Mayo 10,2010.

41 0 0
                                    

1:04am,

hindi kami makatulog, siguro kahit mga kapitbahay namin ganoon din, hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi.

napakadilim ng paligid, napakatahimik.

nakakarinig ako ng mga pagsabog sa hindi kalayuan, mukang nanggagaling sa bayan ng antipolo.

kumaen kami, hapunan sana namin kagabi, hindi namin nakaen dahil sa pagtutok sa balita.

alam mo yung pakiramdam na ngayon mo lang naexperience sa buong buhay mo tapos ang dami dami mong iniisip na pwedeng mangyari, yun ang iniisip ko ngayon.

maya maya may narinig kaming mga helicopter,

tatlong helicopter! pinailawan ang mga bahay namin. "Pakiusap ho! magsilabas po kayo sa inyong mga bahay!, nandito po kami para tulungan kayo!"

Mula sa helicopter bumaba ang mga sundalo,

nagsilabasan kaming lahat, sa wakas ligtas na kami.

marami akong naririnig sa mga usapan ng mga sundalo, bukod sa "Alpha Bravo Charlie Delta Eco." tungkol din sa pangyayari sa antipolo,

bumaba ng dahan dahan ang mga helicopter para makasakay kami, nakaescort sa amin ang mga sundalo, inulan sila ng mga tanong ng mga tao, pero wala silang maisagot.

biglang nagsilabasan ang mga kanikaninang mga humahabol sa amin at nadoble ang bilang nila!

kung saan saan sila sumusulpot, hindi alam ng mga sundalo kung babarilin ba sila, ang akala kasi nila mga survivor ang mga ito.

nagkagulo, nataranta na ang lahat, nagkahiwalay hiwalay kami, nagsitaasan ang mga helicopter kasama ang iba naming mga kapitbahay, ang iba humahabol pero hindi na nakasakay,

nakita ko sila lola pabalik sa bahay, gusto ko sanang sumunod, pero nagsisisulputan ang mga humahabol sa amin, napatakbo ako sa ibang direksyon, hinawakan ng isa sundalo ang damit ko at hinila ako, tumatakbo kami palayo sa lugar namin,

"Teka! yung lola ko saka tita ko nandun!" hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano, para akong natameme sa mga pangyayari, naguguluhan ako kung bakit nangyayari ito.

hindi na daw kami makakabalik, masyado na daw delikado, babalikan daw sila.

mga apat na sundalo ang mga kasama ko, ang isa tumatawag sa radyo nya.

papunta kami sa direksyon ng kanto, labasan sa lugar namin.

gusto ko mang bumalik, wala na akong kakayahang gawin yun.

naisip ko tuloy ang kasabihang "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan." gusto ko, pero natakot ako at umaasa nalang ako sa salitang "SANA".

Malapit na kami sa kanto, nakatanaw ako ng mga ilaw, ano kaya iyon?

maalikabok kahit madaling araw palang, ng nasa kanto na kami, sasakyan pala ito ng mga army at pulis,

nagkalat ang dugo sa paligid, maraming mga sundalo at pulis na patay, ang iba hindi mo na makikilala dahil parang nasagasaan ng truck ang itsura, ano nangyari dito?

nakaposisyon na ang mga sundalo, "May parating!" ang sigaw ng isang sundalo,

sa hindi kalayuan may mga patakbo papunta sa amin, nataranta kami, hindi mastart ang sasakyan, "Barilin nyo!" ang sigaw ng isa,

"Mga Aswang ba ang mga hayop na ito?" ang sabi pa ng isa "Sa kaliwa!", pagtingin namin sa kaliwa may mga patakbo na sa amin at napakadami pa nila, bakit ganoon na lamang sila kadami? saan sila nanggaling?

sa pagkataranta ko, napasakay ako sa isang motor, saktong naroon ang susi, kahit napakataas nito, pinilit ko paring sakyan, namamatay ang makina, nanginginig ako sa sobrang kaba, pinadyakan ko ng napakalakas ang starter sabay hinarurot ko ang gas, hindi ito umuusad!

nakaneutral pala! papunta na sa akin ang isang sundalo, pero nasunggaban sya at natabunan ng mga tumatakbo, patay silang lahat.

naggear na ko! pero marami paring humahabol sa akin, napakarami nila at nanggagaling kung saan saan, napakalamig, nanginginig ang buo kong katawan dahil narin sa takot.

hindi nagtagal nawala na ang mga sumusunod sa akin, siguro naman hindi nila kayang habulin ang motorsiklo.

hindi ko alam kung ano ang nagaabang sa akin sa bayan ng antipolo, pero kaylangan kong makahingi ng tulong.

hindi ko alam kung mababalikan sila lola doon ng mga rescuer, pero sana maligtas sila,

ng malapit na ako sa bayan ng antipolo,

hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko,

nasusunog ang mga bahay,

nakatigil ang mga napakaraming sasakyan,

mga papel de pulitiko,

ang daming patay,

duguan ang paligid,

maraming nagtatakbuhan,

humihingi ng tulong,

maraming mga helecopter sa himpapawid,

mga tunog ng mga baril.

saang impyerno na ba ako naroroon? wala pa ako sa bayan pero ito na kaagad ang tumambad sa akin.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon