Mayo 9,2010.

45 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa init, para akong umihi sa kama, basang basa ang unan at kumot, pati damit ko. gaya ng dati, mga gawain tuwing umaga. pagkatapos baba na para kumaen ng almusal, nasa baba na din ang mga pinsan ko, syempre pati narin si lola.

binuksan ang T.V, balita. may bagong virus na nadiskubre sa isang lugar sa bayan ng antipolo, medyo malayo kami sa bayan ng antipolo pero sakop parin kami nito.

sa panahon ngayon uso na talaga ang mga sakit, sabi nga ng guro ko nung elementarya, pag may nadidiskubreng bagong gamot, may madidiskubreng bagong sakit.

isang tao lang ang merong sakit sa lugar na yun, at tinitingnan na sya ng mga doktor.

nanuod na ng cartoons ang mga pinsan ko, para silang hinihypnotize ng cartoons na pinapanuod nila, paano ba naman kasi hindi na nila kinakaen ang pagkaen nila at nakatutok lang sa T.V na parang hindi na kumukurap o humihinga.

natapos ko na ang aking umagahan at magsisimula ng maligo, talaga namang napakainit.

pagkatapos kong maligo niyaya kong magdama ang mga pinsan ko. tinuruan lang ako ng mga pinsan ko, ngayon hindi na sila manalo sa akin.

nakakatuwang laruin ang dama lalo na't kapamilya mo ang kalaro mo, tapos magkakantyawan kayo.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon