Mayo 13, 2010.

28 0 0
                                    

 6:00am.

Nagising ako dahil sobrang init,

akala ko nga e tanghali na,

pero napakaaga pa pala.

tagaktak ang aking pawis,

para akong naligo,

basang basa ang damit ko.

Pagkalabas ko nakita ko sila panda at renato,

"Men hindi ako makapag kape, ang init ah?"

ang sabi ni renato,

"Edi mag kape ka na may yelo."

ang sagot ni panda,

"Mag almusal muna tayo, sabihan nyo ang iba pa nating mga kasama, maya maya aalis na tayo."

ang sabi ni gregor na kakadating lang.

Sinabihan na namin ang iba pa namin mga kasama,

pagkatapos kumaen

hinanda na namin ang aming mga sandatang gagamitin sa aming misyon.

"Ang una nating gagawin maghanap ng mga sasakyan,

kahit anong klase basta magagamit natin,

may susi man o wala si boo na ang bahala dun.

pangalawa kaylangan nating icheck kung may gas ang mga sasakyan na ating gagamitin,

kung wala kaylangan nating maghanap ng gas station.

pangatlo pupunta na tayo sa mga tindahan kung saan tayo makakahanap ng mga kaylangan natin,

wag nyong kakalimutan na hindi pwede tayong magkahiwalay hiwalay,

importanteng magkakasama tayo,

mas marami mas malakas ang pwersa natin kung ano mang nakaabang sa ating panganib doon sa pupuntahan natin.

magsihanda na tayo."

ang sabi ni gregor.

8:00am.

Palabas na kami sa aming base,

para kaming isang Gang na makikipag away sa labas.

ang bitbit kong sandata ay ginawa ko pa kahapon,

dalawang kitchen knife na tinalian ko ng goma galing sa interior

at kinabit ko ito sa tubo.

naglalakad na kami sa labas ng base,

parang panaginip lang ang lahat,

hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

madalas sa pelikula ko lang nakikita ang ganitong eksena,

ngayon nangyayari na sa akin.

chineck na namin ang ibang sasakyan,

matagal din kaming naghanap

pero isa lang ang nakuha namin,

dahil ang iba e nakatumba na at hindi na gumagana.

nakakuha kami ng isang jeep.

"Pwede na to men, kaylangan lang natin painitin dahil matagal ng nakatengga, may konting gas pa pwede pa tayong makahanap ng gasoline station."

ang sabi ni boo.

sumakay na kami sa jeep,

si boo ang driver,

mahirap ang aming byahe

dahil madami kaming iniiwasan,

bumababa pa nga kami

para tanggalin ang mga nakaharang,

nakakapagtaka lang dahil wala man lang umaatake sa amin

o humahabol.

mas mabuti na ang ganito.

Nakakita kami ng petron

at doon nagpagas

at pagkatapos tumuloy na sa aming destinasyon,

"Nakakita na ako ng mga bilihan."

ang sabi ni boo,

kaso may problema,

may nakaharang na mga posteng bumagsak dahil sa bagyo.

"Mukang hanggang dito na lang tayo, pero malapit na lang yan."

ang sabi ni gregor.

"Aantayin ko na lang kayo dito."

ang sabi ni boo.

"Hindi pwede kaylangan sama sama tayo."

ang sabi ni gregor,

"Pag may nangyaring hindi maganda, nakaready na ang jeep, dalian nyo lang."

ang sabi ni boo.

"Ok sige, men may magbabantay dapat sa nakaharang na poste, magsignal kay boo at sa amin kung may panganib."

ang sabi ni gregor,

si boro ang magbabantay.

16 kaming papasok sa pamilihan.

ang ibang tindahan ay gumuho na,

"Ang iba kumuha na sa hardware ng mga kaylangan natin, ang iba sumama sa akin mamalengke tayo."

ang sabi ni gregor,

kasama ako sa pamamalengke,

kumuha na kami ng mga sako ng bigas,

bulok na ang mga karne at gulay

kaya delata at instant foods na lang kinuha namin.

gumamit kami ng kariton

para doon ilagay ang mga kinuha namin.

nagtulong tulong kami

para mabilis mailagay ang mga kaylangan namin sa jeep.

ang mga sako ng semento,

buhangin

at graba

ay nilagay namin sa itaas ng jeep

at tinali namin ito ng mabuti pati narin mga bakal.

ang mga sako naman ng bigas ay sa loob namin nilagay pati ang mga pagkaen.

"Tama na siguro ito."

ang sagot ni gregor.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon