Hulyo 3, 2010. Part Three

21 0 0
                                    

Nagsimula na ang gera ng AKnB laban sa mga manghahabol,

hindi ko akalaing marami sila dito sa batangas,

mukang naging lalo silang mabangis,

lalong lumalakas ang virus sa kanilang katawan at lalong pumapanget.

napapaatras kami sa dami nila,

parang buong batangas ang kalaban namin.

hindi na kami nakapaghanap ng pharmacy,

bumalik na kami sa supermarket,

napakadelikado na sa batangas lalo na't alam ng mga manghahabol na nandito kami,

nagmamadali na kaming pumunta sa mga bangka namin,

isa isa na naming nilagay ang mga kinuha namin sa bangka.

"Dali dali!" ang sabi ko.

paparating na ang mga manghahabol,

sumakay na ang iba habang niraratrat ng iba naming kasamahan ang mga manghahabol,

biglang huminto ang mga manghahabol,

mukang natatakot sila,

hindi namin alam kung bakit,

pero hindi na sila makalapit sa amin.

Nakaalis na kami sa batangas,

ngayon ay papunta na kami sa cavite,

pasalamat na lang kami at walang namatay sa amin.

hindi ko alam kung makakaya namin si hammer tail,

pero dapat kayanin namin.

naguguluhan na ako sa kung anong pinaglalaban ko,

ang gusto ko lang e makita ang mga mahal ko sa buhay.

ang dami ng nagbago sa pilipinas,

bukod sa problema sa mga manghahabol,

problema mo na din ang kapwa mo.

hindi ko akalaing mapupunta ako sa ganitong sitwasyon,

isa lang akong istudyante sa bayan ng antipolo

kung saan naghahangad ng isang magandang buhay

na may maayos na trabaho at isang simpleng pamumuhay kasama ang pamilya ko.

pero ito ako ngayon,

naglalakbay kasama ang mga AKnB na tumulong samen na lumaya sa porgatoryong impyerno,

na ngayon ay pupunta sa cavite kung saan hahanapin namin ang isang buwaya na 15ft ang haba.

Mga hapon na nun ng makarating kami sa cavite,

hindi naman ganon katagal ang byahe,

masyado lang akong kinakabahan sa dagat,

hindi dahil hindi ako marunong lumangoy,

hindi ko lang alam kung anong nasa ilalim ng dagat,

badtrip kasi si isaac.

ganon parin ang itsura ng cavite parang ginera lang.

"Habang hinahanap natin si hammer tail tumingin narin tayo ng pharmacy."

ang sabi ng isa naming kasamahan,

"Di ba nanggaling ka na dito sabi mo?"

ang tanong ni isaac sa akin,

"Oo, may mga naiwan kaming mga kasamahan namin dito ni gregor."

ang sagot ko,

"Baka pwede pa natin silang marescue, mabuti pa ay unahin muna natin sila para makadagdag sa atin." ang sabi ni isaac.

napagkasunduan naming unahin muna naming puntahan ang base dito sa cavite.

pinuntahan na namin ang base.

pero sa kasawiang palad,

iba na ang nadatnan namin.

Nagpatuloy na lang kami sa amin talagang plano,

ang hanapin si hammer tail,

mukang gagabihin kami sa paghahanap,

bukod dun wala pa kaming nahahanap na pharmacy,

mukang sinira na ni hammer tail ang lahat ng tindahan dito.

Tama ang hinala ko gagabihin kami sa paghahanap kay hammer tail,

"Mukang wala na dito si hammer tail." ang sabi ni isaac.

"Pero saan natin sya hahanapin?" ang tanong ko.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon