Nag nganga na naman si lola, hobby nya talaga ang bagay na yun, karaniwan naman talaga sa mga matatanda yun ang ginagawa, kasama nya ang katropa nyang kapit bahay na si nanay kung tawagin namin. maraming talent si lola, bukod sa powers nya na deadly bad breath at black mouth dentata kaya nya ding magbukas ng bote ng softdrinks sa pamamagitan ng ngipin lamang.
minsan nagtatalo kami ng aking lola, madalas kasi tinatago ko ang nganga nya, hindi naman sa pangengealam sa trip ni lola, nagaalala lang ako sa kanya. pero mahirap talagang pigilan si lola dahil matagal nya na itong ginagawa. mahirap tanggalin ang kinagisnan ng gawain.