Maghahapon na, medyo nalibot na namin ang pasyalan malapit sa river, maalikabok narin ang aming mga paa, picture dito, picture doon, tinatago namin ang bawat makuha naming litrato, para kung gusto naming alalahanin ang mga sandaling yun, titingnan lang namin ang mga larawan namin.
iba talaga si maria, kaya lalo syang napamahal sa akin, gusto ko pa syang makilala ng lubusan. kahit wala kaming masyadong pera, hindi namin yun pinoproblema, hindi naman kaylangan may pera para sumaya, pwede naman magsaya kahit walang pera. mga simpleng bagay lang.
dumating na ang oras na kaylangan na naming magpaalam sa isa't isa. kung pwede lang sana pahintuin ang oras at magsama pa kami ng matagal. pero sabi nga lahat ng bagay may limitasyon. kahit unlicall o unlitxt kasi may expiration period.