Malapit na pala ako sa SportsCenter ng marikina city, maganda sa marikina city, maayos, maganda din sa loob ng sportscenter, may takbuhan, table tennis, basketball court, libreng inuman ng tubig.
sa totoo lang hindi talaga ako mahilig gumala, kasi wala akong ibang alam puntahan kung hindi antipolo city lang, nung makilala ko si maria, marami na akong lugar na napupuntahan kasama sya, nagmamature na din ako dahil nadin sa kanya, kaylangan namin yun para madevelop pa ang pagsasama namin, hindi naman kami ganon katanda para magisip kagad ng kung ano ano, basta masaya kami kung anong meron kami at kung ano kami sa relasyon namin. nakababa na ako, pupunta na ako sa tulay kung saan doon ang aming tagpuan.
nakita ko na sila, ang dalawa kong baby, nagngitian lang kaming dalawa, ibig sabihin "Namiss kita". pupunta kami sa park ng marikina malapit sa River, marami kasi doong mga hayop, pero mga istatwa lang, naglalakad kami na magkahawak ang kamay ni maria at pati na syempre ang aming baby na si louise, pero hindi sa kamay, sa tali nya.