Ako si juan, 18yrs old. nakatira sa antipolo. summer ngayon at kasama ko ang aking mga pinsan, nagtatrabaho kasi ang tita ko kaya dito muna ang mga pinsan ko sa aming bahay, tamang tama naman dahil walang pasok. binabantayan kami ng aming lola.
hapon ngayon at napakainit, sobrang init, mararamdamang sirang sira na talaga ang ozone layer, Global Warming o Global Warning? siguro dadating ang panahon na tuwing sisikat ang araw wala ng lalabas na tao, pero maraming pwedeng mangyari hindi ba?.
nanunuod kami ng T.V ng aking mga pinsan, alam ko hindi pa nila naiintindihan ang mga balita sa T.V katulad nalang ng delubyo sa ibang lugar, hindi pa nila naiisip na ang mga piraso ng puzzle ay unti unti ng nabubuo. hindi ko alam kung bakit maraming sinisisi ang tao, pero hindi parin nila talaga napapansin, siguro meron nakakapansin pero kakaunti lang. hindi ako masyadong nanunuod ng T.V, nagugulat nalang ako pag may nababalitaan akong mga nakakagulat talagang mga balita, katulad nalang ng pagkaen ng tao sa kapwa nya tao, nakakagulat di ba? sa panahon ngayon kung ano ano na ang mga pinagiisip ng tao, hindi mo sila masisisi, hindi talaga.