Naghanap na ako ng makakaen,
meron sa ref kaso mga sira na,
dahil walang kuryente at isa pa matagal na ang mga iyon sa ref,
naghanap pa ako sa kusina,
meron akong nakitang apat na pirasong tinapay na nakabalot pa,
mukang ok pa.
pinagtiisan ko ang apat na pirasong tinapay para lang matahimik na ang nagrereklamo kong tiyan.
Feeling ko tuloy parang nasa isang computer game ako o yung mga napapanuod ko sa mga movies,
kung saan makikita mo kung paano ka makakasurvive,
minsan parang gusto kong maexperience yun parang ang astig kasi at nakakatayo ng balahibo,
pero ngayong naexperience ko na,
ang hirap pala,
totohanan na ito,
hindi na laro ang nangyayari,
pag namatay ako wala ng restart,
wala ng continue,
hindi laro ang buhay,
kaylangang ingatan ito
dahil ito ay mahalaga,
habang humihinga,
matutong lumaban.
pero kahit alam mong pagsubok lang minsan nahihirapan kang harapin,
madali lang minsan sabihin pero kung ikaw na ang nasa sitwasyon,
minsan hindi mo na rin alam ang gagawin.
pero kung hindi mo na talaga kaya,
wag kang magpapakamatay,
dahil mas malaking problema ang haharapin mo sa kabilang buhay,
ang impyerno.
natapos man ang paghihirap mo dito sa mundo,
magpapatuloy naman ito sa eternal life,
kung saan habang buhay kang maliligo sa dagat dagatang apoy,
habang labas pasok ang mga ipis at uod sa iyong ilong at tenga,
ang walang katapusang paghihirap,
ang nakakatakot na lugar na mapupuntahan mo sa buong buhay mo.
kung tinatanong mo kung nakapunta na ba ako at kung bakit alam ko,
ang sagot ko ay hindi pa at kahit kelan hindi ko pinangarap mapunta dun.
Lagi ka lang magpasalamat sa manlilikha,
naghihirap ka man o hindi wag mo syang kakalimutan,
dahil kahit kelan hindi ka nya pinabayaan at piliin mo yung pagkaeng hindi sira
dahil masisira din ang tiyan mo,
mukang iba ata ang nararamdaman ng tiyan ko,
mukang kaylangan kong magbanyo,
ok naman yung tinapay pero bakit ako sinakitan ng tiyan?
dali dali kong hinanap ang banyo,
nakita ko din sa wakas,
pambihira may nauna na pala sa akin,
may humarang na hugis saging,
saging na nababad sa tubig ng napakatagal,