Mayo 8,2010. Part Two

80 0 0
                                    

Alam ko isasama nya ang aming baby, si louise, pero hindi tao ang baby namin, aso kasi si louise, hehehe.

Naligo na ako, nagbihis at handa ng umalis. inayos ko na ang mga babaunin kong kanin at ulam, plinano talaga namin ni maria yun, para makatipid na din.

sobrang init, kahit sa paliligo sa banyo pagpapawisan ka. hay, nagantay na ako ng tricycle sa harap ng bahay namin, swerte, jeep ang dumating. sa wakas kahit papaano e lumamig ng onti dahil sa hangin na dala ng tumatakbong jeep. malas mo nga lang kung may truck na makasabay tapos sumakto ka sa tambutso, bukod sa mainit na usok na lumalabas mula dito, sang katutak na alikabok ang ibubuga sayo.  

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon