Love By Blood••❌❌❌
KIRA'S POV
Agad kong namataan ang pagtakbo nila Jegs at Lexai pabalik ng resort. Bigla akong nabunutan ng tinik ng makitang buhay sila. Pero sa kabilang banda labis akong kinabahan dahil hindi nila kasama si Jp. Hindi maaari ito...
Dali-daling sinalubong ni Pong at Joven sila Jegs. Kitang-kita sa mga mukha ng dalawa ang pagod dala ng pagtakbo. Rumaragasa ang pawis sa kanila at madaming sugat na natamo sa mga paa.
Nanginginig si Lexai at halos hindi na makaya pang tumayo. Saktong umabot sila sa resort ay siyang pagbagsak niya. Nanlumo ako sa sinapit nila. Agad kong nilapitan si Lexai.
"Okay ka lang ba?" sensiro kong tanong sa kanya.
Imbes na sumagot ay iyak ang naging tugon niya. Hindi niya mapigil ang kanyang mga luha habang salong-salo ang kanyang mukha.
"You're alright now. Please calm down," agad kong pag-aalo sa kanya.
"Asan si Jp?" Biglang nabalik sa realidad ang aking isip nang mapagtanto ko ulit na wala si Jp.
"Asan siya? Jegs, asan si Jp?" pagsusumamo kong tanong kay Jegs.
"Nawala siya. Kinuha siya. Hindi ko alam khng sino, hindi ko makita ang mukha. Basta sigurado akong may humahabol sa amin. Biglang sumigaw si Jp at nawala na parang bula." mabilisang sagot ni Jegs sa akin.
"Hindi...Hindi...Hindi maaari 'to. Hindi pwedeng pati si Jp nawawala. Hanapin natin siya," pagwawala ko sa gitna na aking mga luha.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, iy ng pag-aalala. Pag-aalala na baka may nangyari ng masama kay Jp. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya. Hindi pako nakakabawi sa kanya. Hindi pa ako nakakabawi sa kapatid ko.
"Please guys hanapin natin si Jp," pilit kong hinahatak si Cyrie para hanapin ang kapatid ko.
"Ano ba Kira! Alam mong delikado at hindi tayo pwedeng bumalik doon. Hindi pwedeng pati tayo mapahamak." diretsong pagpigil ni Jegs sa akin.
"Hindi ko pwedeng pabayaan si Jp. Hindi ko pwedeng pabayaan ang kapatid ko." Napaluhod nalang ako sabay ng aking pag-iyak. Hindi ko na pala napigil ang mga salita ko. Lumabas na nang kusa sa bibig ko ang sikretong matagal ko ng nililihim.
"ANO?" malakas na tanong ni Joven.
Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko. Bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla sa natuklasan. Ang pinakamatagal kong lihim. At pilit tinatago kong sekreto. Pero sa oras na ito ay hindi ko na dapat itago pa ito. Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito. At dapat maprotektahan ko siya. Dapat ko siyang mailigtas.
"Kapatid mo si Jp?" tanong ni Cyrie sa akin. Alam kong hindi siya makapaniwala.
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Naghihintay ng sagot at paliwanag ko. Kung paano ko nagawang itago ang tunay na ugnayan namin ng kapatid ko.
"Oo, kapatid ko siya. Nakababatang kapatid sa ama ko si Jp," sagot ko.
Tumayo ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Umupo ako at pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Hindi mawala ang mga titig nila sakin. Panahon na siguro para sabihin ko ang totoo. Ang totoong pilit kong tinatakasan.
"Anak sa labas ni papa si Jp. Anak siya sa pagtataksil ni papa. Hindi alam ni mama ang tungkol du'n. Tanging ako at si kuya lang ang nakakaalam. Natuklasan ko yun nung nasa highschool ako at minsang sinundo ako ni papa. Nakita ko siya may kausap sa labas ng sasakyan niya, isang babae at isang batang lalaki. Umiiyak yung babae, parang nagsusumamo kay papa. Pero tinulak lang niya yung babae. Si Jp yung batang lalaki, 3 years ang agwat naming dalawa. Tinanong ko si papa tungkol du'n, at sinabi rin naman niya ang totoo. Si kuya lang ang sinabihan ko at tinago namin iyon kay mama. Ayaw namin saktan si mama kaya sinikreto namin iyon. Hindi ko na nakita ang batang iyon hanggang sa bigla nalang siya nagpakita at sumali sa grupo natin. Si Jp iyon," paliwanag ko sa kanila.
Tila hindi makapaniwala sa akin ang mga kaibigan ko.
"Ba't niyo tinago ni Jp? Pwede niyo namang sabihin na magkapatid kayo." saad ni Pong. Oo, tama siya. Pero desisyon ko iyon dahil may iniingatan ako.
"Iniingatan ko ang pamilya ko. Ang pangalan ng pamilya ko. Takot akong tignan ng mga tao na makasalanan ang papa ko. Gusto ko lang na perperktong pamilya ang tingin nila sa amin. I know I am just being selfish," maluha-luha kong sagot sa kanila.
Nilapitan ako ni Cyrie at inalosa kanyang mga bisig. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko na kusang umaagos sa mga mata ko.
Namayani ang katahimikan sa kanila pero ako dumadagundong ang aking dibdib sa kaba na baka may mangyari sa kapatid ko. Kung kailan natatanggap ko na siya ay saka pa nangyari ito. Hindi pa ako nakakabawi sa kapatid ko.
"I really need to find him. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko siya, na tanggap ko na siya bilang kapatid ko." patuloy kong sabi habang umiiyak.
"Wag kang mag-alala, makikita natin siya," panigurado ni Cyrie sa akin.
Napagpasyahan namin na magpahinga muna. Iipon muna kami ng lakas saka mag-pa-plano kung anong gagawin. Kinalma ko ang sarili ko at pilit na pinapatatag ang loob ko.
Sisiguraduhin ko na maiiligtas ko ang kapatid ko. Dapat magawa ko na ngayon ang matagal ko ng dapat ginawa, ang maprotektahan siya. Hindi ako papayag na sa bandang huli ay may pagsisisihan ako.
"Hintayin mo ako Jp," mahina kong sambit.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
BINABASA MO ANG
The Faceless: FS#1 COMPLETED
Mystery / ThrillerLabing-anim na magkakaibigan. Ang isa ay traydor. Sama-samang nag plano para sa isang kasiyahan. Pero ang isa nag plano ng kasamaan. Labing-anim na buhay. Labing-apat ang mamamatay. Sino'ng matitira? At sino ang nagtatago sa likod ng maskara? FACELE...