Mayo 8,2010. Part Five

63 0 0
                                    

Napakainit, buti nalang may mga puno, nagsisilbing lilim sa aming mga ulo laban sa init. tuwing sabado o linggo, pumupunta kami dito, kung pwede.

medyo magtatanghali na at sinimulan na naming kainin ang aming mga dalang baon. may biglang nakiupong kalbong lalake, katatapos lang magbike, siguro mga trenta pataas na sya, mukang pinakintab na ng panahon ang kanyang ulo, akala namin makikiupo lang sya, hindi pala, kasi noong mga oras na yun, nagsimula na syang magSONA, isa syang chef sa barko, pero grade 6 lang ang tinapos nya, noong medyo kabataan pa daw sya e mahilig sya noon magpunta sa mga club, pero ngayon may asawa na sya at mga anak kaya hindi na, hindi katulad ng iba na kung kelan nagasawa saka pumupunta sa mga club, kaya daw habang bata pa magpakasawa na para pagnagasawa na hindi na magloko pa at lumagay na sa maayos.

wag daw muna kami magmadali ni maria, dahil masyado pa kaming mga bata. bigla syang tumahimik at tumingin sa malayo. hindi ko alam kung anong iniisip nya, pero parang nasa loob nya na ibang iba na ang panahon ngayon kesa dati. tumayo na sya at nagsimula ng magpaalam. hinding hindi ko malilimutan ang taong yun. pinagpatuloy na namin ulit ang pagkaen namin ni maria.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon