Mayo 12, 2010. Part Two.

24 0 0
                                    

8:00pm.

Nagtipon tipon ang iba sa hall ng base,

nanalangin sila sa harap ng isang rebulto,

pinupunas punasan nila ito

at umiiyak na sana ay iligtas sila sa kapamahakan.

"Saan naman nanggaling yan?"

ang tanong ni renato.

"Dala dala nila yan ng pumunta dito."

ang sagot ni panda.

tumawa si renato

at biglang nagsalita.

"Humihingi sila ng tulong dyan na sana iligtas sila pero sila naman ang nagdala nyan dito at nagligtas."

ang sabi ni renato.

"Wag kang ganyan renato, igalang mo ang paniniwala nila."

ang sagot ni gregor,

naalala ko tuloy ang isang joke sa text.

may isang lalaking nananalangin

at humihingi sa isang bagay na nakapako,

"Sana po tulungan nyo akong makahanap ng trabaho."

ang sabi ng lalaki,

biglang nagsalita ang bagay na nakapako,

"Ako nga hindi makaalis dito e, tulungan pa kita."

Tingin ko wala naman masama sa ginagawa nilang panalangin,

nagiging mali lang dahil sa iba sila humihingi ng tulong,

sa bagay na walang buhay.

kung alam nila ang exodus,

the ten commandments,

malalaman nila kung bakit.

nakakapagtaka

kung bakit hindi sinasabi ito sa simbahan namin,

pero sana naman sabihin nila ang katotohanan sa mga tao

o mahirap lang talagang tanggapin ang salitang

"Minsan ang katotohanan masakit sa kalooban."

nangako akong mamatay sa ganitong paniniwala,

pero nag bago ang lahat dahil sa pagbabasa ko,

nakakatawa para sa iba

dahil pag ginawa mo yun

magiging tingin sa iyo ay napakabanal mo,

kasi sila bad boy ala robin,

pero hindi ko sila pinapansin

dahil alam kong tama ang ginagawa ko,

pakiramdam ko e nagbibigay ito ng lakas,

karunungan

at tamang landas.

pero maraming hindi naniniwala sa librong yun

dahil gawa lang ng tao,

yun yung mga taong sinarado na ang kanilang isipan.

kung sa bagay sa dami ba naman ng paniniwalang gustong maniwala ka sa kanila

sino nga ba paniniwalaan mo?

syempre sa sarili mo na lang.

Natulog na ako dahil nakaramdam ako ng pagod,

nananakit ang aking likod,

nanlalambot ang mga tuhod ko,

nagulat ako ng may pumasok sa aking kwarto,

si samantha,

tinanong ko kung bakit,

ang sabi nya ay hindi daw sya makatulog.

hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit hindi sya makatulog?

lumakas ang pintig ng puso ko

dahil lumalapit sya sa akin,

nakasuot sya ng manipis na tshirt,

malalaman mo kung ano ang kulay ng suot nyang pang loob

dahil sa nipis,

nakashort sya na napakaikli.

hindi ko alam ang gagawin ko,

kaya napatakbo ako palabas,

alam kong napakahina ko

pero alam ko din naman na may girlfriend pa ako,

sabihin na nilang napakaarte ko

pero hindi na ako nagtataka kung bakit maraming relasyong nasisira

dahil sa hindi sila maarte,

wala mang tao

o hindi man ako nakita ni maria na ginagawa ko yun,

may isang nakakakita sa akin.

tingin ko bukas magkakahiyaan na kaming dalawa ni samantha.

bumalik ako sa kwarto,

wala na sya.

Iniisip ko parin ang nangyari kanina,

parang hindi tuloy ako makakatulog,

pero pinilit ko parin dahil aalis kami ng maaga bukas.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon