Mayo 10, 2010. Part Three

38 0 0
                                    

hindi ko alam kung saan ako dadaan,

napapalibutan na ako,

palapit sila ng palapit sa akin,

mukang ito na ang katapusan ko,

hindi ko man lang masasaklolohan sila lola,

mukang hindi ko na rin makikita si maria,

napaupo nalang ako sa sahig,

napapikit,

nagaantay nalang ng aking kamatayan.

biglang umalingawngaw ang isang putok galing sa isang shotgun,

sabog ang ulo ng isang papalapit sa akin,

sinundan pa ng maraming putok, sumasabog ang kanilang mga ulo.

nagsitalsikan ang kanilang mga dugo.

may natatanaw akong mga tao,

apat,

isang babae, tatlong lalake.

ang isa ay medyo matanda na, may hawak na shotgun,

ang babae naman may hawak na itak,

ang isa na medyo binata may hawak na pistol

at ang isa tubo.

nagmamadaling pinatayo ako ng matanda, padami daw ng padami ang mga manghahabol, kaylangan maghanap ng dadaanan.

inalalayan ako ng isang lalake, pababa na kami ng simbahan, hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko, ang buong antipolo ay mistulang impyerno na,

tumakbo kami sa kanan ng 7 eleven sa mga paradahan ng tricycle,

halos mapuno na ito dahil sa mga nakatigil na mga jeep at tricycle.

kokonti lang ang mga manghahabol sa lugar na ito, pero mapanganib parin.

"Dun tayo sa bahay na yun!" ang sabi ng matanda,

agad agad kaming pumasok sa isang bahay sa Dela paz street,

madilim,

kaylangan magingat,

buti nalang may dala ang babae na flashlight,

"Dito muna tayo, masyadong delikado sa labas, kaylangang mahimasmasan muna tayo." sabi ng matanda na nagngangalang Richard Silang,

anak nya ang isa sa mga lalake si Albert Silang, galing sila sa Dalig,

ang babae naman ay si Sofia Villanueva,

at ang isang lalake si Sebastian Monero, si sofia galing sa manila,

bumisita lang sya sa kanyang mga kamaganak sa teresa, pero dahil sa quarantine sa antipolo naistranded sya,

si sebastian naman sa bayan ng antipolo nakatira,

nagulat nalang sya ng mamatay ang kanyang ama amahan at pagkatapos ay nabuhay ito ulit,

mahirap paniwalaan pero nangyayari na,

hindi kaya dahil ito sa virus?

anong klaseng virus yun para magkaganito ang mga tao sa antipolo?

kahit sa sarili ko sinabi kong kalokohan ito, pero ito na nangyayari na.

6:02 na sa orasan dito sa pinasukan naming bahay,

nagsindi kami ng mga kandila at siniguro namin na hindi delikado sa bahay na ito,

meron akong nakitang daanan sa kisame palabas ng bubong,

nilagyan ko ng upuan kung sakali lang naman na may mangyaring hindi inaasahan.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon