Hunyo 1, 2010.

27 0 0
                                    

Nakawala kami sa malacanang

dahil tinulungan kami ng isang grupo kung tawagin ay

"AKnB" o "Anak ng Bayan".

ngayon nandito kami sa kanilang base

sa maridugue,

sa kasawiang palad,

kinalulungkot kong sabihing

wala na si gregor,

dahil sa nangyaring ingkwentro ng AKnB

laban sa mga sundalo at pulis ng malacanang.

nahirapan ang AKnB dahil may mga tangke ang malacanang

at marami ding nasawi sa kanilang grupo.

walang leader sa grupong ito,

lahat sila nagkakaisa.

Sa wakas nakausap ko na si kuya,

hindi nya alam na may quarantine sa antipolo,

huli na ng malaman nya,

hindi na sya nakauwi sa kanila,

napakabilis ng pagkalat ng virus,

hindi na nya alam kung nasaan ang pamilya nya,

katulad ng sa akin wala na ding signal ang cellphone nya,

hanggang sa narescue sya at napunta sa malacanang.

bumalik na ang bisyo ni kuya,

ang paninigarilyo,

hindi nya maalis ito dahil nakagisnan nya ng gawain ito.

pero dati ito ang bagay na pinipigilan nya,

nag bago ang lahat dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

DISCOURAGE.

"Easy lang sa paghithit boy, 1k ang presyo ng isang stick ng sigarilyo."

ang sabi ni Isaac member ng AKnB.

akala ko nagbibiro lang sya,

pero totoo nga,

1k na ang isang stick ng sigarilyo,

depende pa sa klase.

isa nalang ang pamilihan dito sa pilipinas

yun ay ang WORLD SEA MARKET

matatagpuan sa kanlurang bahagi ng luzon,

hindi nila alam kung sino ang may ari nito

pero nakakasigurado silang makapangyarihan ang taong yun.

isa din syang kolektor ng kung ano ano,

kung gusto mo daw mag karoon ng trabaho

at kumita ng malaki alam mo na kung saan ka pupunta,

pwede kang mamili ng trabaho,

mag hanap ng pinapahanap nya

o lumaban sa WSFT

o World Street Fighter Tournament,

kung saan sa Sea Arena ginaganap malapit sa World Sea Market.

bawat laban na mapanalo mo,

kalahating milyon ang kikitain mo,

pero maliit daw yun sabi nila

dahil mahal ang bilihin sa sea market.

kung ganon malaki ang kinikita ng sea market

dahil marami ding mayayaman at maiimpluwensyang tao ang pumupusta ng malaki sa WSFT.

Napupulot lang ng mga AKnB ang kanilang mga armas

mula sa mga sundalong namatay,

napakamahal ng mga bala

at binibili pa nila ito sa sea market.

gusto nilang mapaslang ang namumuno ngayon sa luzon

dahil sa sistemang pinapalakad nito,

gusto nyang tatakan ng tatak nya ang mga tao dito sa luzon,

walang tatak,

walang pagkaen,

walang tubig na iinumin,

pag wala kang tatak

hindi tao ang turing nila sayo,

paano kami nakakaen?

mga napapanis nilang pagkaen,

maraming namatay sa amin

dahil sa diarrhea.

inumin?

hindi nila kami pinapainom!

ulan ang tanging regalo ng langit,

minsan sarili naming ihi ang aming iniinom,

lakasan nalang ng loob.

bakit ayaw namin magpatatak?

dahil alam na namin ang mangyayari.

iilan lang sa amin ang nakakaalam,

mas nanaisin pa naming mamatay kesa magpatatak.

Muling sasalakay ang AKnB

pero hindi ngayon,

sa tamang oras,

magpapalakas muna sila,

kaylangan nilang paghandaan,

dahil sa muli nilang pagsugod,

yun na ang huling araw ng mga hudas sa luzon.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon