Natapos na kami,
bawat isa samen apaw ang mga lalagyanan,
tinali namin ito isa-isa para hindi magkahiwalay hiwalay,
"Ok, sa pharmacy naman tayo."
ang sabi ni Isaac.
iniwan muna namin ang mga kinuha namin sa supermarket,
naghanap na kami ng pharmacy,
kaylangan namin ng gamot,
kung sakaling may mainjured sa amin o kaya magkasakit,
mabuti na yung may maiinom na gamot,
syempre para mas epektibo samahan na rin ng dasal,
may kasabihan nga "Nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa."
dito sa pilipinas magkasakit ka lang na duwende ka na,
hindi ba pwedeng tinamaan muna ng virus o kaya dahil mahina muna ang resistensya ko,
baka porket nagkaids ako e sabihin nila nakipagsex na ako sa duwende?
kaya wag na wag kang pupunta sa mga probinsya,
delikado,
baka ikamatay mo pa,
baka paguwi mo sa inyo imbis gumaling ka lalo ka pang magkasakit,
papagalingin ka lang e kaylangan ka pang saktan,
pasuin,
sampal sampalin,
patakan ng kandila sa mata,
painumin ng alcohol,
e paano kung inaapoy ka na ng lagnat at hindi mo pa mapigilang manginig?
baka sabihin pa sinasapian ka,
tapos palupaluin ka ng buntot ng pagi para umalis ang masamang ispirito sayo,
parang sana hindi ka nalang nagkasakit.
malalayo ka talaga sa katotohanan,
may mga ganon ng tao noong sinaunang panahon,
hindi ko alam kung bakit may mga taong naniniwala sa mga ganong bagay,
hindi ba nila naisip na nilalayo lang nila ang sarili nila sa tunay na manlilikha,
sa tunay na nagpapagaling.
maswerte ang iba dahil gumagaling sa tulong ng ibang Doktor duffy duck na sabi sila ang sugo ng manlilikha,
tapos ano?
hindi naman sila sa manlilikha naniniwala e,
kundi sa sugo.
kelan ba nagpadala ang manlilikha ng sugo?
at kelan ba gumawa ng taga pagaling ang manlilikha e sya naman itong may kapangyarihan
at kelan gumawa ang Diyos ng diyos?
hindi ba nila alam na kaya ding magpagaling ni satanas,
sa bawat taong napapaniwala nya na nagpapagaling ang mga doktor duffy duck,
sobrang ligaya ang nadarama nya dahil nakakalimutan natin ang tunay na lumikha.
tinutulungan natin syang makalimutan ang mga nagawang kabutihan ng diyos,
ganon naman tayo e.
hindi na lang ako magugulat kung gawan pa ng mga tao si Ka Barong ng rebulto at samba sambahin o gawing santo.
hindi ito gusto ng manlilikha,
pero bilib ako sa kanya,
hindi sya katulad ng iba na ang gusto lang e sumikat kung tutuusin kaya nyang paniwalain ang mga tao,
pag nagpakita sya baka lahat ng tao sa mundo maniwala na sya lang ang nagiisang diyos,
pero hindi nya ginawa dahil hindi yun paniniwala,
yun ay takot.
"Guys saglit lang may naririnig ako." ang sabi ng isa. may naririnig din ako, mga humihinga. biglang may bumaba sa puno.
manghahabol.