Mayo 10, 2010. Part Seven

36 0 0
                                    

 4:05 na ng hapon,

may darating daw na bagyo dito sa pilipinas sa petsa Mayo 12,2010,

napakalakas daw ng bagyong yun,

galing sa south korea,

mahigit 300 ang namatay at kulang kulang W999,999,000. ang damage.

balita din na malapit ng matunaw ang mga yelo sa antartica,

gumagawa ng nuclear weapon ang north korea,

nagsisimatayan ang mga hayop sa africa at sa buong united state of america.

ito na ba ang judgement day?

hindi ko alam kung kalokohan lang ang lahat ng ito,

pero hindi,

totoo nga,

kitang kita ng dalawa kong mata ang mga nangyayari sa balita, ang nangyayari sa mundo.

hindi maaring magkasabay sabay ang mga ito. ano na bang nangyayari?

"Ako si Captain Ernesto, taga saan kayong apat?"

ang tanong ng isang lalake na siguro edad 35 pataas na,

nilahad namin lahat kay captain ernesto ang mga nangyari sa amin,

bigla nalang namatay ang t.v at nawalan ng ilaw,

"Kapitan! may ipo ipong parating!" ang sigaw ng isang sundalo,

biglang lumabo ang kapaligiran,

yumayanig ang tren,

nanlaki ang mga mata ko ng mga oras na yun at napakapit sa hawakan,

wala na akong ibang marinig kundi ang humihigop na ipo ipo,

hindi ko marinig sila sofia sa mga sinasabi nila,

naramdaman ko nalang na umiikot ikot ang tren at pagkatapos ay nakabitaw ako at nauntog sa upuan at nawalan ng malay.

Nagising ako ng hindi ko alam kung nasaan na ako,

masakit ang aking ulo,

mausok ang paligid,

nagkalat ang mga malalaking bato,

ang ibang sundalo naipit nito,

ang tren na sinakyan namin kanina parang napiping lata,

himalang nabuhay pa ako,

maliliit na galos lang at sugat ang tinamo ko.

hindi ko makita sila sofia,

sana ay hindi sila napahamak.

"Ayos lang ba kayo?" ang sigaw ni kapitan ernesto,

"Tulong!"

mukang sigaw ni sofia kaya agad naming pinuntahan ni kapitan ernesto ang lokasyon ni sofia,

naipit ang kanyang paa sa dalawang malaking bato at hindi na nya ito maialis,

tinanong namin kung nararamdaman pa nya ang paa nya,

ok naman daw ang paa nya medyo mahapdi dahil may sugat ito,

"kaylangan mahanap natin ang iba pa nating kasama, masyadong mabigat ang batong ito." ang sabi ni kapitan ernesto,

gumawa ng usok si kapitan ernesto,

malapit ng magdilim,

ang oras ay 5:03 sa orasan ni kapitan ernesto,

ilang minuto pa ay dumating ang isang sundalo,

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon