12:00am.
Tumigil na ang ulan,
kahit papaano tumahimik na ang kapaligiran,
hindi ako makatulog dahil hindi parin maalis ang pagaalala ko,
tulog parin si sofia.
Malapit na daw kami sa safe house,
sa hindi kalayuan may natatanaw kaming mga ilaw,
yun na kaya ang safe house?
may dalawang guard tower at pinailawan kami,
sabay binuksan ang malaking gate na mukang sobrang bigat at napakataas,
mukang safe house nga ito,
napakaraming tao sa loob,
marahil ay galing sila sa iba't ibang lugar dito sa luzon,
sana nga lang e hindi umabot sa visayas ang mga nangyayari dito sa luzon.
para kaming mga artista dahil pinagtitinginan kami,
"Dalhin nyo sila sa pwedeng pahingahan nila." ang sabi ng Major,
sinamahan na kami sa isang silid para doon magpahinga,
sa wakas makakapapahinga narin kami,
biglang may narinig akong putukan sa labas,
"Wag kayong magalala, ligtas dito, hindi sila makakapasok." ang sabi ng isang sundalo.
Nagpahinga na kami, sa sobrang pagod nakatulog agad ako.
Lumabas ako sa isang bahay pero malabo nawala din ito,
Umuulan,
bumaha pero hanggang tuhod lang,
ang daming nakapalibot na nilalang na hindi ko maintindihan,
hindi ko masabing tao sila o hayop,
nagkakagulo ang mga tao dahil sa mga nilalang na ito,
ang buong paligid ay napakadilim,
hindi mo alam kung anong meron sa mga natatanaw mong malalayo,
hindi ko alam kung saan ako pupunta,
hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa baha.
Nagising ako,
hinahabol ko ang hininga ko,
isang masamang panaginip lang pala.
7:00 na ng umaga,
maliwanag na sa labas,
tulog pa si sebastian,
nagising si sofia,
"Nasaan tayo?" ang tanong nya,
"Nasa safe house tayo." ang sagot ko,
my tumawag sa amin at inaya kaming kumaen na ng almusal,
napakaganda sa lugar na ito napakaraming halaman,
yun nga lang ay napapalibutan kami ng matataas na bakod,
panglaban sa mga nilalang sa labas.
nagsimula na kaming kumaen sa isang canteen,
napakaraming tao,
baka nandito ang pamilya ko,
"Pagkatapos nating magalmusal, maglibot libot tayo baka may makita tayong mga kakilala natin o kaya baka makita natin ang pamilya natin dito." ang sabi ko,
"Sana nga." ang sabi ni sofia, nagsimula na kaming kumaen.
"Magkita kita nalang tayo mamaya ok?" ang sabi ni sofia,
naghiwalay hiwalay kami,
9:26am,
hindi ko parin sila makita,
kahit mga kakilala lang o mga kaibigan.
sila sofia kaya?
bumalik ako sa aming silid, wala sila.
mukang nahanap na nila ang kanilang mga pamilya,
hindi parin ako nawawalan ng pagasa,
alam ko makikita ko sila lola.
Naglakad lakad ulit ako sa labas,
patingin tingin sa paligid,
maraming iba't ibang uri ng bulaklak at ang gaganda ng mga ito,
mga rose,
gumamela at santan,
yung iba hindi ko na alam ang tawag,
pero magaganda silang lahat.
may isang babae akong nakitang tumitingin tingin ng halaman,
naalala ko tuloy si maria,
mahilig din kasi sya sa mga bulaklak,
hindi ko alam kung tama ako sa nakikita ko,
medyo malabo kasi ang aking mata at hindi pa ako nagsasalamin,
pero ang babaeng nakita ko e parang si maria,
dahan dahan akong lumapit,
hindi ako makapaniwala,
"Beb?" ang tawag ko,
bigla syang lumingon sa akin,
matagal kaming nagtitigan,
nananaginip ba ako?
kung nananaginip lang ako ayoko ng magising pa,
bigla syang napaluha at napayakap sa akin,
hindi ko narin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko,
pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa labis na katuwaan,
ligtas ang minamahal kong si maria,
"Kamusta ka na ha? alam mo bang walang oras kitang hindi iniisip? sinong mga kasama mo? buti naman at ligtas ka? alang ala ako sayo, kala ko mawawalan na ako ng pagasang mahanap ka." ang sabi ko.
kasama nya ang kanyang ate at ang pamilya nito,
nakaalis kaagad sila sa marikina bago pa umaabot ang mga manghahabol doon,
"Ikaw kamusta ka na? Nasaan sila lola?" ang tanong nya,
kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari at kung paano ako nakarating dito,
"Beb mahal na mahal kita, wag ka ng mawawala sa akin ha?" ang sabi ko,
kahit na medyo cheezy,
nadala lang ako ng aking emosyon,
niyakap ko sya ng mahigpit,
hinalik halikan,
miss na miss ko na sya,
"Mahal na mahal din kita at hindi na tayo magkakahiwalay pa, halika puntahan natin sila ate." ang yaya ni maria.