Eleksyon nung mga panahong yun, kaya maraming mga tao na parepareho at iba-ibang kulay ng kanilang mga damit. ako? hindi ko alam kung sino ang iboboto ko, sabi nila kaylangan daw bumoto, hindi pwedeng hindi, kasi yun daw ang tama, karapatan mong bumoto, pero pano ako boboto kung hindi ko naman talaga alam? hindi naman siguro tama kung basta lang ako boboto, hindi ba? kung boboto ka, siguraduhin mong tama ang iboboto mo at hindi mo sisihin na kulang nalang ikaw na ang papalit sa kanyang pwesto.
minsan ang eleksyon parang relihiyon, hindi mo alam kung sinong paniniwalaan mo, lahat naman nagsasabi na karapat dapat sila at sila ang dapat mong paniwalaan. pero katulad ng sinabi ko hindi relihiyon ang makakapagligatas sayo kundi ang sarili mo, may mga gabay pero hindi mo alam kung sino.