Mayo 9,2010. Part Two

38 0 0
                                    

Magtatanghali na, ang bilis talaga ng oras lalo na pagwala kang ginagawa, kumaen na kami ng tanghalian habang nanunuod na naman ng T.V, balita na naman.

inaaral ng mga eksperto kung maaaring tumira ang mga tao sa mars. magandang balita? o senyales na magugunaw na ang mundo? panibagong planetang sisirain.

kung makakatira nga tayo sa mars, malamang may bayad yun, mga may kapangyarihan o mayayaman ang makakatira sa mars, bakit? para wala ng mahihirap sa paningin nila.

iiwan nila ang lahat sa earth at mula sa mars panonoorin nila ang pagkagunaw ng mundo kasama ang mga walang kakayahang mga tao. maaaring mangyari o maaaring hindi.

Biglang nagflashreport, yung balita kaninang umaga tungkol sa virus, kumalat na sa lugar na yun, napakalakas naman ng virus na yun? baka dengue, bagong uri ng dengue? dumating na ang iba pang espesyalista sa lugar na yun para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon