Pagkagising ko,
nasa isang kwarto ako,
nasaan ako?
medyo masakit pa ang ulo ko,
"Pasensya na brad hindi ko sinasadya ang pagpalo sa ulo mo."
ang sabi ng isang lalake,
siguro e kaedad ko lang sya,
matangkad na medyo payat at mukang maangas ang muka,
"Sino ka? nasaan ako?" ang tanong ko,
"Ako pala si renato, nandito ka sa tinuturing naming base dito sa Cavite." ang sagot nya,
hindi ko alam kung paano ako napunta sa cavite,
pero napakalayo ko na pala sa antipolo,
mag aalas singko na pala,
napakatagal kong nakatulog,
tinanong ako ni renato kung taga saan ako,
kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin,
"Swerte mo nabuhay ka pa, wala na ang luzon, konti na lang tayong nabubuhay dito, inubos ng mga hinayupak na yun ang buong tao dito sa pulo natin."
ang sabi nya,
biglang may pumasok,
"Ano gising na?"
tanong ng isang matangkad na lalaki na malaki ang katawan,
"Juan pinapakilala ko pala sayo si panda, oo panda gising na, hindi ko naman sinasadya, nabigla lang ako."
ang paliwanag ni renato,
"Brod pasensyahan mo na tong ugok na to, panda pala."
ang pakilala ni panda sabay kamay sa akin,
"Kaya mo na ba? papakilala ka namin sa iba pa naming kasama."
ang tanong ni panda,
lumabas kami sa kwarto,
napakarami palang mga tao dito,
parang sa safe house na din,
"Pito lang kami dati, nadagdagan ng nadagdagan kaya ito ang dami na namin."
ang paliwanag ni renato,
pumasok kami sa isang kwarto kung saan may limang katao,
"Men pinapakilala ko pala sa inyo si juan."
ang pagpapakilala sa akin ni renato,
si Munch 21yrs old,
5'2 kasing tangkad ko lang medyo mapayat pero solid ang pangangatawan,
may tattoo na "Respect" sa braso at iba't iba pang tattoo sa paa,
si Boo, 23yrs old,
tatlo ang hikaw sa kanang tenga at isa sa kaliwa,
may tattoo na "Freedom" sa kamao.
si Bangs ang pinaka bata sa grupo nila sa edad na 15,
nakamahawk.
si Renato,
18yrs old kaedad ko lang,
mukang maangas,
may highlights.
ang pinakamatanda si Gregor,
28yrs old,
matangkad.
ang kaisa isang babae sa grupo nila si Samantha,
20 yrs old,