7:13am.
"Juan! gising! gising!"
ang sigaw ni renato,
nagising ako dahil inaalog nya ako,
kinabahan ako nun
baka kasi may nangyaring hindi maganda,
pero gumaan din ang pakiramdam ko
dahil maaraw na
at tumigil na ang bagyo,
"Bakit ano ba ang nangyari?"
ang tanong ko,
"Halika sa labas men!"
ang aya ni renato,
parang madaling madali sya,
paglabas namin bigla akong nagsabi ng
"Oh anong nangyari?!".
kung sa mga sosyalista e
"What the heck?,
OMG!,
What the F@!#?,
Holy Crap!,
What the freak!?
What the hell?!
at kung ano ano pang what what na meron pang expression na may pangalan ng diyos at kademonyuhan.
Pinutol na namin ang mga puno,
pero nagkaroon ng puno sa base,
nawasak nito ang isang bahagi ng pader.
napaka kalat,
meron ngang bahay sa labas ng pader e,
maaring natangay ito papunta dito,
mga nakatumbang sasakyan,
ang isa pang nakakagulat
ang mga bangkay,
kahit ang mga manghahabol hindi nakaligtas,
hiling ko lang sana na nalipol ng bagyo
ang lahat ng manghahabol sa buong luzon.
Nagsimula na kaming maglinis
at magayos ng dapat ayusin,
akala ko ay tatagal pa ang bagyo,
pero buong gabi lang ito nanalasa,
pero kung nag tagal pa ang bagyo,
baka hindi na makilala ang pilipinas.
hindi ko alam kung ano pang pinsala ang ginawa ng bagyo,
pero sa lahat ng dumaang bagyo sa pilipinas,
ito ang pinaka mabagsik.
ito lang ang nakabunot ng bahay,
nakabunot ng puno,
nakapagpabaliktad ng mga sasakyan
at tumangay ng mga manghahabol.
matatanaw mo sa malayo
ang iba pang pinsalang ginawa ng bagyo,
mga batong humarang sa daan,
mga posteng nakatumba.
napakadelikado dahil sira ang pader ng base,
baka may mga lumusob na manghahabol
o kung ano mang nilalang na pumapatay
maghahapon na ng matapos kami,
nagtulong tulong kami para takpan ang pader,
tinangbakan muna namin pansamantala ng mga kahoy
at iba pang pwedeng matambak.
kaylangan namin ng pang semento
at iba pang kagamitan
na makapagpapatibay ng aming base.
4:03pm.
"Kaylangan natin ng mga sako ng semento at kahoy, mga pako at bakal."
ang sabi ni gregor,
"Kaylangan na din nating dagdagan ang ating mga pagkaen, dahil sa dumadami na tayo, mauubos at mauubos din ang ating pagkaen."
ang sabi naman ni panda.
"So anong plano?"
ang tanong ni renato.
"Kaylangan natin ng mga sasakyan, para hindi tayo mahirapan sa pagkarga ng marami."
ang sagot ni gregor.
"Ang problema kaylangan nating maghanap ng mga sasakyan dahil wala naman tayong sasakyan dito sa base."
ang sabi naman ni boo.
"Bukas maghahanap tayo."
ang sabi ni gregor,
"Sana lang may mahanap tayo, tingnan nyo ang ginawa ng bagyo sa mga sasakyan."
ang sabi ko,
"Wag tayong mawalan ng pagasa, hindi tayo pababayaan ng panginoon."
ang sagot ni gregor.
Sa ginawa ng bagyo,
marahil ay sira na ang mga tindahan
pero sabi nga ni gregor na wag kaming mawalan ng pagasa.
malalaman namin bukas.
Nagtungo na kami sa mga iba pa naming kasamahan,
kaylangan namin ng mga kasama para sa misyong gagawin namin bukas,
napakadelikado
dahil hindi namin alam kung ano ang mga nakaabang sa amin.
nagisip kami ng mga gagamitin naming armas
at hakbang na gagawin namin para manatiling buhay ang isa't isa.
meron lang kaming mga kutsilyo,
lagare,
martilyo
mga tubo
at kahoy.
18 kaming mga lalaki na aalis bukas,
ang iba ay maiiwan kasama ng mga babae para magbantay sa base.
mukang matatagalan kami bukas,
sana ay maging maayos ang lahat.