Mayo 10, 2010. Part Eight.

28 0 0
                                    

Ratratan na sa baba ng helecopter,

akala mo ay nagkakagerahan na,

malapit na si sebastian,

parang nakikipaglaro sya ng football sa mga manghahabol,

napapalibutan na si abel at pablo ng mga manghahabol,

tumulong din ang ibang sundalo habang nasa helecopter,

nilabas nila ang machine gun ng helecopter at pinaulanan ng bala ang mga manghahabol,

sa wakas nakarating narin si sebastian sa hagdan at nagsimula ng umakyat,

mahaba din ang kanyang tinakbo,

"Mauna ka na, cocover ako!" ang sabi ni abel kay pablo,

umakyat na si pablo,

padami ng padami ang mga manghahabol,

mauubusan na ata ng bala si abel,

humawak na sya sa hagdan,

"Sige na!" ang sigaw ni abel,

umandar na ang helecopter pataas,

konti nalang maabutan na si abel ng mga manghahabol, para silang langgam sa dami.

"Anong nangyari sayo? nasaan si albert?" ang tanong ko kay sebastian,

hindi nya alam kung nasaan si albert,

basta nagising nalang sya nakasabit sa puno,

hinahanap daw nya kung may mga nakaligtas din,

may nakita daw syang isang sundalo naghihingalo namatay din ng mga ilang minuto pagkatapos nagstay sya sa loob ng jollibee ng makita nyang may liwanag sa malayo,

agad nyang pinuntahan ,

dahil sa ingay ng helecopter kaya nagsipuntahan ang mga manghahabol sa direksyon namin.

maswerte si sebastian at nakita nya ang ginawang signal nila kapitan.

"Saan na po tayo pupunta?" ang tanong ko,

"Sa safe house." ang sagot ni kapitan ernesto,

lumamig ang paligid lumalakas din ang hangin,

biglang kumidlat at kumulog ng napakalakas,

"Kapitan mukang masama ang panahon ngayon." ang sabi ng piloto,

"Sa 12 pa ang bagyo hindi ba?" ang tanong ng kapitan,

biglang umulan ng malakas,

hindi namin makita ang paligid,

napakalakas pa ng hangin, babagyo ba?

pero sabi sa balita 12 pa ang bagyo,

kumidlat at kumulog na naman,

nahihirapan ang helecopter sa lakas ng hangin,

"Kapitan! kaylangan muna nating ibaba ang helecopter! masyadong malakas ang hangin! ang sabi ng piloto,

onti onting bumababa ang helecopter,

pero hindi namin makita ang baba sa sobrang lakas ng ulan at mausok,

biglang may sumalpok na yero sa gilid ng helecopter,

buti hindi tumama sa elesi kung hindi baka bumulusok kami pababa.

dahan dahan kaming bumaba at naghanap ng malalandingan,

mapuno,

mukang nasa bundok kame napadpad,

nakalanding naman ang helecopter.

napakalakas ng ulan,

hindi ko alam kung yung bagyo sa Mayo 12 ay ngayon na nagsisimula,

hindi maganda ito,

hindi namin alam kung nasaan kami,

delikado dahil may mga manghahabol sa paligid.

10:00 pm,

hindi parin tumitigil ang ulan,

sa halip ay palakas pa ito ng palakas,

sobrang lamig na sa loob ng helecopter,

bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog,

"Ano yun?" ang tanong ni sofia,

mukang hindi maganda ito,

nakaramdam kami ng init,

"Kapitan! may lava ho na papunta dito!" ang sigaw ng piloto,

"Paandarin mo na!" ang sigaw ng kapitan,

nagsimula ng paandarin ang helecopter,

pero mukang minamalas kami,

ayaw umikot ng elisi mukang may nangyari dito dahil sa bagyo,

"Baba dali!" ang sigaw ng kapitan,

dali dali kaming nagsibabaan at mukang magsisimula na naman ang walang katapusang takbuhan.

matarik at madulas ang daan kaya kaylangan naming magingat,

pero kaylangan naming magmadali dahil hinahabol kami hindi ng manghahabol kung hindi lava,

saan nanggaling ito?

malapit ba kami sa bulkan?

nakakita na kami ng kalsada,

napakaraming basura sumasabit sa mga paa namin,

ang hirap ding gumalaw dahil baha,

nasira ang karugtong na kalsada,

lumubog ito pero kaylangan naming makarating sa kabila dahil mataas ang bahaging yun at siguradong makakaligtas kami sa lava,

"Dalian nyo!" ang sigaw ng kapitan,

nagpadulas na lang kami sa pababa,

nadudulas dulas kami,

biglang napahiga si sofia,

agad ko syang pinuntahan,

"Sofia! sofia!"

mukang nawalan sya ng malay dahil sa kapaguran kaya binuhat ko nalang sya,

nasa likod na ang lava at unti unti na itong bumubuhos pababa,

konti nalang malapit na kami sa dulo,

konti nalang din at malapit na sa likod namin ang lava,

pawis na pawis ako,

sobrang init,

nakakahilo.

nakaakyat na sila pero nasa baba parin ako,

bumaba si kapitan at tinulungan ako para iakyat si sofia,

tumulong din ang iba dahil napakadulas,

nakaakyat na ako,

muntik muntik na ako,

pwede na siguro akong sumali sa marathon.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon