kahit papaano meron namang matino sa kanila at talaga namang ginagawa ang kanilang tungkulin, mahirap lang talaga malaman kung sino sa kanila, hindi ko nga alam kung bakit binoboto pa nila yung mga kandidatong nagpapatayan para lang sa isang pwesto.
bakit nga ba? sa takot, sa pera, kakilala, katropa, kapitbahay, o baka kainuman? kaya lang naman tumatakbo ang IBA kasi gusto lang nilang magpayaman, hindi man lang napapansin ng ibang tao na lantaran na yung mga ginagawang kasiraulohan ng mga IBANG tumatakbo, hindi nila napapansin na dinadaan lang lahat sa pera, sa kapangyarihan.
sa panahon ngayon wala ng dangal dangal, kasi nabibili nalang ito kahit saan. ngayon palang nagsisimula na ang survival, pero wala parin nakakapansin nito.