Mayo 28, 2010.

26 0 0
                                    

Nagbago na ang pilipinas,

pagkatapos ng nangyari samen ni gregor sa cavite,

naging alipin na kami ng mga hudas na nasa malacanang,

tinatago ko ang mga sinusulat ko.

Hindi ko alam kung anong plano nila,

pero pinapagawa nila kami ng isang malaking dome,

napakarami namin na inalipin nila,

dahil lang sa hindi kami pumayag nun na magpatatak,

hindi ko alam kung bakit kaylangan namin gawin yun,

pero hindi na kami kabilang sa mga tao dito sa pilipinas,

binasura na kami nila.

nagiba na ang presidente,

mula ng may dumating na isang tao na tutulong daw sa pilipinas,

namatay ang presidente,

hindi namin alam ang dahilan.

Hiwalay na ang luzon sa visayas at mindanao,

laganap ang krimen sa visayas,

kung ano anong kahayupan ang nangyayari,

patayan,

rape,

pagnanakaw,

halos mga kriminal na ang naghahari ngayon sa visayas.

naging independent country na ang mindanao,

pero wala na ito ngayon,

nabura na sa mapa ang mindanao,

natatandaan mo pa ba yung planong pag gawa ng nuclear missile ng North korea?

sinubukan nila sa mindanao,

walang kaalam alam ang mga tao.

hindi na makahingi ng tulong ang pilipinas sa U.S dahil may sarili silang problema,

CANNIBALISM.

Nakita ko si kuya noong Mayo 25,

isa sya sa amin,

hindi man lang kami nagkausap

dahil may mga nakabantay na mga pulis,

may sari sarili din kaming kulungan

dahil baka daw gumawa kami ng alyansa laban sa kanila,

alam kong pagkatapos namin magawa ang dome

papatayin na nila kami.

narinig ko mula sa mga sundalo

na tatawagin daw na Heaven's Gate ang dome,

pero bakit?

Mga hayop talaga sila,

kumukuha sila ng mga babaeng alipin

at pinipilit nilang makipagtalik sa kanila.

pinipili nila yung mga bata pa,

pinapaliguan para magmukang malinis

at pagkatapos gagahasain ng paulit ulit

hanggang sa magsawa na sila

at ibabalik ulit sa kulungan para maging alipin ulit.

may araw din silang lahat.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon